CHAPTER 3

434 43 14
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 3

Mysterious
Family
---------------------------
--------------------------------------


BUMUNGAD sa amin ang isang lalaking matangkad na long hair, na naka-ipit ng ponytail. Tuwid itong nakatayo at seryoso ang mukha nitong nakatingin sa amin ng ina ko.

"Good Afternoon, Miss Felicia Zamora and..." huminto sa pagbati ang lalaki nang ibaba nito ang tingin sa akin. Lumiit ang kaniyang mga mata at pinakatitigan ako. Napatitig din ako sakaniya dahil sakaniyang angking appeal, akalain mo nga namang may hitsura din pala ang isang ito. Infairness ang tangkad ah. "I see, I won't keep you waiting any longer, come and get in the car. The Lenoirs are waiting for you." ani long hair guy saka iginiya kami sa sasakyan.

Nang makapasok na kami sa isang... Limousine!

What the hell!?

Ngayon ko lang napansin na limousine nga talaga ito, grabe masyado akong napokus sa lalaking iyon kaya hindi nag sink in sa utak ko itong sasakyan. Mukhang ibebenta ako ng ina ko sa mayamang pamilya o baka naman manglilimos kami? Joke!

Kinain na naman ako kuryosidad sa mga taong kikitain namin, anong klaseng nilalang ba sila? Nakucurious ako kung gaano sila kayaman at anong koneksiyon namin ng ina ko sakanila. Ipapaampon ba ako? May sinabi sa akin ang babaeng ito na makukuha ko lahat ang gusto ko sa mga Lenoir, so it means na ibebenta o ipapaampon ako sakanila.

Pero kung ganoon nga ang mangyayari, edi masaya! Wala nang mananakit sa akin at wala nang nakakairitang boses na sisigaw-sigaw sa akin! Please! Please! Sana nga kunin na nila ako, pero kung masasamang tao ang mga iyon, magnanakaw nalang ako ng mamahaling gamit atsaka ako lalayas. Joke!

Hindi ganoon ang turo at pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko na kumuha ng mga bagay na hindi ko pag-aari, at masama ang mag nakaw! So magpapaalam ako kung pwede kong kunin yung gamit o alahas nila. Atsaka hindi pa nga sure kung dito ako maninirahan o baka bumisita lamang kami, ang assumera ko talaga.

Erase! Erase! Ang bilis ko naman mag-isip ng mga bagay bagay na hindi pa nangyayari, kalmado lang dapat. Kalmado lang, go with the flow muna ako sa nangyayari.

Nang makaupo ako sa tabi ng nanay ko ay ipinikit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili, sa pagmulat ko ay nagtama ang mga mata namin ni long hair guy na kaharap pala namin sa upuan.

"Are you uncomfortable in your seat, Milady? Or is the air conditioner too cold? Are you feeling dizzy?" sunud-sunod nitong tanong sa akin na seryoso parin ang ekspresyon. Hindi ko alam kung talaga bang nag-aalala siya sa akin o hindi eh. Masyadong blangko ang ekspresyon nito, ang seryoso kasi ng mukha niya.

Dahil hindi naman ako makakapagsalita ng maayos ay umiling na lamang ako saka nginitian siya bilang tugon na ayos lamang ako. Kita ko ang kaunting paglaki ng kaniyang mga mata at napatitig sa akin.

"May masakit ba saiyo Lotus? Sabihin mo lang kay mommy kung nahihilo ka o nasusuka." biglang wika ng nanay ko na lihim akong nasurpresa sa tinuran niya,  may paglalambing ang bawat salita nito na hindi ko inaasahan na gagawin niya ito sa akin. Tinawag niya akong Lotus na iyon ata ang pangalan ng batang katawan na ito na gamit ko. Pero mas hindi ko inaasahan na tawagin niya ang kaniyang sarili na 'mommy', parang gusto kong masuka sa kaplastikan niya.

"Lotus? Is that her name?" biglang ani long hair guy na tumingin kay Felicia.

"Yes." mabilis na tugon nito. "Lotus Aubrianna Genesis, ang buo niyang pangalan." ani ina ko sa seryosong mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Need To Get Away From This Family (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon