Chapter 5

1.4K 48 4
                                    

It's been a month at medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagkapagod pero kaya ko pa namang magtrabaho. Ilang beses na akong pinapagalitan nina Maddy tsaka Kiel, pero kahit anong pilit nila'y hindi pa rin nila ako mapipigilan.

Maaga akong pumasok sa trabaho at puro rin sila tanong kung kamusta raw ba ako.

"Via, musta pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ng kasamahan ko sa trabaho nang makita niya ako

Kakadating niya lang eh

"Ayos lang po ako. Hindi na masyadong masama ang pakiramdam ko," pagkukumbinsi ko sakan'ya sabay ngiti sa mga customer na pumapasok sa pintuan

Hmmm, palagi nalang akong nagugutom. Itetext ko siguro si Maddy. Magpapabili ako ng mga prutas tsaka mga gulay para healthy si baby

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa. Grabe ang mahal pala talaga ne'to. Dapat ay iingatan ko to at baka tarayan pa ako ni Maddy. Nang itetext ko na siya'y napatingin ako sa signal ng phone ko. Napatampal ako sa noo ko. Great, dahil sa karupokan ko hindi pala ako nakabili ng sim card.

Tamang check lang ako sa mga features ng phone nang may customer na palang nasa harapan ko. Ako kasi ang cashier kaya wala akong dapat gawin kundi tumayo, ngumiti at mag-asikaso sa mga order ng mga customer.

"Ehem, lutang girl," pagkukuha ng babae sa atensyon ko

Napatingin naman ako sa kanila na may malawak na ngiti pero napalitan din ito ng simangot. Si Hiro nanaman at Ava, nakakapit pa si Ava sa braso ni Hiro at nakataas pa ang isa niyang kilay sa akin. Ang taray talaga nitong babaeng 'to.

"Pasalamat ka at hindi na kita pinabayad doon sa damit na sinira mo," naiinis niyang sambit sabay irap sa akin

Sana ma duling siya kakairap sa akin.

"Love, it's okay. Umupo ka nalang do'n and ako na ang mag-oorder," malambing na saad ni Hiro sabay halik sa noo ni Ava

Di niya na kailangang gawin yan sa harapan ko.

Nang nakaupo na si Ava ay masama pa rin ang tingin sa akin pero kapag kay Hiro nakatingin ay parang ang amo ng mukha.

"Dalawang black coffee," order ni Hiro habang nakatingin kay Ava

"Punta ka next month, Via," mahina niyang sambit at tinignan ako sa mata

Akala niya'y makukuha niya ako sa pa ganyan ganyan niya.

"And here." Patago niyang nilagay sa harapan ko ang isang sim card

Inasikaso naman ng kasamahan ko ang order nila.

Kinuha ko nalang ang sim card at dali-daling nilagay sa bulsa ko.

Mamamatay na ba siya kaya ang bait-bait sa akin?

Nang makuha niya na ang order niya'y tinitigan niya pa ako nang matagal.

"Come on, baby," naiiinip na saad ni Ava sabay hila kay Hiro

Nang makaalis na sila'y napahinga ako ng maluwag. Bagay talaga silang dalawa. The beast and the beast, walang beauty kasi kung ibabase natin sa ugali. Parehas asal hayop.

Pero napapaisip ako sa inaasal ni Hiro, siguro'y nagbago na talaga siya. Kapag tuloy tuloy ito'y posible na patawarin ko siya pero hindi na ako magpapadala sa mga katangahan ko dati.

"Oy, kilala mo ba 'yon," tanong ng kasamahan ko sabay sundot sa tagiliran ko

"Hindi ah," sabi ko sabay iwas ng tingin

"Ampogi naman no'n. Pakilala mo ko, Via," sambit niya sabay tawa at inasikaso ang ibang customer

Sus wag na. Baka bugbugin ka rin no'n. Siguro kapag natipalok lang si Ava ay ipapadoctor na ni Hiro.

Ilang oras din ang nakalipas at sumakit ang likod ko ng sobra. Sa susunod ay magpapahinga na talaga ako. Medyo nagabihan ako kasi tinulungan ko pa yung isa kong kasamahan sa pag-lilinis ng coffee shop. Nang matapos na ang trabaho ko'y naglakad na ako para umuwi.

Wala nang masyadong sasakyan kaya naglakad-lakad nalang ako. Halos wala na ring tao sa labas. Ilaw nalang ng poste ang nagsisilbing ilaw ko sa daan

Bumaling ang tingin ko sa buwan. Gumuhit ng ngiti sa mukha ko dahil ang ganda nito tapos full moon pa. Bigla akong natawa dahil natatandaan ko ang mga kwento ni mama dati. Kapag daw full moon, may mga aswang daw na lumalabas sa gabi. Lumaki si mama sa probinsya kaya naniniwala siya sa mga aswang at dahil nag-iisang anak lang nila ako'y 'di na nila ako pinapalabas kapag ala-sais na ng gabi.

Kaso biglang tumaas ang balahibo ko sa kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko at namamasa ang palad ko, kinakabahan ako. 'Di ko alam kung guni-guni ko lang pero nararamdaman kong may nakasunod sa akin.

Naglakad nalang ako ng mabilis nang maramdaman ko rin ang yapak ng mga paang bumilis rin ang paglalakad.

Nang may nakita akong eskinita ay pumasok ako doon at nagtago sa isang basurahan.

Tumakbo naman ka agad yung taong 'yon at alam kong hinahanap niya ako pero hindi niya alam kung nasaan. Jusko, baka makita nalang nila ang katawan ko na nasa ilog.

Nang naramdaman kong wala nang tao ay tumayo na ako sa pinagtataguan ko.

Ew, ang baho pala dito. Napasimangot nalang ako, mas mabuti nalang pala na mag-amoy basura kesa naman mamatay.

Nang nakatayo na ako'y dumiretso na ako sa kalsada at binilisan ang paglalakad. Salamat at wala na rin siya.

"Ang ganda ng buw-"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang may humila sa akin. Cinorner niya ako sa isang sulok at tinakpan ang bibig ko.

"Don't make any noise," mahina nitong sambit at tumingin tingin pa sa paligid

Hindi ko makilala ang boses nito. Malalim ito at hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa mask na suot tsaka hoodie.

Lord, hoholdapin na ba ako? Makikita nalang ba nila ang katawan ko sa ilog?

Help me, Lord!

My Boss is My Ex-HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora