THE AGONY OF LOVE 3

62K 934 14
                                    

"A friend who is far away is sometimes such as nearer than one who is at hand. Is not the mountain far more awe-inspiring and more clearly visible to one passing through the valley than to those who inhabit the mountain."

---Khalil Gibran ---

*****************************

CHAPTER 3: A FRIEND

Disappointed niyang inihilata ang katawan sa sofa. Nakakadismaya. Nakakapanlumo. Nag-usap sila ni Attorney Suarez kaninang umaga at nalaman niyang isang buwan na lang ang palugit nito at makukuha na ng bangko ang mansion.

Plus..this house ay nakasanla din pala. Wala ng matitira sa kanyang mga properties maliban na lang sa mga abandonadong lupain nila malayo sa kabihasnan na hindi din ganun kalaking ektarya. Oo may ipon siya pero sa tingin niya hindi sapat yon dahil sa laki ng taxes and penalty niya sa BIR plus sa presyo ng bahay, etc fees and so on.. Grabe wala na siyang masyadong naiintindihan sa mga pinagsasabi ni attorney pero ang naiintindihan lamang niya ay hindi na sila magtatagal dito kung hindi niya ito mababayaran agad. Millions din ang gagastusin at dapat niyang maipon.

Tutal may ipon naman siya, masusulusyonan niya itong bahay na kinatitirikan nila ngayon. Ito na lamang ang maisalba niya sa ngayon. Hindi pwedeng walang matirhan sila Charmel. Bukod sa pinag-aaral niya pa ito kailangan din ng matitirahan sina Tatay Simon at Nanay Cecil. Malapit na maforeclosed ang kanilang bahay sa bangko dahil matatapos na ang contract for the next three months. Buti na lang nalaman niya bago sila palayasin dito ng bangko.

Naisip niya ang ina. Noon lage itong umuuwing lasing sa gabi o minsan madaling araw na. Noon hindi niya naiintindihan ang mga pinanggagawa nito. She's living her life in frustrations dahil hindi naman nila alam na may cancer pala ito. Ilang chemo yata ang naranasan nito until she give up and let go. Pero huli na ang lahat dahil nagawa na niya ang mga pagkakamali na ramdam niyang pinagsisihan nito hanggang sa huling hininga nito. Nalulong sa bisyong pagsusugal, pag-iinom at paninigarilyo. Her Mom was depressed at lageng nakikipagtalo sa kanyang ama.

"Anak, patawarin mo si Mommy huh? Pagdating ng panahon, maiintindihan mo rin ang lahat."

Naalala niyang huling paalam ng ina habang nakaratay ito sa higaan at naghihikaos. Ngayon alam na niya kung para saan ang sorry nito na hindi niya lubusang naiinitindihan noon. Hindi man lang nito sinabing itinalo na pala niya sa pagsusugal ang ibang ari-arian nila. Siya tuloy ang namomroblema ngayon. Pero wala na siyang dapat pang isisi sa ina ang lahat. It was all done and hindi na muling maibabalik pa.

Frustrated siyang napahilamos sa mukha. What happened in the past, ay hindi na maibabalik ngayon. She stood up at tumungo sa kusina para uminom ng juice. she wanted to relax herself pero hindi rin niya maiiwasang maisip ang mga natuklasang suliranin.

Tumunog ang phone niya sa bulsa at marahang kinuha ito. Daisy. She smile when she saw the caller ID. It's nice remembering an old friend.

"Hello Dis, how are you?" She answered excitedly.

Constant parin naman ang communication nila kahit nasa abroad siya. Pinagbabawalan lang niya itong pag-usapan ang past niya with Max dahil gustong gusto na talaga niyang makapag-move on na.

She sighed at pinilig ang ulo nang maalala ang mukha ng binata. Pumikit siya. Hindi tamang panahon para isipin niya pa ang bagay na matagal ng lumipas.

"Aaaaahhhhh! Nasa Pilipnas ka na pala!" Sigaw nito sa kabilang linya.

She screeched at agad niyang inilayo ang phone sa teynga. The hell! Hindi talaga siya nagbago. Pakiramdam niya nabasag yata ang eardrum niya sa ginawa nito.

"Daisy ano ka ba!? Masisira ang eardrums ko sayo niyan eh!" Natatawa niyang reklamo.

Umupo siya sa stool at nag-umpisang gumawa ng sandwich gamit ang isa niyang kamay. Tumawa ito ng malakas sa kabilang linya.

The Agony Of LoveWhere stories live. Discover now