Chapter 9

2.4K 107 22
                                    

"G-Geo?"

Panay ang kuskos ko sa aking palad. Galit talaga siya sa akin. Kung tutuusin, wala naman akong kasalanan. Tinanggal ko lang naman ang crab na nakabitin sa kan'yang.....itlog.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin?! Ilang beses ko ba sinabi sa kama na tayo mag....ahm....s-sex! Kaso gusto mo lagi may thrill! Geo, nga eh! Wala na ang crab, pinatay mo na di ba? So, bakit sa akin ka nagagalit?!" Humihingal na ako sa pagsasalita sa sobrang inis ko rito.

Nakakunot naman ang noo niya sa akin.

"Tapos ka na?" tanong niya na nakataas ang kilay.

Napanguso naman ako. "Oo tapos na!"

"Gumayak ka na. Mamaya sunduin na tayo ng chopper," aniya na nakatutok lang ang mga mata sa laptop.

""P-Puwede ba sa bahay ng parents ko muna ako?" mahinang tanong ko sa aking asawa.

"No. Sa mansion ka. Asawa na kita, Maybelle. Ako pa rin ang masusunod."

Padabog naman akong tumalikod at pumunta sa silid. Agad ko naman ginayak ang mga gamit namin. Mabilis din ako naligo. Nakaupo ako sa kama habang naglalagay ng lotion sa katawan, pumasok naman ang asawa ko na bitbit ang laptop niya. Nakatingin lang ako rito habang inaayos ang kan'yang mga gamit. Kahit nakasuot ito ng reading glass, sobrang guwapo pa rin ito.

"G-Geo?"

"Yes?"

"Di ba sabi mo, babalik ka agad?"

"Depend. Kapag okay na ang lahat, uuwi agad ako."

Napabuntonghininga naman ako. Tumayo ako at nilapitan ito. Niyakap ko ito sa likuran. Parang ayoko na tanggalin ang mga braso ko na nakapulupot rito.

"I don't know. Natatakot lang ako na hindi mo ako babalikan. N-Natatakot ako na, makahanap ka ng iba."

Humarap naman ito sa akin.

"Stop over thinking. Negosyo ang pupuntahan ko at kasama ko Drey. Kapag may kalokohan akong ginawa, magsusumbong iyon sa'yo."

"I trust you. Kasi kapag niloko mo ako, sasabihin ko sa kanila na kinagat ng crab ang itlog mo!"

Pinitik naman niya ang noo ko.

"Namaga pa nga. Kaya pahinga muna tayo. Pero pagbalik ko, gigibain natin ang kama," nakangising saad niya.

Hinampas ko naman ito sa dibdib.

"Maghihintay ako, Mr. Lee. I love you."

"I love you too, Mrs. Lee."

Walang humpay ang naramdaman kong saya kapag nagsasabi rin itong mahal niya ako.

Nang umalis si Geo, bumalik ulit sa normal ang buhay ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral para sa pagkuha ko ng Licensure Examination for Professional Teacher.

Si Gabby naman nasa ibang bansa na ito upang doon kumuha ng degree. Si Ginto naman, abala ito sa hospital. Isa itong surgeon Doctor.

Nagpaalam muna ako sa parents ni Geo na uuwi muna ako sa bahay ng parents ko. Kahit sobrang busy ng parents ni Geo hindi pa rin nila ako pinababayaan at lagi ako kinakamusta.

Lumipas ang araw na wala pa kaming communication ni Geo. I understand naman na sobrang busy niya talaga. Hindi ko maiwasan na mag-isip ng sobra.

Kasalukuyan nasa silid ako at nakatutok ang mga mata ko sa screen ng aking laptop. Panay naman ang hinga ko ng malalim.

"I really missed him...."  mahinang saad ko na nakatulala sa kawalan.

"Maybelle? Maybelle?"

Napakurap naman ako dahil sa lakas ng boses ni Mommy.

Tears Of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon