" January iha Iris happily told me na ikaw ang nagtour sa kanya sa kompanya. I'm happy that the two of you get along already" masayang salubong sa akin ni Mrs. Dela Vega.

Halata sa magandang mukha nito ang kasiyahan. Kaya kahit naiinis sa pagpapatawag nito sa akin ay napilitan akong suklian ito ng tipid na ngiti.

Sa edad na kwarentay singko ay hindi mo ito makikitaan ng kahit anong pekas sa mukha. Halatang alaga ito. At may dugong banyaga dahil kulay ng mga mata nito na minana naman ng anak nitong si Iris. With those pairs of hazel green eye. Mestisa at namumulang kutis.

" And January we'll be having our dinner sa La Feliz, Eduardo is waiting for us. Go dress yourself iha."

Tahimik akong pumanhik ng hagdan. Pabalik sa aking kwarto. Ang tahimik kong buhay ay muling gumugulo dahil sa pagbabalik niya.

Nagpalit ako ng damit. I wear a simple black dress. Dahil wala naman akong makulay na damit. Ang laman ng closet ko ay puro black, white, grey at neutral tones. Hindi ako mahilig sa makulay. Ayoko ng matingkad.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking hanggang batok na buhok. Hindi na ako naglagay ng makeup. I don't want to make them wait for me. Isa lang akong sampid sa pamilya.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Hindi ko na inabutan si Mrs. Dela Vega doon kundi ang halatang inip na inip na si Iris.

Hindi ko siya tinignan.

" Nauna na si mommy, she told me to go with you"

Hindi ko na rin siya sinagot pa. Nasa bahay na kami kaya she's not my boss anymore. Dire diretso akong lumabas papunta sa sasakyan ko without looking at her.

Napahinto ako ng may naramdaman akong tumama sa likod ko. Kumalansing sa semento ang isang susi.

" Drive my car asshole" rinig kong sambit niya sa akin.

Walang emosyon akong lumapit sa kanyang itim na sasakyan. Nagaantay lang siya ng gagawin ko. I still not look at her. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at padabog na naupo. Malakas ko itong sinara. I saw her shock on my peripheral view. Maybe she didn't expect me to do that, well masanay na siya. Or maybe she's expecting na pagbubuksan ko siya ng pinto?

Pumasok na rin siya ng sasakyan. At halatang hindi ito natutuwa. Well the feeling is mutual. Ini start ko ang kotse, ng makalabas ng gate ay pinaharurot ko na ito. I don't care if she's not on her seatbelt. Im not here to babysit her.

" What the hell is your problem?! ARE YOU FUCKING KILLING ME?! sigaw nito sa akin.

Ngunit sa halip na bagalan ay lalo ko pang inapakan ang gas ng kanyang porsche 718 boxter. Why on earth are you going to buy this car if you're not going to fly it.

I so love the thrill it gives me. Bumagal ang takbo ng nakarating kami sa highway. Madami ang sasakyan sa kalsada kaya naman medyo mabagal na ang usad nito.

" Are you on drugs?" rinig kong tanong ni Iris.

" Why are you like that? I know you heard me. Im gonna kick you Jan keep on ignoring me! alright fuck you!!" she's shouting on me.

Hay why I'm here in the first place.

Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. She's fuming mad i can say. I want to shout for joy but nah.

" How do you graduated with that kind of attitude? You're so rude mygod! "

" so am i supposed to cry?" sarcastic kong sagot dito. I don't really care kung anong iniiisip niya sa akin. I don't owe her anything in the first place.

OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon