DEATH 13

1.2K 90 21
                                    

DEATH 13: Cousin

SINGTA

"Hoy! Singta! Gusto mo bang bugbugin ako ni Orion?!"

Takip-takip ang tengang pumasok ako ng club habang nakasunod lang sa'kin si Keian.

Plano kasing hihintayin na lang sa sasakyan si Orion dahil may daraanan lang siya sa club na hindi naman na niya binanggit kung ano. Siguro, babae, ewan. Wala naman akong makitang ibang pwedeng daanan ni Orion sa club kun'di babae lang.

Inalis ko rin agad ang pagkakatakip sa tainga ko nang nakabibinging tugtugan ang sumalubong sa'kin at mga taong nagsasayawan sa gitna. Mabuti naman at hindi ko na naririnig pa ang boses ni Keian.

Hindi ako masyadong makaaninag dahil patay-sindi ang makukulay na ilaw. Hindi ko alam kung bakit napa-iindak ako hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang sariling makipagsabayan sa pagiging wild ng mga tao rito.

Sayaw lang ako nang sayaw at wala na akong pakialam kung sinong nasasagi ko. Ewan ko nga kung ako lang ba o may humihipo talaga sa pwet-an ko pero balewala lang yon sa'kin dahi nag-eenjoy ako sa pagsayaw. Ito ang unang beses ko sa gan'tong lugar at tiyak na magiging huli dahil 'pag nalaman ni Kuya na nagpunta ako rito, sesermonan nanaman ako.

Ewan ko ba, napaka-istrikto pagdating sa'kin. Samantalang 'di hamak namang mas kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kaysa sa mga taong narito. Psh.

Napapipikit ako't napahahampas ang buhok nang may biglang pumisil sa pwet ko at hindi na 'yon bastang nasagi lang. Talagang naramdaman kong sinakop at pinisil ng kung sino mang hampaslupa 'yon!

Nilingon ko ang lalaki sa likuran ko na kanina pa palang nakatingin sa'kin habang malawak ang ngiti. Naaaninag ko ang mukha niya dahil may pagka-matangkaran siya at nasisinagan siya ng liwanag.

"You don't look familiar. Bago ka ba rito?" Bulong niya sa tainga ko.

Talagang inilapit pa niya ang bibig sa tainga ko kaya amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya.

"Nandito ako para mag-enjoy, hindi para makipag-usap sa tulad mo. Shoo! Go away!"

Sinenyasan ko siyang umalis pero mabilis niya akong hinawakan sa baywang at mas inilapit sa kaniya kaya pareho nang magkadikit ang dibdib naming dalawa.

"Can you help me? I think I'm drunk," sabi niya sa maayos pa na pananalita.

Ramdam kong bumababa ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko hanggang sa pwet-an ko. Sa pagkakaalala ko, naka-pantalon ako at hindi ko yata matanggap na sa kabila ng maayos kong pananamit, binabastos ako ng hampaslupang 'to.

Sana man lang pinipili ng mga manyakis na 'to 'yong babaeng binabastos nila. Kasi sa totoo lang, opinion ko lang, aminin man natin o hindi pero may mga babaeng hindi deserve ang nababastos at may ilan na oo.

I know for a fact that this is a club and well, yes, guaranteed na may mga manyakis talaga sa ganitong lugar. If you came here for fun, sana hindi gaanong kulang sa tela ang sinusuot ng mga babaeng 'to. Tulad na lang ng nakasalubong ko kanina na naka-panty-shorts at bralette lang ang suot.

At sa totoo lang, ang pinaka-ayaw ko e 'yong binabastos ako ng kung sinong hampaslupa lang.

Isinukbit ko ang braso sa leeg niya at bumulong. "Saan ka ba nakatira?" Tanong ko na sinagot naman niya ng pag-ngisi.

"I knew it. You're too easy. Bibigay ka rin pala."

Lihim din akong napangisi. This isn't Death, but I can feel the urge of killing him. Ang pinaka-ayoko rin sa lahat, 'yong binibigyan ako ng dahilang pumatay ng tao.

DEATH Is My NameWhere stories live. Discover now