(chapter 1.5) MEETING KAMARI.

5 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏.𝟓

Tinignan niya muna ito nang matagal at parang nawala sa sarili dahil mga ilang minuto rin siyang nakatingin rito na nakanganga pa.

"HAHAHAHA this is craz--ACKK" napaupo si Dhanyi sa malapit na upuan nang mahilo nanaman siya at sumakit ang ulo.

𝐃𝐡𝐚𝐧𝐲𝐢'𝐬 𝐏𝐎𝐕 (𝐀𝐬𝐲𝐢𝐧𝐢 𝐈𝐤𝐚𝐫𝐨)

This may seem unbelievable and literally crazy pero napunta ako sa libro na binabasa ko kanina lang!!!

And worse, isa akong side character na nakatakdang mamatay sa kamay nang isa sa male leads dahil sa pagiging close sa female lead
-
-
-
"Well, F*CK MY LIFE!!!"

»»——⍟——««

"Tsk" asik ko nang makarecover na ako sa lahat nang nangyayari.

Base sa mga nakalap kong impormasyon tungkol kay Asyini o 'saakin' ay isa lang siyang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang kumpanya at halos kapareha narin nang buhay ko.

At ang CEO nang kumpanyang iyon ay isa sa mga male leads nang istorya.

"Whyyyyyyyy~ sana naman mataas ang sweldo ko rito, atleast wala yung manager ko dati"

Aish! naman ehh edi kung gusto ko pang mabuhay kailangan ko lang iwasan ang female lead na si Kamari Jade na katrabaho ko rin sa kumpanya. Lalo na ang apat na male lead.

Well, wala naman talaga akong pake sa mga main characters nang istorya dahil hindi naman ako ang totoong Asyini kaya mas mabuti nalang huwag pansinin dahil sayang naman siya nang oras.

Isa pa, pera lang naman ang kailangan ko at planong kong magipon muna hanggang sa sapat na ang pera ko para mabuhay then magre-resign na ako sa trabaho at kakain nang mga gusto ko, then bibili ako nang bagong apartment atsaka bibili rin ako na-- BEEP~ BEEP~

"Who the h*ll would call me in the middle of my plans" Inis kong kinuha yung phone sa malapit na table at di na nag-abalang tignan ang caller

"Ano?" Pabalang kong tanong sa kabilang linya habang nakasimangot.

"Good day Asyini~ hehe sorry sa istorbo, kakamustahin lang kita kung okay ba ang weekend mo" Sabi naman nang boses kabilang linya kaya naisipan kong tignan ang caller.

"Kamari?" tanong ko at lalo pang napasimangot "Yes its me hehe" napa-roll eyes naman ako dahil sa sobrang ka-energetic nitong babaeng to.

"Ahh ayos lang, may ginagawa kasi ako sige bye bukas nalang. 𝘞𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘢 𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢𝘨" huling sabi ko pero hininaan ang huli bago agad na binaba ang call.

"Psh, namemeste yung babaeng yun, problema non? may pagka-salt*k din ata sa utak tulad nang mga ka-main character niya" asik ko dahil totoo naman.

Una sa lahat ang ayaw ko ay yung OA, yung parang always positive at energetic tas ang ingay ingay pa. Babati lang nang good morning kailangang pasigaw pa.

Naalala ko tuloy yung dating katrabaho ko SIGH~

'𝘎𝘖𝘖𝘖𝘖𝘋 𝘮𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘩𝘢𝘯𝘺𝘪!!!~'

'𝘋𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘯 𝘛𝘈𝘙𝘈 𝘕𝘈𝘈𝘈'

'𝘏𝘈𝘓𝘈 𝘛𝘌𝘕𝘒𝘠𝘜𝘜𝘜𝘜'

Kinilabutan tuloy ako nang maalala koyung babaeng yun, parehas nga sila.

I'm sure magtataka yun kung bakit ganon ang ugali ko kanina sa call, pero siguro di niya yun mapapasin dahil isa sa traits nang babaeng yun ehh may pagka walang utak,

Alam mo yung sa part nang istorya na iba yung trato ni Kenji sa ibang employees kaso sa kanya nagiging mabait tas nawawala yung killet stare pero di parin niya pansin?

Dumb gurl, ewan ko nalang sayo...

Kruu~

"Gutom nako" ngayon ko lang naalala hindi papala ako nakapag-breakfast dahil sa mga pangyayari

Its already 11:30 nang tanghali di ko napansin dahil sa pagiisip kanina. I need to eat!!! di ako mabubuhay nang walang pagkain sa tiyan.

Agad na akong tumayo at lumabas nang kwarto. Nang makarating sa kitchen na katapat lang nang kwarto at malapit sa living room ay agad akong tumingin nang mga pagkain.

Buti naman nga at may stock ritong mga gulay at karne at buti nalang rin marunong magluto yung si Asyini.

Kumuha ako nang repolyo at carrots para igisa. Kumuha rin ako nang karne para ipanghalo sa gulay.

Nagsaing narin ako nang isang cup dahil sapat nayon sa isang kainan lang, kapag gabi na tiyaka nalang ulit ako magsasaing nang 1 cup.

Matapos magluto ay hinanda kona ang ulam at kanin sa lamesa, kumuha narin ako nang pinggan, kutsara at tinidor at naghanda nang tubig.

"Yumm, ang sarap" Nginuya kong mabuti ang bawat subo ko hanggang sa maubos na lahat.

BURP~ "Solved!"

»»——⍟——««

"Ms.Ikaro Kailangan na daw nung mga documents"

"Dalian mo papadating na yung mga new hired employees"

"Asyini pinapatawag ka nang head manager"

"Ate pabigay nalang nung file kahapon. Thanks"

"Ughh" daing ko sa sobrang daming pinapagawa sa akin

WHÒ ŠÃŸ'Š MÓŃÊŸ ČÁŃ'Ť BÙŸ HÀPPÊŃÉŠ ??Where stories live. Discover now