Kabanata 13

1.1K 99 39
                                    

Hindi ko talaga akalain na hanggang ngayong pasukan ay pagbubulong-bulungan pa rin ako, ang aga-aga ay puro kung anu-ano ang naririnig ko. I walked quietly and faster, face down to avoid eye contacts. Dahil tuwing nakikita ko ang tingin ng iba sa’kin, all I can see is disgusts.

Sobrang lala ng galit nila sa’kin, wala naman akong kasalanan. Erlyn concluded something about me joining the club at iyon ay pinapaniwalaan ng mga tao, alam ko sa sarili kong wala akong laban sa kanya. Lalo pa na ganito karami ang supporters niya.

Nagbuntong-hininga na lang ako at mas binilisan ang paglalakad, ang malas ko pa dahil wala sila Nuala at Isolde ngayon sa school dahil wala silang klase ngayon at bukas pa ang simula ng kanilang schedule.

Hindi ako nag-iikot sa school na ‘to kaya kahit pangatlong taon ko na to sa kolehiyo ay hindi ko pa kabisado ang mga facilities, kaya nang nahanap ko na ang computer room ay halos nandoon na ang lahat.

Ang natitirang upuan na lang yata ay ang isang upuan, banda sa likod katabi ng isang babae.

Uupo na sana ako ro’n pero bigla niyang nilagay ang bag niya sa upuan, nagkatinginan kami at ngumisi siya. 

“Ni-reserve ko na ‘to para sa kaibigan ko,” aniya sa isang sarkastikong tono.

Umatras ulit ako at nilibot ang tingin sa paligid, nang makita nila ang nangyari ay tahimik silang tumawa. Wala akong maupuan!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba, nakatingin sila sa’kin dahilan para kabahan ako ng sobra. These past few months became easy for me because of Nuala, pero ngayon na wala siya ay naduwag na naman ako.

Nag-angat na lang ako ng tingin nang may pumasok sa room, lalo lang akong napako sa kinatatayuan ko nang makita na si Sebastian iyon. Suot ang kanyang uniform ay pumunta siya sa gitna sa unahan, hawak niya ang isang folder habang walang emosyon sa mukha.

It’s been almost a month since the last time I saw him, that time that he was staring at me. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. 

Nagtama ang mga mata namin pero hindi ako nag-iwas, nararamdaman ko lang ang pamamawis ng mga palad ko. Nahihiya rin ako dahil ako lang ang nakatayo.

“Why don’t you sit, Eugenio?” His voice was calm, but serious.

Mula sa kanya ay lumipat ang tingin sa’kin ng mga kaklase ko, hindi tulad kanina ay walang tumawa. Walang nag-react, pero may masasamang tingin sa’kin.

“W-wala akong upuan…”

He roamed his eyes around the room. Nang madaanan niya ng tingin ang bakanteng upuan, his jaw tightened.

“U-uh, naka-reserve na ‘tong upuan na ‘to sa kaibigan ko...” sabi no’ng babae kahit wala naman sinabi si Sebastian pero binalewala siya nito.

“Sit at the vacant seat, Eugenio,” aniya kaya muli kaming nagkatinginan no’ng babae, ilang sandali lang ay inis niyang tinanggal ang bag niya sa upuan.

Tahimik akong umupo at nagsimula na rin magsalita si Sebastian, sinabi niya na may sakit ang magiging prof namin ngayon pero may iniwan itong ipapagawa sa’min. Magre-register lang naman kami gamit itong computer, ilalagay ang mga personal informations namin at schedule for the whole semester.

Nang unang makalabas si Sebastian ay nilingon ako ng katabi ko, umingay din agad sa paligid at nagsimula silang magkwentuhan.

“Ayos ka, no? Tatahi-tahimik ka lang pero nasa loob ‘yang kalandian mo,” galit na sabi niya kaya gulat na napalingon ako sa kanya. “Humanda ka, mamaya ka sa’min.”

Hindi ako sumagot pero nakaramdam ako ng kaba, tinuon ko lang ang atensyon ko sa monitor. Hindi ko rin alam ang gagawin ko, wala akong mapagtanungan.

Nilibot ko ang tingin sa paligid, lahat sila ay nagsisimula na. Napasandal ako sa upuan at inis na pumikit.

vanillaWhere stories live. Discover now