W.I.L. - number 19. failed !

1.2K 38 2
                                    

Hi there... be aware of dogs... hahahh joke

bare with my imaginations .... heheheh

3 chapters.... para masaya .... hahahah bahala na !!!

"Bwisit! Tayo pa huli!"- sambit ni Erry na naiinis dahil kami ang pinaka huling gagawa ng bagong pagsubok na ito. Wala na akong nasabi dahil alam ko naman na kasalanan ko kung bakit nasa ganito kaming rank. Ganito kasi ang pagsubok namin ngayon, kailangan namin umakyat magpartner pagkatapos bigyan ng tag lilimang segundo LAHAT ng magkapartner na nauna sa amin kaya ang pinakaswerte sa lahat ay ang nauna. Yung mga nauna sila rin yung mga naunang nakatapos sa challenge 1 at iyon ay sina Jake at si Saidara na kapatid ko... We are tasked to go up there to get the arrow and bow which we gonna use after the task of getting 6 apples from the garden of this academy.

"HUh?" - Erry. Anong meron at mukhang nabigla siya sa mga nauna na bumababa na sa may mahaba at matibay na bakal nun.

"ang tanga nila.." narinig kong pabulong na sinabi ni Erry.

"hoy anong iniisip mo diyan?"

"Huh!!! YES, tayo..." hindi niya ata narinig na nagtanong ako. Sapakin ko siya nagbibingi bingi-an siya pagdating sa akin. Nauna siya sa akin umakyat sa tali.

"Wag mong sabihin na hindi mo bibilisan ang pag-akyat..." narinig kong sabi niya habang umaakyat sa taling yon. Engot ba siya? Syempre mahina ako sa mga ganitong bagay kaya kahit magreklamo siya wala siyang magagawa..

"Hoy... bilisan mo para maka-abot pa tayo..."

"Ang hirap kaya!"

"Ang kupal mo talaga..." aarrr... bahala siya! Kupal na kung kupal siya kaya maging babae! Napansin kong binilisan niya ang pag-akyat at mukhang masyado na akong malayo sa kanya. 

"huh? nag bilis naman niya..." nakita ko kasi na nasa taas na siya.

"Kupal! Kumapit ka!!!"

"Lagi akong nakakapi~~HAAAA.... hoy ano ba!?" ina-angat niya kasi yung tali para mapabilis ang pag-angat ko.

"Tinutulungan kana nga diyan kaya tulungan mo rin sarili mo." ang loko marunong rin pala mag-isip buti nalang nag-iisip siya para naman mapadali lang ang pag-akyat ko.

Mabilis akong naka-akyat dahil na rin sa tulong ni Erry.

"Kunin mo yung bow and arrow!"

"Okay!" pagkakuha ko ng bow and arrow lumapit ako kay Erry nang sa ganon makababa na kami.

"Bakit hindi ka pa bumababa?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong hawak hawak niya yung sinturon niya.

"tingnan mo sila ang tatanga nila, walang binigay na rule para sa challenge na to kaya bakit tayo magpapakahirap sa kakahawak sa bakal na yan para lang makababa kung madadaan naman sa mabilis na paraan!"

"Anong ibig mong sabihin?" ikinabit ni Erry yung sinturon niya sa may bakal na gagamitin namin para makababa...

"Humawak ka sa leeg ko kung ayaw mong mamamatay..."

"Hindi ka ba nagbibiro?" seryoso kong tanong sa kanya.

"daming tanong. Bilisan mo na para maunahan pa na tin yung iba !" 

"Ha? si-sige..." lumapit ako sa kanya at yumakap sa may leegan niya..

"Sinasabi ko sayo humawak ka ng mahigpit.."

"Okay..." sinugurado ko na mahigpit ang pagkakawak ko para naman hindi ako mahulog at mamatay ! Marami pa kasi akong kanin na dapat lamunin in future....

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now