Kabanata 3

2.6K 123 37
                                    

“Hi?” bati ko.

Nakahelmet siya at hindi ko nakikita ang kanyang mukha but I can imagine him creasing his forehead. Hindi siya kumibo at pinaandar ulit ang motorcycle kaya napaatras ako at gumilid.

“Uhh. .” Lumapit ako sa kanya at umatras ulit dahil bumaba na siya, kinuha niya ang susi at dinaanan ako para pumasok sa loob ng resto.

Nanghahaba ang leeg na sinundan ko siya ng tingin papasok doon sa kitchen.

“Papasok ba kayo, ma’am?” tanong ng isang crew na napansin akong sumisilip sa loob, nagdadalawang isip na tumango ako at tahimik na umupo sa bakanteng upuan.

I feel like everyone’s looking at me, nandito kasi ako sa loob pero hindi naman ako oorder. Tumayo ako at naisipan na bilhan na lang si Mase ng fried chicken, sa’kin naman ay vanilla milkshake. 

Habang hinihintay ang order ay hindi ko inaalis ang tingin sa exit ng kitchen, sa tingin ko ay lalabas na siya within a second. At tama nga ako! Lumabas siya dala ang maraming order for delivery, lalabas na sana ako para sumunod pero hinarang ako ng isang crew.

“Ma’am, ito na po ‘yung order niyo.”

Him again. Siya rin ‘yung napagtanungan ko noong nakaraan.

“T-thank you. .” Nahihiyang kinuha ko ang paper bag dahil napansin niyang nakatingin ako ro’n sa delivery man.

He laughed. “Siya po ba ‘yung hinahanap niyo, ma’am?”

Tumango ako.

“Siya talaga, ma’am?” Gulat na tanong niya. “Mailap sa tao ‘yan e, kahit kami rito ay hindi siya ka-close.”

“Really?” Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango-tango niya habang sinusundan ko ng tingin ang delivery man na iyon.

“Magkakilala ba kayo?”

Lumingon ako sa kumakausap sa’kin kaya magiliw siyang ngumiti, ngayon ko lang napansin na halos magkalapit lang kami ng edad base na rin sa itsura niya. Maybe he’s a working student.

“Hindi.” Mahinang sagot ko. “Thank you, alis na ako.”

“Thank you for coming!” He’s very jolly, bagay na bagay sa kanya ang kanyang trabaho.

Pagkauwi ko ay nagulat si Mase sa dala kong fried chicken, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

“Thank you, ate Web!”

I pinched his cheek. “Eat well.”

Sinimulan kong gawin ang power point para sa isang subject, nang matapos ay naligo na ako para matulog. But my stomach grumbled, nagugutom ako kaya bumaba ako para kumain.

“Hindi ka pa ba kumakain?” Gulat na tanong ni Ate Lani na kumakain sa may dining area.

Tumango ako kaya binitawan niya ang kanyang kutsara. “But I already ate the whole thing.”

Sumimangot ako at tumingin ng pagkain sa ref, puro hindi pa luto. Ang tanging nakita ko lang doon na pwede pang kainin ay ang fried chicken na binili ko para kay Mase.

He will look for this tomorrow morning but I’m so hungry right now.

“Penge ako nyan.” Kumuha si ate ng isa kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

“Hahanapin ito ni Mase.”

“Then don’t eat it.”

“But I bought this.”

vanillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon