Chapter 28

3K 106 7
                                    

"Ano ba, Geo?!" inis ko itong itinulak.

Nakangisi lang ito at tumabi sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Huwag ka ng umalis, Belle. Let's start together again," bulong niya sa akin. 

Napatigil naman ako. Bumangon ako at humarap rito.

"Ang dali lang para sa'yo na sabihin iyan. Ang lahat ng bagay ay dapat pinaghihirapan!" diin na saad ko sa kan'ya.

Dali-daling tumayo ako at hinagilap ang aking mga saplot. Mabilisan ko itong sinuot habang nakatingin naman sa akin ang bwesit na koreanong ito.

"B-Belle?"

Hindi ko ito pinansin. Abala ako sa pagsuot ng aking heels.

"Belle, nakalimutan mo suotin ang p-panty mo," mahinang saad niya.

Napanganga naman ako. Parang gusto ko lumubog sa inupuan ko. Hawak-hawak niya kasi ang aking underwear.

Sa lahat ng katangahan ngayong araw, sa akin yata ibinigay!

Agad ko naman hinablot ang aking underwear at nilagay ito sa aking bag.

"Huwag ka na magpakita sa akin!" mataray na saad ko rito.

"Bawat segundo, minuto o oras, magpapakita ako sa'yo," aniya na lumapit ito sa akin.

Nanliit naman ang mga mata ko.

"I will kill you!" Sigaw ko naman.

Napabuntonghininga ito at sinalubong ang aking mga mata.

"It's okay, at least mamamatay ako na mahal kita," nakangiting sagot niya naman.

Lalo tuloy kumukulo ang dugo ko! 

"Bahala ka sa buhay mo!" Galit na sigaw ko ulit dito. Agad ko naman ito tinalikuran.

"Belle?! Kakasuhan mo pa ba ako? Or ako na ang magdemanda sa sarili ko?" Sigaw na niya na napatigil naman ako.

Parang tanga talaga!

Humarap naman ako rito. "Wala ka na bang magawa sa buhay mo, Mr.Lee? Or sadyang katangahan na iyan?!" Nakangising saad ko naman.

Yumuko naman ito.

Kahit papaano nakaramdam naman ako ng pagkahabag.

No! Hindi dapat!

Pero hindi talaga. Nakaramdam naman ako ng awa.

Kakainis! 

"Belle, I love you."

Huminga naman ako ng malalim. Blangko lang ang mukha ko na nakatingin sa kan'ya.

"Hindi na kita mahal. At hindi kita kailangan sa buhay ko!" diin na sagot ko naman.

Pero nakataas agad ang kan'yang kilay.

Kanina ang lungkot-lungkot niya. Pinagloloko ba ako ng lalaking ito?!

"Really? Hindi mo ako kailangan? Paano kung nagbunga ang nangyari sa atin kagabi?" Nakangising tanong niya.

Galit na naman akong bumaling rito.

"Baog ka Geo! Kaya huwag ka na umasa!"

Pero ang loko,  mahina itong napatawa.

"Are you sure na baog ako?" aniya na lumapit ito sa akin.

"Tumigil ka diyan! Nakakarami ka na!" Inis na sigaw ko at akmang tatakbo palabas. Mabilis naman niya akong nahagip at niyapos ng mahigpit.

"Gagahasain talaga kita kapag pumiglas ka pa," bulong niya na nakalapat na ang labi sa aking leeg.

Malakas ko naman itong itinulak pero doble talaga ang lakas niya kaysa sa akin.

Tears Of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon