Chapter 14

2.2K 82 24
                                    

Napapikit lang ako sa bilis ng pagmamaneho ni Zachary sa kan'yang sasakyan. Kahit alam ko naman na car racer ito, at bihasa sa pagmamaneho hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.

"S-Slowly, please," nanginginig ang boses na pakiusap ko rito.

Sumulyap lang ito sa akin at kinuha ang isang kamay ko. Hawak-hawak niya ito habang nagmamaneho. Pilit ko naman itong hinihila pero lalo lang niya ito hinawakan ng mahigpit.

"Maaksidente tayo, huwag ka malikot," seryosong saad niya na nakatutok lang ang mga mata sa unahan.

"Zachary, please," nagtitimpi na pakiusap ko rito.

"Just, relax. Wala naman mawawala kung hawak-hawak ko ang kamay mo," aniya na bahagya pa itong ngumiti sa akin.

"I'm married! Hindi pa rin maganda tingnan na hawak-hawak ng ibang lalaki ang kamay ko!" diin na saad ko naman.

Hindi man lang ito natinag. Panay naman ang paghinga ko ng malalim. Hindi ko rin alam kung ano at saang lugar kami pumunta. Pumasok kami sa isang napakalaking hotel. Buti na lang kahit papaano, nakasuot ako ng formal dress.

"A-Anong gagawin natin dito?" mahinang tanong ko sa binata.

"May event na gaganapin at imbitado ang asawa mo," aniya na hinila ako sa nag-uumpukang kalalakihan.

"Wow. Wow. As in wow. Girlfriend mo iyan, Panther?" tanong ng napakaguwapong nilalang. Actually, ang guwapo nilang lahat.

"Shut up, Red. Ang ingay mo!" inis na saad ni Zachary at pinaupo ako sa tabi ng nangangalang Red.

"Miss, ilang taon ka na? Duda talaga ako sa edad mo eh," mahinang tanong niya sa akin na lalo pa inusod ang upuan sa aking tabi.

Pilit naman akong ngumiti rito.

"Nineteen. I'm Maybelle, nice to meet you," saad ko naman.

"Damn! As in nineteen ka lang?! Jesus! By the way, I'm Red. And you're so fucking pretty, Maybelle."

Nagtataka naman ako sa reaksyon niya. Masama naman ito tiningnan ni Zachary si Red.

Ngumiti naman ang mga kaibigan ni Zachary sa akin. Pero nang tumingin na sila kay Zachary, nakangisi na ang mga ito.

Nakatutok lang ang mga mata ko sa unahan. Marami-rami na rin ang mga pumapasok. Ako lang yata ang hindi maganda ang suot. Simpleng dress lang kasi ang suot ko at above the knee ito. Lahat dito sa loob ng hotel ay halos nakasuot ng long gown.

Inabutan naman ako ng maiinom ni Zachary. Agad ko naman ito tinanggap at nakaramdam na rin ako ng pagka-uhaw.

"Bro, girlfriend mo ba 'yan?" naririnig ko ang boses ni Red na kinukulit si Zachary.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. Kahit hindi ko titingnan ang mga kasama ni Zachary, alam kong lahat sila nakatingin sa akin.

Iginala ko ang aking mga sa paligid at tamang-tama nakatapat agad ito sa dalawang tao na magkahawak-kamay habang masayang nag-uusap.

Gusto ko siya lapitan at sumbatan. Pero ayoko rin magalit ito sa akin.

"Confront him, if you want," mahinang saad naman ni Zachary sa akin.

"No need. Just take me home, now!" diin na saad ko rito at nauna nang tumayo.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang nakarating sa parking lot.

"Belle?"

Malungkot naman akong humarap kay Zachary.

"Please, ihatid mo na ako pauwi," nakikiusap na saad ko sa binata.

Tears Of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon