Chapter 6

2.7K 109 3
                                    

"Congrats!"

"Thank you," tuwang-tuwa naman na saad ko.

Kasal na kami ni Geo. Yes, sobrang saya ko na hindi ko maipaliwanag.

Lumapit naman ang asawa ko at inakbayan ako.

"Asawa na kita, kaya layuan mo na ang Nix na iyon," aniya na pinisil pa ang aking baywang.

"Kaibigan ko lang si Nix!" naiinis na saad ko naman.

"Kaibigan? Bakit may pa tinolang manok pa siyang nalalaman?!"

Nanlalaki naman ang mga mata ko. Akala ko tapos na ito!

Hinampas ko ito sa balikat.

"Kakainis ka talaga, Geo! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo!"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Buti na lang tinawag kami ng parents namin. Nandito rin ang mga kaibigan ng asawa ko. On the next day, graduation na namin.

After ng kasal namin,  sa mansion muna kami tumuloy. May inihandang salo-salo sa mansion namin.

"Maybelle, ang sinasabi ko sa'yo. Dapat pagsisilbihan mo ang iyong asawa. Magluto, maglaba, maglinis at ihanda ang mga damit niya kapag papasok siya sa trabaho," mahabang litanya ni Mommy.

Napangibit naman ako. "Mom, hindi na ako magtatrabaho?" mahinang tanong ko rito.

Inakbayan naman ako ni Geo. "No need, baby," bulong niya sabay halik sa aking batok.

"Oh Geo, umalis na kayo. Naghihintay na ang chopper," nakangiting saad ni Daddy President.

Nakakunot naman ang noo ko. Chopper? Saan kami pupunta?

"It's our honeymoon. Pupunta tayo sa biniling isla ni Daddy," saad ng asawa ko at hinila na ako palabas ng mansion.

Gosh! Totoong may asawa na talaga ako. Imagine, iyong binabasa ko sa aklat na maghohoneymoon, mangyayari na rin sa akin.

"As in tayong dalawa lang sa island?" tanong ko kay Geo.

"Gusto mo, isama na rin ang parents natin?" nakataas kilay na saad ni Geo.

"Nagtatanong lang ako! Eh di isama mo!" pagtataray ko naman.

"Isip-bata," mahinang saad niya.

Hindi ko na ito inimikan hanggang nakasakay na kami sa chopper.

"Tatlong araw lang tayo sa isla. Babalik muna ako sa US at may asikasuhin lang ako," aniya na nakayakap ito sa akin.

Napatingin naman ako sa aking asawa.

"S-Saan ako titira?"

"Sa mansion muna. Ang bahay natin, inaayos pa ni Mommy. Marami pang kulang na mga gamit sa kusina."

"B-Basta three days lang ha. P-Pero puwede naman sa condo mo na lang ako," mahinang saad ko naman.

"Hindi puwede. Wala kang kasama at mas gusto ko sa mansion ka at panatag ang loob ko."

Napanguso naman ako. Lahat si Geo na talaga ang magdesisyon!

After fifty five minutes, nakarating kami sa isang napakagandang isla. Sobrang puti ng buhangin at talaga namang mamamangha ka sa ganda ng paligid.

"Like it?" tanong ng asawa ko.

"Super!" tuwang-tuwa na sagot ko naman.

Pagkababa namin ng chopper, agad naman umalis ito.

"Let's go," aniya na hinila ako papunta sa ancestral house.

Kahit sa loob ng bahay, super ganda rin ito.

Tears Of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon