Chapter 53

91 0 0
                                    

KABANATA 53

DAYS LATER...

NGUMITI si Darrell sa akin. “Excited ka na ba?” tanong niya habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang palad niya dahilan para magtama ang paningin namin. Tumango naman ako.

“I really want to see your reaction, Hon, sa kung ano ang magiging gender ng baby natin.”

“Isa lang naman ang magiging reaction ko at iyon ay ang sobra-sobrang saya. Sabi ko naman sa’yo noon, 'di ba? Kahit ano man ang gender niya basta malusog kayo at ligtas kayo, okay na ako doon.”

“Talaga ba? Pero alam ko gusto mo ng girl,” asar ko bago hinawakan ang kwelyo ng pink polo niya. “Naka-pink ka kaya.”

Parehas kaming dalawa na naka-pink na kulay ng damit na suot dahil parehas naming gusto ang babae. iyong kambal ay parehas na nakasuot ng blue dahil gusto raw nila ng baby boy.

“Baka lang naman.” Lumapad ang ngiti ko pagkatapos ay hinalikan siya sa labi. Ilang saglit lang ay naghiwalay na ang mga labi namin ng siya ang unang pumutol sa mga halik namin.

“Need na natin lumabas kasi baka walang party na maganap at sulohin na lang kita rito sa closet,” nakangisi niyang sabi. Tinampal ko siya sa braso dahil sa kalokohan niya.

“Hoy, nasa labas mga anak natin.”

“HAHA, Kaya nga tara na. Nakabusangot na naman siguro ang panganay natin dahil ang tagal natin dito. Excited pa naman 'yon malaman ang gender ng kapatid nila.” Natawa na lang ako bago tumango. Inalalayan ako ni Darrell na lumabas ng walk-in closet kung saan nag-aabang na rin ang dalawa naming anak na agad na napangiti at agad na lumapit sa amin.

“Happy Birthday, Mommy,” nakangiting bati nilang dalawa at may binigay sila sa akin na red rose na malaki. Napangiti na lang ako dahil alam ko kung saan nila ito pinitas. Sa garden kung saan nakatanim ang lahat ng uri ng bulaklak na gusto ko. I love flowers because of their meaning.

“Thank you, sweetheart. Kahit na pinagdiskitahan niyo na namang pitasin ang mga halamang bulaklak ko sa garden natin,” sabi ko sa kanila at marahan kong pinisil ang mga pisngi nila.

“The rose is beautiful kasi, Mommy, like you. You're so beautiful and sexy kahit malaki na ang baby bump mo,” nakangiting sabi ni Jezrell sabay haplos sa malaki kong tiyan.

“Kayo talaga. Manang-mana kayo sa Daddy niyo, ang hilig niyong mambola.”

“No! No! No, Mommy! We're not joking po. Beautiful and sexy ka talaga, am I right, Daddy?” sabi ni Jezren sabay baling sa Daddy niya.

“Yes, son.”

“Okay! Okay! Alam ko naman na maganda at sexy ako pero kailangan na nating bumaba para mag-start na ang party. Ready na ba kayo?”

“Yes, Mommy!” masayang sabi ng dalawa na halatang excited na rin sa party.

“Tara na, baba na tayo!” Nag-unahan ang dalawa na lumabas ng kwarto habang si Darrell naman ay inalalayan ako palabas lalo na pagbaba sa hagdan. “Thanks, Hon. Ang ganda ganda rin ng ayos ng bahay,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa bahay na halos mapuno ng pink and blue na balloons dahil sa gender reveal ng baby namin ngayon.

“Happy birthday, anak,” bati sa akin ni Mommy at Daddy na nasa bungad lang ng hagdan. Agad nila akong niyakap.

“Thank you, Mom, Dad.”

“Ang laki na niya, mukhang hindi na nga kambal dahil hindi na ito kalakihan gaya ng dati,” puna ni Mom sa tiyan ko.

“Yes, Mom, ang bigat sa tiyan kapag dalawa ang laman, buti nga ngayon ay isa lang kaya hindi ako nabibigatan at nakakakilos ako ng maayos,” sabi ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now