W.I.L. -number 68. Ako dapat yun.

209 12 1
                                    

Thank you for still reading this story !!! :)

Sa wakas nakabalik na sila Keith and Sophie sa hotel.

"Yan ha.. hinabol ko pa talaga yung mga batang magnanakaw para wala ka ng masabing masama tungkol sa akin." Sabay patong ni Sophie ng mga bibit na plastic sa lamesa sa may kusina.

"Hindi ka naman mananakawan kung nag-iingat ka lang..."
Ahr! Whatever! Ano pa nga ba aasahan ko sa isang tulad niya?! E di wala!

"Di ba may magic ka? Magmagic ka nalang ng mga lutong pagkain para hindi muna pahirapan sarili mo."

"Hephep! Who did tell I am gonna cook??!"

"Kaya nga magic ka nalang!" Kung alam mo lang, Keith!!! Kaso hindi ! And there's no way I'm gonna let you know about the lost of my power.

"A-y-o-k-o!!! Kanina mo pa ako inaalila !" Tama yan.. magdahilan ka lang Sophie!

"Siguro.. hindi ka marunong magluto!!! Nakakahiya ka.. kababae mong tao hindi ka marunong!"

"Aba, aba, ang yabang mo magsalita! Hindi mo alam na sa lugar namin ako ang pinagsisilbihan!"

"Paki ko, nasa ibang teritoryo ka ngayon kaya wag kang ambisyosa na may maglilingkod pa sayo. At maniwala ako sayo, baka kinulam mo lang lahat ng katulong niyo.."

"Hi~~~"

Teenggg~~~

"Huh?!" Parehong nilang nakita na gumalaw yung sandok!!!

"Hoy, yung bestfriend mo na-iingayan sayo!"

"Sayo kaya!" After tignan saglit ni Sophie si Keith binalik nito ang tingin sa may tinidor.

"Bakit Nono??!" Nagsulat si Nono sa papel.

"Tuturuan ko kayo magluto."

"Anong kayo?? Wag na ako! Yang bestfriend mo nalang.. babae siya! Kailangan niya yan!"

"Ayaw mo matuto? Ang astig kaya kapag ang lalaki marunong magluto. Katulad ko, chef ako dati sa mansyon na tinutuluyan ko noon."

"Wow, talaga No??"

"Yup."

"Wag mo ko nililiit multo! Marunong ako magluto!"

"Talaga lang ha??!" Pang-aasar na sabi ni Sophie.

"Kapag ikaw nakatikim ng luto ko, nganganga ka mamaya!!"

"Pinapatunayan po yan, hindi pinagmamayabang!!" Sabay kuha ni Sophie ng apron na nakasabit sa may gilid ng ref.

~~~

"Ang una niyong lulutuin ay itlog."

"Bakit itlog? Pangbreakfast lang yun."

"Sa mga elementary students, iyon ang una unang itinuturo!"

"Bakit pang sisiw yang ituturo mo sa amin??!"

"Dahil kapag manok ang niluto niyo, masasayang lang dahil hindi pa kayo marunong!"

"Tama na ang ingay... Simulan muna No!"

Inisikaso ni Nono lahat ng mga kakailanganin sa pagluluto. Hindi na niya nagawa pa ang makipag-usap sa dalawa dahil wala siyang time magsulat at higit sa lahat hindi siya maririnig nila Sophie at Keith.

Matapos initin ni Nono ang kawali.. nilagyan na niya ito ng mantika.. tiniyak niya na may sapat na init ang kawali bago lutuin ang itlog. Kinuha ni Nono ang isang itlog at pinukpok sa may gilid ng kawali. Niluto na ni Nono ang laman nito at nilagayan ng kaunting asin. Pagkatapos ay kinuha na ni Nono ang itlog at nilagay sa plato. Maayos ang pagkakaluto niya sa itlog, magawa kaya ito nila Sophie at Keith??!

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now