(Chapter 2.5) PROMOTION

10 1 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐.𝟓

At ayon nga naglakad na ako papuntang company. Nakalipas ang 30 minuto ay hinihingal na ako

"I need water" saad ko at umupo muna sa isa sa mga bench rito. Kinuha ko ang maliit na tumbler mula sa bag ko at agad nilagok.

Matapos kong magpahinga at naregain na ulit nang energy ay sinimulan kona ulit maglakad.

Nagpapahinga lang rin ako kapag napapagod o hinihingal then lalakad ulit.

Nang papa tawid na ako sa crossing road ay may matinis na boses akong narinig na sumalubong sa akin

"ASYINI SAN~ LET'S GO TO WORK TOGETHER!" I mentally rolled my eyes nang makumpirma kung sino ito.

She's smiling widely na tinalo pa ata ang sikat nang araw habang papalapit sa pwesto ko.

Muntikan ko na ngang takpan ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na puti nang labas ngiting ngipin niya pero pinigilan ko muna ang sarili ko.

"Good morning Kamari san~" I smiled forcefully at ginaya ang tono nang pananalita niya

"Hehe, good morning! let's go na" bati niya pabalik at inangkla ang magkabilang braso namin

'𝘍𝘦𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦' charrot lang hehe, baka pag sinabi ko yun sa personalan at umiyak tong babaeng to ay hindi kona masilayan ang bukas.

At ayon na nga, tuluyan na kaming pumasok sa kumpanya at naiirita na talaga ako dahil sa daldal nang babaeng to'

"Did you know, sabi saakin kahapon ni Sir Smith na ipopromote niya daw ako"

"Nakita mo na ba yung new hire employees? I have already made friends with them na"

"The sales are getting higher, its a good thing"

"I really love working in Mr.Smith's command"

"Ambait talaga ni sir Smith sa akin kahapon, inaya niya akong mag-dinner"

"Ughh, will you please stop" I said with a bit of displeasure tone kaya napatigil siya

"Uhm, sorry I think I'm too talkative" paliwanag niya habang nakayuko nang konti.

Pshh kung hindi lang ako good mood ngayon baka kanina pa kita nasigawan

SIGH~ "It's fine, lets go" bored kong sabi at mabilis na naglakad. Humabol naman siya sa akin pero hindi na niya inangkala yung braso niya

'𝘍𝘪𝘯𝘢𝘭𝘭𝘺, 𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘪𝘨𝘪𝘭'

Hindi ko na siya pinansin dahil wala naman akong pake kung sino paman yan at wala naman akong connect sa buhay niya.

Lahat nang madadaanan naming workers rito, mapa staff man ay binabati si Kamari at binabati naman ni Kamari pabalik.

Pero seriously sino ba namang uma-umagang babati at ngingiti sa bawat taong madadaanan niya. Bruhh ano ka anghel?

Well kong tong babaeng kasama ko ay mala-anghel, pwes ibahin niyo ako, kahit yumanig man ang mundo pera lang ang kailangan ko.

I don't care kahit ano pa sabihin nang iba saakin, you can say na sakim ako or whatsoever pero pake ko ba? buhay ko to.

Baka nga siguro gustong gusto ko ang pera dahil simula pagkabata ay wala akong hawak nito, mahirap lang kami kaya wala akong magagawa.

Isa pa, wala naman akong ibang maasahan dahil sa huli't sapul ay sarili ko lang naman ang nandidito para sakin.

Una palang ay sa akin na ang buong pamilya ko umaasa, kaya sanay na akong sarili ang pagtuunan at wag nang umasa sa iba.

Ganyan ang takbo nang buhay, kaya kailangan na nating masanay na tumayo sa mga sarili natin dahil hindi tayo sigurado sa kalalabasan nang hinaharap,

Baka nga kung sa punto nang buhay mo na walang wala ka na ay tsaka ka nalang nila iiwanan, Kapag hihingi ka nang tulong ay tsaka nalang sila mawawala...

Alright tama na ang drama, ang kailangan kong gawin ngayon ay magisip nang bagong mapagtatrabahuan.

Nang makarating na ako sa working place ko ay dumiretsyo na ako nang upo sa swivel chair at tinignan ang mga papeles na nasa harapan ko.

I frowned dahil parang hindi manlang nabawasan at parang katulad parin to nang kahapon.

"I can't do this anymoreeee" I lazily mumbled at itinabi sa gilid yung mga papeles.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHÒ ŠÃŸ'Š MÓŃÊŸ ČÁŃ'Ť BÙŸ HÀPPÊŃÉŠ ??Where stories live. Discover now