Papunta ako sa 8th floor dahil may kailangan akong papirmahan kay Iris ngayon. Ngayong sya na ang bagong vp ng kompanya ay sa kanya na din ako direktang mag rereport.

"Trish nandyan ba si Ma'am?" tanong ko sa kanyang secretary.

"Yes she's inside pero may kausap pa siya sa loob. I will call her muna January".

Naupo na lang muna ako sa sofa sa recieving area habang naghihintay dahil kasalukuyan pa itong may ka meeting.

Dalawang lingo na ang mabilis lumipas simula ng huli namin pagkikita ni Iris. Masyado kong ginalingan ang pagiwas at sinadya ko talagang mas agahan ang pagpasok at sobrang late naman ako kung umuwi kaya talagang hindi na kami nagkita simula noon. Ngunit kahit anong gawin talaga ay may pagkakataon na kailangan ko siyang makita kahit na labag sa loob ko.

"You can go inside na Ms. January"  hindi ko na namalayan ang paglabas ng kausap ni Iris sa loob.

Marahan akong kumatok at pumasok sa kanyang opisina. Ito ang unang beses ng pagpasok ko dito, hindi naman kasi ito ang opisina ng dati kong superior.

Pagpasok ko ay agad kong napansin na malaki pala ito sa loob kung titignan mo kasi sa labas ay parang katulad lang ng mga normal na opisina. Pagpasok ko ay sumalubong sakin ang color gray L shape na sofa, sa gitna nito ay may coffee table, sa left side naman makikita ang kanyang office table na wala ka man lang ibang nakalagay kundi ang kanyang desktop computer at isang laptop. Napaka aliwalas. Walang nakatambak na papeles, walang cluttered folders.

Mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang ceiling to floor na wall glass window. Ang kalahati naman nito ay natatakpan ng white and gray block out curtains na napaka eleganteng tignan.

Naputol ang pagoobserba ko sa kanyang opisina ng lumabas sya sa isang pintuan. Siguro yun daan papunta sa cr nya or private room.

"I just need your signature for our circular memo Ma'am" sabay abot nito sa kanya habang papunta siya sa kanyang upuan.

" Where did you hide yourself Ms. January? It's been 2 weeks since the last time i saw you." biglang tanong nito sa akin habang hindi pa inaabot ang folder na ibibigay ko dito.

Kahit alam ko naman ang tinutukoy niya ay nagpanggap akong hindi siya maintindihan.

" Ma'am? " takang tanong ko sa kanya. Pero inirapan lang ako nito at hinila na ang folder sa mga kamay ko.

"Nevermind" sagot nito at saka isa isang iniscan ang mga papel na papipirmahan ko sa kanya. Paminsan minsan ay kumukunot ang noo nito.

"Why are you still standing there? Will you sit down? You're distracting me!"  saad nito na kinagulat ko.

Kaya naman naupo na lang muna ako sa sofa nito na kay lambot lambot, gustong gusto ko ang kulay ng mga nandito. Neutral pallettes, this is heaven for me. I didn't expect that she will be having this kind of office, i was thinking of a more colorful room for her personality.  More of lively, and vivid colors just like how she is.  We're really opposite if you will ask me.

Para akong dinuduyan papunta sa sanctuary ko, this is how i feel right now. Ang amoy ng pinaghalong vanilla at coffee bean na pumapasok sa nostrils ko na parang  gusto na lang mamahay dito.  I'm bewitched by her place. Muli kong inikot ang paningin at tumigil sa kanyang mukha na nakayuko na patuloy pa din sa binabasang mga papeles.  May mangilan ilan pang buhok na nalaglag sa kanyang makinis na mukha. Iris is wearing a navy blue dress na may deep neckline, pinatungan ng khaki na blazer na lalong nagpatingkad ng kanyang kaputian. I just realize right now kung gaano siya kaganda. Minsan lang ako pumuri ng tao and she's definitely a goddess herself.

OddsWhere stories live. Discover now