W.I.L. - number 11. Sophie is missing.

1.5K 41 11
                                    

tignan kung sino ang bagong cast hehe XD myungsoo as JAKE ;P hahah

Mga masisipag na mga readers sa wattpad ... maligaw kayo sa WAr In Love heheh XD hehe... nagdasal? joke peace.

Jiro's POV

Kakagaling ko lang sa palasyo kasama si Prof. Sebastian matapos namin dalhin ang isang matandang babae na pinanghihinalaang isang traydor sa lahi ng mga Light sorcerers. Hinuli namin siya buhat nang malaman namin na nawawala ang kanyang anak na lalaki na may pulang buhok. Ang pagkakaroon ng pulang buhok ng isang nilalang ay isang palatandaan na may dugo itong Darevils. Nasa kamay na ngayon ng mga opisyals sa loob ng palasyo ang matandang babaeng iyon kaya ngayon maaari na akong bumalik sa War Academy.

"Hindi pa nga nabibigyan kasugutan ang pagsalakay ng ilang mga bampira sa loob ng bayan tapos may panibago na naman problema ang dumating." sambit ko habang naglalakad nang biglang may ilang mga ibon ang lumapit sa akin. "Si Master Erry nakarating na." kilala ko ang mga alagang ibon ni Master at minsan pa nga'y kaya ng mga ito ang magsanib pwersa upang maging napakalaking ibon. HInawakan ko ang mga ito upang matunton ko ang kinaroroonan ni Master Erry.

Nang matunton ko ang kinaroroonan ni MAster Erry ay kinamusta ko siya agad. NAsa may bubong kami ngayon.

"Umuwi po kayo ng mag-isa? Asan po ang kasama niyong babae?" mukhang may gumugulo sa isip ni Master.

"Alam mong may kasama ako umalis ?"

"Nasambit po kasi sa akin niProf. Sebastian na may kasama kayong babae na ang pangalan ay Sopyang." hindi ko alam pero parang nag-iba ang awra ng mukha ni MAster.

"Ang babaeng iyon, masyadong ginugulo ang isip ko." hindi kaya inlove si Master? Kaya siya nagkakaganyan?

"MAster Inlove po ba kayo? Paano po ang fiancee niyo? Lagot po kayo kay Amang Hari."

"Sira! Manahimik ka nga, ang ingay mo. In love ba kamo? haist! Ano ba sinabi sa iyo ni Tandang Sebastian? Nasabi niya ba sa iyo na Negra at kulot ang kasama ko? Malayo sa babaeng tiyak na magugustuhan ko di ba? kaya itigil mo yang kadramahan mo na in love ako sa babaeng iyon."

"Ahh ganun po ba. Hindi niyo naman po kasi sinabi ka-agad na Negra at Kulot yung na kasama niyo. Pero buti po pumayag kayo na makasama ang tulad niya? ay... ou nga pala. Mukhang magaling na talaga kayo kasi nakakakita na kayong tuwing gabi."

"Ou magaling na ako. Ang mabuti pa'y umuwi na tayo."

"Sa bagay inaantok na rin ako."

Kinabukasan.

Sulx's POV

 "Bakit ang lungkot lagi ng araw ko. Bukod sa wala sa tabi ko si Sophie hindi ko rin nakikita si Crush... Huhuhu... Ano bang meron at bakit wala sila? Hindi kaya patay na si~~ Hindi. Hindi!! Hindi pwede. Alam kong masamang damo si Sophie kaya hindi yun mamamatay at walang dahilan para mamatay siya nang ganitong kaaga. Wala pa nga siyang nagiging boyfriend kaya mlabong kukunin siya ng langit, at hindi pa kami nagkakatuluyan ni crush kaya malabo ang iniisip kong patay na siya. Whaaaa... mababaliw na ako sa kakaisip sa mga taong yun. Asan na ba kayoooo!!??"

Sophie's POV

 

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon