Chapter 17

1.6K 64 8
                                    

First day ko ngayon sa trabaho. Nag-ayos ako at tinodohan ko na sa pagmamake-up. Nakasuot ako ng white blouse na hapit na hapit sa katawan ko. Maiksi ang suot kong palda, pero sakto lang ang kaiksian. 'Di naman aabot sa puntong kitang kita na ang perlas ng silangan.

Malapad ang ngiti kong papasok sa kompanya ni Hiro. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa itsura ko o dahil sa damit ko. Oo, alam kong maganda ako tsaka hindi ko 'yon i-dedeny.

Ehe nakaka flutter naman.

Ang taas ng building nila tsaka masyadong malaki, plano ko sanang gumamit ng hagdan para exercise na rin. Kaso nakakatamad, nasa pinakataas pa naman ang office ni Hiro.

Suot-suot ko ang I.D tapos bitbit ang tablet na naglalaman ng schedule ni Hiro. Syempre, maaga akong nakarating para walang reklamo 'yong amo kong laging may sayad.

Nang makapasok ay diretso akong pumasok sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor. Medyo nahihilo ako sa elevator minsan, pero mas nakakahilo kapag umakyat pa ako sa hagdan.

Bago pumasok sa opisina niya, pumunta ako sa coffee station para ipaghanda si Hiro ng kape.

Hindi ko na pinagtripan at inayos ko na ang timpla, baka palayasin pa ako dito.

Pagkatapos kong timplahin, saktong tumunog ang elevator at papasok na si Hiro sa opisina niya.

Dinala ko ang mainit niyang kape na kasing init din ng ulo niya palagi.

Nakangiti akong pumasok sa opisina niya. Nadatnan ko siyang nakaupong nag-aayos ng mga gamit kaya pinatong ko sa lamesa ang kape niya.

Tinignan niya ito ng matagal at parang naghihinala kung baka sobra na naman sa asukal, pero ininom niya pa rin.

Inangat niya ang tasa para inumin ito, pero napahinto ito sa pag-inom. Bumaling ang tingin niya sa akin at sinuri niya ako sa ulo hanggang sa paa. Kita kong napalunok ito ng ilang beses at napaiwas ng tingin.

"You look like a slut," malamig nitong saad

Nahiya naman ako sa mapapangsawa niya.

Inirapan ko siya at hindi pinansin.

"Wear something loose," dagdag pa nito

Napalunok ito ulit at humihinga ng malalim. Hmm, I can sense something. Lihim akong napangiti.

"At bakit? I can wear whatever I want. Wala kang control sa kasuotan ko, tsaka dapat ang pinagsasabihan mo niyan ay ang fiancé mo."

Binaba niya ang tasa at sinamaan ako ng tingin.

What? Totoo naman.

Tinignan ko siya sa mata at inirapan.

"Truth hurts, sir."

Baka mapikon pa 'to sa akin. Ke bago-bago ko palang dito tapos baka fired na agad. Kahit nakakairita si Hiro, kailangan kong habaan ang pasensya ko.

Umubo ako at binaling ang tingin sa tablet.

"You have a meeting with Mr. Vasquez at 9 AM, sir."

Inisa isa ko ang schedule niya at tumatango-tango lang ito sa akin.

Mukhang walang free time ang mga C.E.O kaya pala nagawa niyang mangaliwa, 24/7 niyang kasama ang P.A niyang si malanding Ava noon.

Kaya pala ginagabi na sa pag-uwi. Nag-oovertime sa paglalandi.

Napabuntong hininga ako. Parang wala akong magawa dito bukod sa i-accompany si Hiro sa mga meetings niya.

'Di ko manlang inalam kung magkano ba sasahurin ko rito. Sana naman worth it ang sakit sa ulo na makukuha ko.

Dagdag mo pa ang mga pang-iinsultong binibitawan ni Hiro minsan. Sarap i-duct tape ang bibig niyan o 'di kaya'y i-super glue.

"Via," tawag ni Hiro sa akin

Napatingin ako sa direksyon niya. Tapos na siya sa pagsusulat at nililigpit na niya ang mga papeles na nakakalat sa lamesa kanina.

"You're spacing out."

Ilang oras na pala akong nakatulala at puro pagmamaktol sa isipan ko. Feeling ko pinanganak akong reklamador.

Nang matapos siya sa pagliligpit ay sumunod ako sakanya sa paglalakad. Napatingin ako sa relo ko, 8:45 na pala. Early bird pala 'to sa mga meetings palagi.

"Kung maaari, lumayo ka sa amin mamaya. Stay quiet and take the meetings minutes."

Pumasok kami sa isang meeting room at umupo si Hiro sa harapan. Sakto ring pumasok si Mr. Vasquez at ang kan'yang assistant. Ngumiti muna ito kay Hiro at dumapo ang mga mata nito sa katawan ko. Palihim itong napangisi kaya humanap ako ng upuan na malayo sa kanila

Si Mr. Vasquez ay isang matandang lalaki, hanggang balikat ko lang sa liit, malaki ang tiyan, at panot. Dagdag ko na ring isa siyang manyakis.

Nag-uumpisa na ang meeting nila, nagtatake notes ako at pansin kong sumusulyap-sulyap sa akin si Mr. Vasquez o di kaya'y sumusulyap sa binti ko.

Pigain ko kaya 'yang mata niya?

Natapos ang meeting na hindi nakikinig ang matandang 'yon. Kita kong naiirita si Hiro, kaya noong natapos ang meeting ay hindi muna siya tumayo. Hinintay niyang umalis si Mr. Vasquez.

"Did you take the meetings minutes?" naiirita nitong tanong

Napatingin ako sa cellphone ko.

"30 minutes sir."

Napataas ang kilay nito at kita kong namumula ito sa galit.

"Are you stupid? Taking the meetings minutes is taking notes of the said meeting, hindi yung nag titime ka kung gaano ka tagal ang meeting!" malakas nitong sigaw

Napatakip nalang ako sa tenga ko. Kj naman 'to. Alam ko kung ano meaning niyan. Binibiro lang naman eh.

"Biro lang naman. Eto naman, parang walang dumadaloy na humor sa katawan."

Kesa matuwa ay tinignan niya ako sa mata, kita kong ang sama ng tingin nito.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan, Ms. Archangeles?!" malakas nitong sigaw

Parang lalabas na siya sa balat niya sa galit. Hays, sanay na sanay na ako sa sigaw nito, tinignan ko nalang siya na parang walang gana sa mga sermon niya.

"Ano bang problema mo? Halatang 'di lang to sa minutes ng meeting o sa pagjojoke ko!" sigaw ko rin sakan'ya

'Di ako magpapatalo noh. Ano 'to? Siya lang pwedeng sumigaw sakin?

"Ikaw! Ikaw ang problema! 'Yang damit mo ang problema!" sigaw niya rin pabalik

I crossed my arms.

"So, tungkol 'to kay Mr. Vasquez?" tanong ko rito habang nakataas ang kilay

Nagseselos ba siya? Pfft, mas maiksi nga ang damit ng kabit niya.

"Yes! You're being so flirty! Halata namang nilalandi mo siya! Kahit kelan wala kang pinagbago!" malakas nitong sigaw

Ungkatan ng past?

"Wow, ako walang pinagbago? Paano nalang ikaw na hanggang ngayon, gago pa rin! Nilalandi ko siya?! Kasalanan ko bang tinitignan niya ang katawan ko?! Bakit 'yang kabit mo, mas maiksi pa yung damit pero hindi mo pinagsasabihan! Bakit ka ba nangingialam sa akin?!"

Dali-dali itong lumapit sa akin at hinawakan ako ng mariin sa pisngi.

"'Wag mong idadamay dito si Ava!" malakas nitong sigaw

Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at sinampal siya ng napakalakas. Parang sinuntok ko na siya sa sobrang lakas dahil ang galit na kinikimkim ko ay ngayon ko lang nailabas.

Napaawang ang panga niya at namumula ang pisngi. Humurma ang kamay ko sa pisngi nito.

"Wala kang karapatan na hawakan ako at saktan! Ilang taon akong nagtiis sa pananakit mo! Ni isa noon ay hindi ka nakatikim sa aking ng pananakit o masasakit na salita manlang! Napakagago mo!"

Dali-dali akong umalis at hinayaan siyang nakatulala habang nakahawak sa panga niya.

Hindi na ako ang Via na hahayaan lang na apihin ng isang tulad mo, Hiro.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon