Kabanata 19

716 85 32
                                    

Halos magdidilim na nang makita namin ‘yung photo booth.

“Kuya, what is that?” tanong ni Coco.

“Photo booth,” he answered. “You take photos inside.”

“Wow! Let’s do it!”

“Do it with Quen.”

“But, kuya. .”

Mukhang ayaw niya yata. Well, ano pa bang aasahan ko? Pero maganda na meron silang pictures dahil memory din ‘to, lalo na’t birthday pa nina Coco.

“Do it, Sebastian. I will wait outside,” sabi ko kaya napalingon siya sa’kin. As much as I wanted a photo with them, ayoko naman na sumali sa family picture nila.

Paano kung lumaki na sila at hindi na kami nakakapagkita lahat? Gugupitin na lang nila ‘yung mukha ko sa larawan?

I mean, who even am I, right?

“Kuya, please. . it’s our birthday, remember?” pagmamakaawa ni Coco, si Quen ay tahimik lang na pinagmamasdan ‘yung photo booth. Silently curious as always.

Hinila ni Coco si Sebastian papasok sa loob kaya ngumiti na lang ako at tahimik na tumayo sa labas. Narinig ko ang hagikgik ni Coco mula sa loob, at ang tunog ng camera.

I wonder how it turned out, gusto kong makita kung ngumiti ba si Sebastian.

“Ate Web.” Nagulat ako nang sumilip si Quen mula sa loob, nakasilip lang siya sa gilid ng kurtina.

“Tapos na?” tanong ko.

Umiling siya. “Coco wants you to come inside.”

Mabilis akong umiling. “No, it’s okay. Kayo na lang.”

“But, it’s our birthday.”

Natigilan ako nang kuminang ang mga mata niya na parang nagmamakaawa, hindi ako nakapagsalita agad. Tapos ay hinila na niya ako papasok sa loob.

Pagpasok ko ay nagkatinginan agad kami ni Sebastian, nakaupo lang siya at kasalukuyan siyang sinusuotan ni Coco ng headband na may rabbit ear.

“Ate! Wear this!” masiglang sabi ni Coco at inabot sa’kin ang headband na katulad ng kay Sebastian.

Hinubad ko ang cap ko at sinuot iyon, tumingin ako sa screen at ngayon ko lang napansin na maliit lang pala ‘yung sakop ng camera. So, we need to squeeze each other to fit.

“Sit, Ate Web,” saad ni Quen kaya parang sunod-sunuran na umupo ako sa tabi ni Sebastian. Tapos ay kumandong sa’kin si Quen at si Coco naman sa kuya nila.

Tumingin ulit ako sa screen at nakitang kalahati ng mukha ko lang ang nakikita. “Oh, we don’t fi—”

Halos nanigas ako nang maramdaman ang kamay ni Sebastian sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya, bumangga ang balikat ko sa dibdib niya at naipatong ko ang kamay ko sa kanyang hita.

Hindi ako nakapag-react agad. Darn it, naramdaman ko bigla ang pamamawis ng palad ko kaya inilayo ko agad ang kamay ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinapanood ako ni Sebastian, napaiwas na lang siya ng tingin nang magsalita si Coco kaya napatingin din ako sa screen.

“Say cheese!”

Ngumiti ako ng malawak, sobrang bilis lang na hindi ko namalayan na tapos na. Pero nag-request pa ng isa si Coco, ‘yung wacky naman daw.

“Coco, that’s enough,” saad ni Sebastian at tatayo na.

Mabilis na lumingon sa kanya ang kapatid. “Kuya, please, last one na po.”

vanillaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz