Kabanata 1

3.1K 117 2
                                    

You could say I hate people.

Kaya naman nang magsimula akong mag-college at nag-aral sa normal na eskwelahan ay halos hindi ko kayanin, simula noong grade one ako ay homeschooled ako. Hindi ko alam kung bakit ayokong makisalamuha sa kung sino man, noong fifteen years old ako ay kinukwestiyon ko na rin ang sarili ko kung bakit ganito ako.

Ngunit nang magsimulang umuwi ng may panibagong sugat ang kapatid ko ay nalaman ko kung bakit ganito ako. Mula nang magsimula akong magdalaga ay sinisitsitan na ako ng mga manyak na lalaki sa labas kahit pormal naman ang suot ko, sa isang mall ay nakita ko kung paano minaliit ng isang mayaman ang isang security guard. Ang mga tao sa internet na walang ginawa kundi pansinin at maliitin ang mga taong may nagawang maliit na pagkakamali, ang mga kaliwa’t kanan na naglalabasan na mga sex scandals ng mga teenagers, ang mga private issues ng mga sikat na tao na pinakikialaman ng lahat. Ang mga taong nakikita ng sinasaktan pero vinivideohan lang ng ibang tao para may ma-i-post sa social media.

People are just a bunch of hypocrites that bullies and like to put each other down to puff themselves up.

Hindi ko sinasabi na lahat ay gano’n, because my family are far from being like one of those. Pero mahirap na magtiwala sa mga tao, hindi mo alam kung kailan ka nila sasaksakin patalikod.

“Hoy, wag nga kayong magtakbuhan!”

Napaigtad ako at napaangat ng tingin nang tumaob ang professors desk sa harap. Ang kaklase ko na nakataob no’n ay mabilis itong itinayo at inayos.

“Sorry!” Nakangising sabi niya at mabilis na tumakbo dahil hinahabol siya ng isa pa namin na kaklase.

We are college students, at ginagawa nilang playground itong room.

“Oh my gosh! Nasaan na ang eyelash curler ko? France, hiniram mo iyon diba?”

“Binalik ko sayo. . pahiram nitong straightener mo!”

Sa kabilang bahagi ko ay ang mga kaklase kong babae na ginagawang salon itong room, nasa school kami at wala silang ginawa kundi ang magpaganda. Wala akong problema sa mga babaeng nag-aayos ng sarili, gusto nila ‘yon. Pero ang sakit lang sa mata na maya’t-maya ay hindi sila mapakali, lalo na’t nasa school kami.

“Gago ka! Ikaw kaya ‘yon, diba sabi mo sa’kin?!”

“Hindi ako ‘yon! Tangina, ako pa ba?”

Cursing machines everywhere.

“Guys, be quiet! May quiz tayo ngayon, hindi ba kayo mag rereview?! Para kayong mga elementary!” Tumayo ang babaeng mahaba ang buhok, eyeing everyone holding her reviewer.

Finally, a decent student who acts like a student.

“Nakakatamad kaya! Wag ka nang magreview, Nuala. Sigurado naman na hindi rin matutuloy ang exam na ‘yan kasi makakalimutan ‘yan ni Miss Gil. Baka bukas na tayo mag-exam.”

Kumunot ang noo nito. “Oo nga, no? Sige, hindi na ako magre-review.”

Oh, nevermind.

Tumayo ako dala ang notes ko, lumabas ako ng room. Umupo sa gilid ng hallway, sinuot ang earphone ko at nagpatuloy sa pagre-review.

I am currently in my two long freaking years of college, sa totoo lang ay hindi pa iyon gano’n katagal pero para sa’kin ay parang buong buhay ko na ang nasisira.

I never had friends. Noong unang pasok ko ay maraming sumubok na i-approach ako, they tried to be friends with me pero hindi ko sila pinapansin. Kung hinayaan ko ang sarili ko, baka ay isa na rin ako sa mga nagpaplantsa ng buhok doon sa loob or yung mga nagmumurahan and worse ay ‘yung petiks lang sa pag-aaral.

vanillaWhere stories live. Discover now