DEATH 19

342 27 3
                                    

DEATH 19: Dead Meat

DEATH

Inaasahan ko na ang pagsang-ayon ni Singto nang bigla niyang hawakan ako sa pisngi at haplusin ito.

"Singta..." wika niya. Ngumiti siya at agaran kong ibinalik iyon.

Napakalambot ng kamay niya—napakarahan kung haplusin ang pisngi ko na para bang sapat nang senyales iyon upang patayin ang pipi na 'to. Kaso kumupas ang ngiti sa aking labi nang sabihin niyang, "From now onwards, the power of manipulation will come from me, not you."

Inabot ng ilang araw bago tuluyang nag-proseso sa utak ko ang mga katagang iyon. Hindi ko pa maiintindihan kung hindi pa ako nasampal ng katotohanan na unti-unti akong nanghihina. Lumalawlaw na ang balat sa'king braso, sunod nang nangungulubot ang aking mukha. Halos wala na ring kulay ang aking labi't naglalagas na rin ang buhok ko.

Hinayaan kong mabara sa lababo ang mga buhok na natanggal mula sa ulo ko. Napa-iling na lang ako. Pagkalabas sa banyo'y nahagip agad ng mata ko si Singto na pababa mula sa hindi kataasang palapag ng building gamit ang hagdan. Mas hingal na hingal pa siya sa senior citizen na kasabayan niya lang bumaba.

Ngayon ko lang napagtanto na mas may lalala pa pala sa impyerno.

Sa ganitong kalagayan, pare-pareho kaming kukupas. Kung hindi ako makapapatay, pwes, tingnan natin kung sinong unang susuko sa'tin, Singto.

"Mr. President, you don't look good. I think you need to take some rest," salubong ng sekretarya niya, at talagang pinabayaan pa iyong bulag na inaalalayan niya kani-kanina lang.

Ayon, naglakad na lang mag-isa. Muntik pa siyang sumubsob sa basurahan kung hindi lang siya agad naalalayan sa ibang direksyon ng isang nurse na naparaan lang dahil iniwan din naman niya agad.

Tiyak na naka-toka ang babaeng iyon sa ibang pasyente. Kulang-kulang ang helpers at nurses dito—or I'd rather say na masyadong maraming pasyente kaya kahit ang mag-hire ng mga nurses ay hindi na maharap pa ni Singto.

Kahit ako, na imbes na nasa bahay lang sana ay narito't nag-aalaga. Apat na pasyente ang naka-kota akong bantayan para sa araw na ito. May kailangan pa akong palitan ng diaper maya-maya. Talagang mapapa-mura ka na lang.

"Ayos lang ako. Nasaan si Singta? She's supposed to be in room 306 and keeping an eye on Mrs. Mercedez. What if she causes another fire again?"

Pinakanakatatawang pangyayari iyon na hindi ko talaga malilimutan. Wala pang isang araw ang nursing home na ito nang magkaruon ng sunog sa ladies' room sa second-floor ng building, at ngayo'y under renovation. May isa pa ngang pinaglaruan ang fire extinguisher.

Hindi ko na nga talaga alam kung nursing home pa ba ang matatawag dito o mental ospital. Kung tutuusin, mas maraming siraulo kaysa sa may kapansanan.

"I will look for her, sir, don't worry. Maybe you should take a nap at least."

Sinubukang alalayan ng sekretarya si Singto pero tinabig niya lang ito.

"D'you think I still have time for that?!" Napatikom ang bibig ng sekretarya. Bahagya siyang gumilid para bigyang daan ang paglisan ni Singto.

The more he tries to stop me from killing someone, the more it will make him weary, resulting in that attitude.

Siguradong ngayon pa lang ay sising-sisi na si Singto. Kung hindi ba naman siya ubod ng tanga. Napakabigat na responsibilidad ang bagay na ito lalo na't isa lamang siyang hamak na doktor at wala pang masyadong alam.

Ipinagpalit niya ang pagiging doktor para rito. Hinintay niya lang na manganak ang pasyente niya bago napagdesisyunang umalis. Akala ba niya na sa ginagawa niyang ito, mababayaran niya lahat ang pagkakasalang nagawa nilang magkapatid?

DEATH Is My NameWhere stories live. Discover now