Kasalukuyan kaming nasa isang couture para sa preparation ng foundation day ng kompanya. Kasama ko ang pamilyang Dela Vega na abalang abala din sa paghahanda.
Matapos sukatan ng tuxedong isusuot si Sir Eduard ay ako na ang tinawag ng sikat na designer para ako naman ang pilian ng isusuot ko sa foundation night na gaganapin na sa Sabado.

Dinala ako ng designer sa loob at pinakitaan na ng nag gagandahan mga evening gowns, ayoko naman magsuot ng sobrang garbong gown kaya pinili ko na lang yun versace crystal embellish silk midi dress na color black.

"I loved it, you really know what suits you Ms. Ruiz, bagay na bagay sa personality mo yan." komento pa niya.

Matapos nga akong sukatan ay lumabas na ako, saktong nakita ko naman na kasalukuyan din nagsusukat si Iris ng mga gown. Mukhang hindi pa ito nakakapag desisyon kung ano ang pipiliin dahil may tatlo pang nakalagay doon.

Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay nakatayo pa din ako dito at tinititigan kung paano niya isukat ng mga gown na iyon. Halos lahat naman ay bagay sa kanya at nagpapalitaw ng kanyang kaputian. Ang huling suot niya  ay isang evening gown na kulay puti at may sequins. Litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan sa suot niya. She's really gorgeous. Napaka eleganteng tignan ni Iris. Wala pa sana akong balak umalis ngunit narinig ko ang boses ni Mrs. Isabel kaya lumabas na ako.

Pagkatapos namin dito ay dumiretso naman kami sa isang wellness spa na plano ng mag-ina. Si sir Eduard naman ay kanina pa umalis at madami pa daw aasikasuhin. Kaya ako ang naiwan sa dalawa para samahan sila, wala naman akong balak magpa masahe, isa pa ay kakatapos ko lang din magpa manicure at pedicure noon nakaraan.

"Iha ayaw mo bang sumama sa amin sa loob?" tanong ni Mrs. Dela Vega sa akin.

"Hindi na ma'am dont mind me, magiikot ikot na lang muna ako sa labas" sagot ko dito.

Habang naghihintay ay nagikot ikot muna nga ako, pumasok ako sa isang camera shop. Bukod kasi sa pagbabasa ng libro ay hilig ko din talaga ang photography.

"Miss is it available yung latest model of fujifilm yun mirrorless?" i ask the sales attendant. Meron na kasi akong Canon Dslr kaso medyo bulky itong dalin.

"I suggest you go for canon eos m50, its compact and easy to use" a blonde girl suddenly appear beside me smiling. She looked friendly at may bitbit syang malaking camera bag.

"Thanks for the suggestion, i will check it later."  After that ay umalis na din siya, she looks familiar sa tingin ko ay nakita ko na siya dati.

Matapos idemo ng staff yun camera na tinukoy nun babae kanina ay nagdecide na nga akong ito ang kunin, magbabayad na ako when my phone rings.

" Hello? " it's Iris.

"Moon where are you?" she asked, there's something different in her voice.

"Ah nasa camera store I'll be there in a minute magbabayad na ako"

"Okay mom's looking for you". pagkatapos non ay binaba na niya ang tawag.

Pagkakuha ko ng paper bag ay umalis na din ako agad at bumalik na sa spa. Tapos na pala sila at naghihintay na sa lounger.

"I'm sorry to keep you waiting Ma'am." saad ko kay Mrs. dela vega at tinulungan ito sa kanyang mga bitbit.

"Its nothing, Marky will drive me home Moon i need to get home now ikaw na ang bahala kay Iris iha." paalam nito at dumating na nga si kuya marky at kinuha ang iba pa namin dala.

Kotse ng mama ni Iris ang gamit namin papunta dito kaya nagtataka naman ako kung paano kami uuwi.

" Kuya marky brought my car moon, let's go. " As if she read my mind. Sumunod na lang ako sa kanya at sumakay sa shotgun seat ng sasakyan. Alam ko naman ayaw niya ipadrive sa akin ang kanyang kotse eh.

OddsWhere stories live. Discover now