CHAPTER THIRTY SIX

796 30 4
                                    


Nagising ako na mugto at mahapdi ang mata. Inagahan ko ang gumising dahil ayoko na makita ako nila Mama na ganito ang itsura. Halos buong magdamag akong nasa kwarto umiiyak pagkatapos nang nangyari kahapon.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sinigawan ako ni Luther. Nasanay kasi ako na palagi siyang kalmado, pero 'yung nangyari kahapon? Para akong sinasakal sa 'di malaman na sakit.

"Ang aga mo naman nagising?" Tanong ni Mama na kakalabas lang sa kwarto nila. Tapos na akong magluto nang umagahan, tapos na din ako kumain. Sabado ngayon at walang pasok si Oli at wala ring pasok si Mama sa trabaho kapag sabado.

"Maaga po kasi ako natulog kagabi kaya maaga din po ako nagising." Pagsisinungaling ko.

Tumango si Mama. "Bakit nga ba hindi ka lumabas ng kwarto mo kagabi? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong niya.

Mabilis naman akong umiling. "Masakit lang po yung u-ulo ko kagabi kaya hindi po ako lumabas." Sagot ko nang hindi tinatapunan ng tingin si Mama.

"Oh siya, kumain kana ba?"

"Opo."

"May gagawin ka ba ngayon anak?"  Tanong ni Mama habang naglalagay ng kanin sa plato.

"Wala naman po. May ipapagawa po ba kayo?"

"Uutusan sana kita mamalengke, ubos na ang pagkain sa ref natin, magpapabili na din ako ng gamot ng papa at ni Ara dahil paubos na."

"Sige po Ma, ako nalang po bibili magpapasama nalang po ako kay Oli." Aniko na ikinatango naman ni Mama.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto para maligo at maghanda papunta sa palengke. Pagkatapos kong magayos ay tumulak na kami ni Oli para mamalengke.

"Ate umiyak kaba kagabi?" Biglang tanong ni Oli habang mamimili kami ng gulay.

Lumunok ako. "Hah? Hindi! Bakit naman ako iiyak?" Pilit akong tumawa.

Ngumuso siya at ngumisi. Eto nanaman ang bwisit na'to, wala talaga ako kawala sa bruhang 'to.

"Alam mo ate? Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Tatanggi ka pa eh huling huli ka na nga. Kung makaiyak ka kagabi akala mo naman soundproof 'yung kwarto mo, mabuti nalang at hindi katabi ng kwarto mo ang kwarto nila Mama." Aniya at inirapan ako. Namula naman ako sa sinabi niya. Sobrang lakas ba ng iyak ko kagabi?

Pagkatapos naming mamili ng gulay ang sinunod naman namin ay ang karne na uulamin mamayang gabi.

"Manang isang kilo nga po dito." Sabay turo ko sa karne. Agad namang nanguha ng plastic si ateng tindera. Mabilis akong naglabas ng pera at inabot kay ate.

Tumingin ako sa paligid ko at hinanap si Oli, ang sabi niya kasi pupuntahan niya lang ang mga kaibigan niya na nakita nakin kanina, pero bakit wala pa ang bruhang 'yon? Saan nanaman ba siya nagpupunta? Tsk! Nagpakad ako palabas ng palengke baka sakali na nasa labas lang siya kasama ang mga kaibigan niya.

Nagsalubong ang kilay ko nang pagkalabas ko ay may tumigil na itim na kotse sa harap ko. Napataas ang kilay ko nang lumabas dito si Hazel.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kalaunan ay ngumisi na may pagiinsulto.

"Ow! Look who's here." Maarteng sabi niya.

Matalim ko siyang tinignan. "What are you doing here?" Bitch.

"Why? Pagmamayari mo ba ito?" Tanong niya sabay ngumisi. "itong palengke pwede pa dahil kaamoy mo naman, mabaho at malansa." Nakangiwing sabi niya.

Humakbang ako palapit sakaniya. "Mabaho? Malansa? Hindi ba't ganon ang amoy mo? Kasing amoy ng ugali mo." Mas lalo akong napangisi nang makita ko ang nagaalab na galit sa mukha niya. Sa tingin niya aatrasan ko siya? "Huwag kang magsalita na parang sobrang linis mo hazel, nababalutan ka lang ng pabango pero kapag wala 'yan mangangalingasaw rin yang totoo mong amoy."

"Fuck you." Naggagalaiting mura niya. "Ilusyonada ka. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nagustuhan ni Luther noong una palang! Ikaw--"

Mapakla akong tumawa. "Ako? Bakit hindi mo nalang tanggapin na kahit anong sabihin mo ako pa rin ang mahal ni Luther, ako at ako lang. Huwag mo akong sisihin kung hindi nagkakagusto si Luther ng isang hayop na katulad mo!." Malamig na sambit ko. Kitang kita ko kung paano magtaas baba ang dibdib niya dahil sa galit.

"Hayop? Sating dalawa ikaw ang mas hayop! Hindi ba kaya mo lang naman napaopera ang kapatid mo ay dahil sa pera ni Luther?" Nakangising sabi niya. Mariin akong lumunok nang ilapit niya ang mukha niya saakin. "Mad hayop ka saakin Eva, dahil kailan man ay hindi ko binenta ang katawan ko para sa pera. hmm...para sa pera nga ba o baka naman para sa sarap."

Nagtaas baba ang dibdib ko. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko at nanlalamig din ang katawan ko.

Ngumiti siya saakin. "Alam ba ng nanay mong labandera na ang panganay nilang anak na akala nila ay matino at malinis  ay isang bayaran?" Dagdag niya na naging dahilan kung bakit binalot ang katawan ko ng takot.

"H-hindi ako bayaran!" Mariin kong giit. Malakas itong tumawa. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao na nakatingin saamin.

"Really? Paano ba yan? Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ng nanay mo kung ipakita ko ang mga litrato mo na nakaibabaw ang isang lalaki sayo?"

Naestatwa ako sa sinabi niya at napaawang ang labi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Hindi ako bayaran! Huwag kang gumawa ng istorya para lang sirain ako--" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang phone ko sa bulsa.

Tumingin ako kay Hazel na nakalagay ang dalawang palad sa labi ngunit ang mga mata nito ay nangingiti sa tuwa. Nagsalubong ang kilay ko sa reaction niya.

"Opsss, naibigay ko nga pala sa nanay mo ang mga litrato." Sambit niya at malakas na tumawa.

Napatigil naman ako sa sinabi niya parang bombang sumabog sa harap ko ang narinig ko, kitang kita ko kung paano tumigil ang mundo ko sa pagikot. Anong ginawa niya? Bakit niya 'yon ginawa? Nagulap ang paningin ko habang prinoproseso ng isip ko ang sinabi niya.

"Ate! Ate!" Rinig kong tawag ni Oli. Tumingin ako sakaniya na may luha sa mata. Hinihingal ito at namumula ang mata nito na halatang nanggaling sa iyak.

"A-ate, si Papa....si papa tinakbo sa hospital." Humihikbing saad niya.









VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now