W.I.L. - number 72. Namiss kita

168 8 0
                                    


  "Nakakaawa naman ang kwento nilang magkasintahan. " hinawakan ko ang bahagi ng puno at laking gulat ko nang may masilayan akong dalawang tao na mukhang pamilyar sa akin

."Hindi kaya silang dalawa ang magkasinatahang iyon. " medyo malabo yung imaheng nakita ko pero nakakasiguro ako nakita kona sila noon. Ang ganda at ang gwapo ng dalawang iyon.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Paglingon ko sa bandang kanan nakita ko si Keith. Lumayo ako ng kaunti sa puno.

"Ikaw pala yan. Asan si Momo? Diba kasama mo siya?"

"Inutusan ni Nono. 

"Eh si Koko?"  

"Siguro inutusan din ni Nono? Haha Ang duwendeng iyon talaga.."

"Tao na siya."

"Duwende naman siya noon."

"Ewan ko sayo. Lumapit ka dito. Try mo hawakan ang puno baka makita mo rin ang nakita ko. "

"Ano ba nakita mo?? Baka naman ikaw lang maaring makakita nun. "

"Try mo lang wala naman masama."

"Sige sige. " hinawakan ni Keith ang puno.

"Wala naman nangyayari?"

"Sigurado ka?" Hinawakan ng kanang kamay ni Sophie ang kaliwang kamay ni Keith.

"Kunwari ka pa gusto mo lang hawakan kamay ko."

"Anong sabi mo? Asa.. Huh?"

"Ba't di mo pa tinatanggal kamay mo?"

"I'm trying to." Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sa kamay ni Keith pero hindi ko magawa.

"Huh? Sakin din ayaw matanggal."

"Baka naman niloloko mo lang ako.""Grabe ka naman.. hindi no! Ayaw din. ""Di ba may powers ka? Putulin mo tong puno para maitigil na ang kalokohang to.

"Ha? Hindi pwede."

"Bakit naman"

"Mahalaga ang punong to sa dating magkasintahan noon. Nawala na silang dalawa kaya marahil hindi tama na mawala rin tongpunong to. "

"Ano ba pinagsasabi mo?"

"May kwinento sa akin si Koko kanina."

"Eh pano na tayo niyan?"

"Hindi ko alam.."

"Pasalamat ka natatanggal kamay ko." Sabay tanggal ni Keith sa kamay niya sa puno.

"Sabi mo.."

"Mukang iiyak kana kasi.."

"Ako iiyak.. hindi no."

"Sigurado ka ba na hindi mo talaga matanggal ang kamay mo sa kamay ko?"

"Oo. Hindi ako nagsisinungaling katulad mo.""E di magmagic ka nalang para mahiwalay muna kamay natin."

"Naku naku.. hindi yan kayang paghiwalayin ni Sophie "

"At bakit naman ?" Biglang dumating si Momo

"Actually, pwede naman. Pero kailangan magsacrifice. It'd either kamay ni Sophie o sayo ang masusugatan."

"Masusugatan?"- sabay na sabi nila Keith at Sophie"Yes at panghabang buhay na sugat iyon." Mananakot na sabi ni Momo.

"Naku.. Hindi niyo naman kailangan sugatan ang sarili niyo." Dumating ulit si Nono at kasama niya si Koko.

"So anong mainam gawin para mahiwalay ko kamay ko kay Keith"

"Sorry Sophie hindi ko nasabi sayo kanina na ang puno na yan ay may misyon na pagbalikin ang dalawang nagmamahal sa mga panahong malapit na sila paghiwalayin o kaya naman gawing magkasinatahan ang dalawang tao."

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें