CHAPTER NINETEEN

618 17 0
                                    

Days, weeks, and months passed by, mas naging close ang mga bata kay Chaste. Tinotoo niya ang sinabi na babawi siya sa mga bata. Palagi niyang nilalabas ang mga ito, madalas nga lang ay kasama rin ako. And this week ay plano namin na bumalik ng Batangas to introduce the kids to the family, sa pamilya n'ya at sa pamilya ko, hindi ko lang alam kung kasama ba ang asawa niya sa sinasabing 'pamilya.'

"Where are we going Nanay, Tatay?" tanong ni Haven habang sakay kami sa kotse ng Tatay nila.

"Batangas anak," I answered.

"Vacation po?" asked Ethan.

"Nope, we're just going to visit your Lola's and Lolo's there," si Chaste na ang sumagot sa tanong ng anak. "You two can sleep, malayo naman iyon. Ikaw rin Aesira, matulog ka."

"Tatay drive thru, gutom na ako po," malambing na ani Haven habang nakasilip sa Tatay niya. Mahinang natawa si Chaste bago nito iniliko ang sasakyan sa drive thru na nadaanan namin. Ang dami nitong inorder na pagkain na siyang ikinatawa ng mga bata.

"Be careful, huwag kalatan ang sasakyan ni Tatay."

"Subuan mo ako," kunot-noo akong napatingin sa gawi ni Chaste, sa daan pa rin ang tingin nito, nilingon ko si Haven dahil baka ito ang kausap ng ama pero busy rin ito at ang Kuya niya sa likod.

"Ikaw ang kausap ko Ae," kalmadong anito na siyang lalong nagpalaki sa mata ko. "I'm driving, hindi ako maka-kain, gutom na ako."

"Go na Nanay, feed mo na si Tatay kawawa naman s'ya napapagod mag drive," sulsol pa ni Haven, sinamaan ko ng tingin si Chaste pero binigyan lang ako nito ng isang kibit-balikat na para bang wala siyang alam sa pagkampi ng anak niyang babae sa kaniya. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang buksan ang burger at subuan siya habang nagda-drive. Minsan ay kumakagat na rin ako sa burger na hawak, ang dalawang bata naman ay nakatulog na sa likod.

Pasado alas nuwebe na kami nakarating ng Batangas kung saan sa bahay nila Chaste kami tumuloy, malapit iyon sa church kaya naman hindi ko maiwasang kabahan sa maarin nilang sabihin sa akin lalo na sa mga anak ko.

"I'll take care of them," presinta ni Chaste, ginising nitong una si Ethan bago sinunod so Haven, agad na kumuyapit si Haven sa leeg ng Tatay n'ya para magpabuhat, si Ethan naman ay nakatulala pa rin sa kawalan.

"Anak we're here na," natatawa kong sabi kay Ethan saka pa lang ito yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Ethan, huwag ka ng magpabuhat sa Nanay mo anak, masyado ka ng mabigat baka mahirapan si Nanay," paalala ni Chaste sa anak.

"I know Tatay," supladong sagot nito kaya naman natawa na lamang ako.

"Let's go in," tumango ako sa kaniya saka kami sabay na pumasok sa gate na kulay pula, walang pinagbago ang church kung ano ito noong iniwan ko ay ganoon pa rin, na maintain ang green na paligid sa pavilion pati na rin ang mga puno ng mangga ay naroon pa rin, nadagdagan lamang iyon ng mga bench at tables kung saan p'wedeng tumambay.

Bago kami tuluyang pumasok sa compound ng church ay naramdaman ko ang pag pulupot ng kaliwang braso ni Chaste sa aking bewang tiningnan ko ito ngunit sa daan naman nakatuon ang mata nito.

"Kuya Chaste!" napigtal ang tingin ko kay Chaste nang marinig ko ang tawag na iyon ng kapatid niyang si Nisha. Nalipat ng tingin nito sa akin, kay Ethan bago muling binalik kay Chaste na pasan-pasan si Haven.

"They are?" nagtatakang tanong nito sa kapatid.

"My family," maikling sagot ni Chaste. "Bless kay Tita Nisha mga anak."

Walang pagda-dalawang isip naman na yumukod ang dalawang bata sa kapatid ng Tatay nila, si Nisha ay walang nagawa kundi ilapat ang kang kamay sa ulo ng mga bata, gulat pa rin ang naka-rehistro sa mukha nito.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now