Kamuntikan ng mangalay ang braso ko sa pagkapit ni Iris dito. Akalain mo nga naman takot pala ito sa kulog, sabagay kahit ako man ay napapapikit sa talim ng kidlat na parang tatama sa amin anumang oras mula ngayon.

Ang isa pang bagay na hindi nakakatulong ay ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa akin, ngayong ganito kalapit si Iris sa akin. Ang tanging bagay lang na nakagitna sa amin ay ang laptop bag ko at para na kaming nagyayakapang dalawa.

I should not tolerate this or else it will ruined the walls I've build over the years.

Damn it! I almost shout when another lightning strikes, halos napayuko ako dahil dito, as if the universe is playing with me right now.

I can freely smell her fragrant shampoo. It's driving me insane, lalo na ngayon malapit ako sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang init na nangagaling sa kanyang katawan. How come na it will have an indescribable effects on me, I can't even spelled what was it.

Sa wakas ay humupa na din ang malakas na ulan at tumigil na din ang matinding kulog at kidlat kasabay ng pagwawala ng kung ano sa aking dibdib kanina.

Naging mabilis na din ang biyahe namin papunta sa aming destination sa Real, Quezon.

Pumasok kami sa isang pribadong daan at makaraan ang ilan sandali ay nakita ko na ang asul na dagat.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad din kaming sinalubong ng kaibigan ni Iris na nagpakilalang "Liza" naging classmate pala niya ito noong college sa ibang bansa at kasalukuyan din nagbabakasyon dito sa pilipinas. Si liza ay Filipino american kaya naman hindi na nakapagtataka ang tangkad din nito, at hindi din maitatangi ang kanyang ganda.

Dinala kami nito sa malawak na kubo cottage upang makapag pahinga. Ginala ko muna ang aking sarili at iniwan silang dalawa.

Maganda ang resort na ito nila Liza. May kahabaan din ang sandbar at may malalaking cottages, at malaking convention hall na bagay na bagay sa magiging event namin dito.

Pino at Golden ang sands na naririto, napapaligidan din ito ng mga puno ng buko, medyo malakas nga lang ang alon dahil na rin siguro sa katatapos lang na ulan.

Matapos silang magkasundo ay kaagad din naman kaming nagpaalam dito, hapon na at mahaba pa ang aming biyahe. Mabuti na lamang talaga at kumuha ng driver si Iris ngayon kundi ay mapapasubo ako sa layo nito.

Sa tagal at pagod ay nakaidlip na si Iris ako naman ay pilit na nilalabanan ang antok, we're in the middle of unknown road kaya naman kailangan maging alerto kami dito.

Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na din kami sa city, sa tagal ng biyahe namin ay parang wala na akong lakas para bumaba ng sasakyan.

Dito na sa mansyon kami dumiretso, paghinto ng sasakyan ay bumaba na din si Iris palibhasa ay natulog siya kanina kaya naman masigla pa siyang pumasok ng mansyon. Ako naman ay parang lantang gulay, antok at gutom ang inabot ko ngayon araw.

Pagkapasok ko ng mansyon ay nanlumo na naman ako dahil kailangan ko pang umakyat sa second floor. Gustong gusto ko na mahiga at matulog.

Tulog na ang lahat ngayon alas onse na din kasi ng gabi, kung pwede lang na dito na lang ako sa sala matulog ay ginawa ko na.

Pag pasok ko ng kwarto ko ay kaagad akong umupo pagkatapos ay nahiga sa sofa bed ko. Isa isa kong binubuksan ang butones ng soot kong button down polo ng maalis ko ito ay hinayaan ko na lang ito at hindi namalayang nakatulog na pala ako sa sofa.

Nagmamadaling pinatay ko ang alarm clock ko, sa gulat ay kamuntikan pa akong mahulog sa sofa. Dito na pala ako nakatulog kagabi. I didn't have the chance to change my clothes and eat last night. Mabilis akong pumasok ng bathroom at naligo.

OddsWhere stories live. Discover now