Chapter 32

82 1 1
                                    

KABANATA 32

NAPAMULAT ako ng mata at dahan-dahang napaupo sa kama. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-tres pa lang ng madaling araw. Hinabol ko ang aking paghinga dahil para akong kakapusin. Pinunasan ko rin ang mukha ko na tagak sa pawis.

Isang masamang panaginip...

Napasapo ako sa aking mukha at hindi napigilan ang maiyak ng dahil sa aking napanaginipan. Hindi ko alam kung talagang panaginip ba 'yon o isang pangitain na maaaring mangyari kapag dumating ang araw na manganak ako.

Sa panaginip ko kasi ay may isang babae dumating sa hospital room ko at tinawag ni Darrell ang babae na Celine. Kinuha ni Darrell at ang babae ang mga anak ko sa akin at sinabi ni Darrell na hindi niya ako mahal at si Celine ang tunay nitong mahal. Sinabi rin ni Darrell sa panaginip ko na ilalayo niya ang mga anak namin sa akin at hindi na ipapakita sa akin bago siya lumabas ng hospital room, sinundan ko silang dalawa nang lumabas ang mga ito ng hospital room dala ang mga anak ko. Umiiyak lang ako habang papalayo ng papalayo ang mga anak ko na karga ni Darrell at ng babae... Na habang papalayo rin ay mas lumalakas ang iyak ng kambal na parang ayaw na mawalay sa akin.

At habang mangyayari iyon tila dumidilim ang paligid ko, wala na akon makita at tanging iyak ko at ang iyak ng mga anak ko ang tanging naririnig ko. Para ring walang hangganan ang kinaroroonan ko. Para akong mahuhulog dahil parang wala akong inaapakan. Kung titingala naman ako ay wala pa rin akong maaninag. Pero ramdam ko ang paglalakad ng mga paa ko. Tila hinahanap ang kinaroroonan ng mga anak ko. Hanggang sa huminto ang pag-iyak ng mga bata. Gusto kong hanapin sila pero tuluyang nawala sila sa pandama ko.

Parang totoo iyon... Nakakatakot... Nakakakilabot... Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napailing ako. “Panaginip lang yon.” paulit-ulit ko na inilalagay sa isipan ko at pangungubinsi sa sarili ko na isang panaginip lang iyon dahil hindi iyon magagawa sa akin ng asawa ko dahil mahal ako ni Darrell. Mahal ako ng asawa niya at hindi niya ilalayo ang mga anak namin sa akin.

Mas lalong bumubos ang mga luha ako. Halos napahagulgol na ako habang nakaupo sa kama. Hindi ko rin maiwasan na himasin ang tiyan ko ng dahil sa panaginip na maaaring nagkatotoo... Ang mahihiwalay ako sa mga anak ko.

Agad akong napatingin sa cellphone ko sa side table sa kama. Tumutunog iyon na hudyat ng tawag mula sa asawa ko. Nagtataka ako kung bakit tumatawag siya samantalang alam niya na halos alas dos na ng umaga at tulog na ako. Hinayaan ko iyon na mag-ring, ayaw ko na lang pansinin dahil ayaw ko rin na marinig ni Darrell ang boses ko dahil mahahalata ng asawa ko na umiiyak ako.

*****

DARRELL'S P.O.V.

“COME on, Hon, answer the phone,” hindi mapakaling sabi ko habang nakatingin sa monitor ng laptop kung saan nakikita ko ang asawa ko na nakaupo sa kama at umiiyak.

Kakatapos lang ng lunch meeting ko kaya dumiretso na lang ako sa hotel na tinutuluyan ko. Alam kong madaling araw palang sa Pilipinas at tulog pa si Jezelle kaya binuksan ko na lang ang laptop ko para pagmasdan ang asawa ko na mahimbing na natutulog ng ilang saglit ay biglang napabalikwas siya ng gising at biglang umiyak.

Kitang kita ko na nakatingin lang siya sa cellphone niya na tila ayaw pansinin ang tawag ko. Mukhang ayaw niyang makipag-usap para hindi na ako mag-alala at palabasin nalang na tulog siya. Pero nang dahil sa nangyari kanina at ngayon na nakikita ko siyang umiiyak ay hindi ako mapakali kung bakit nagkakaganoon si Jezelle. Nag-aalala ako.

“Hon, sige na sagutin mo na.” Muli ko siyang tinawagan habang hindi maalis ang tingin ko sa CCTV footage mula sa kwarto at nang gumalaw si Jezelle para tanggapin ang tawag ko ay tila napawi ang pagkataranta ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang