DEATH 2

14K 443 52
                                    

DEATH 2: Prison

NARRATOR

"Ito 'yung mga litrato sa krimen kahapon."

Mabilis na kinuha ni Orion ang brown envelope pagka-upo ng detective sa bakanteng upuan sa coffee shop na malapit sa kanilang istasyon.

Hindi na siya makapaghintay pang makita ang mga litratong nakuha sa karumal-dumal na krimeng nangyari kinagabihan. Tila ba lahat ay naalarma at takot na takot dahil ito ang unang pagkakataong may nangyaring pagpatay sa kabila ng katahimikan at kapayapaan sa lugar nila.

Mayruong umaabot sa kaniyang balita na isang babae ang nagdadala ng malas. Minsan na siyang pinakiusapan na kausapin ang babae at paalisin kaso walang makitang dahilan si Orion para gawin 'yon. Hindi rin naman kasi pwedeng isisi sa tao ang pagkasira ng palayan nang dahil sa bagyo, ang tag-tuyot, mga pag-baha at lindol.

"Orion, paaalalahanan lang kita, wala kang dapat gawin kung 'di ang umupo at huwag mangialam sa kasong 'to. Baka pareho tayong mawalan ng trabaho," pahayag ng detective na kanina pa ring hindi mapakali sa kinauupuan at baka may mga dumating na pulis.

Hindi nakikinig si Orion sa sinasabi niya dahil seryosong-seryoso nitang inaanalisa ang mga litrato. Unti-unting nagsasalubong ang kilay kasabay ang pag-igting ng panga sa mga nasusulyapan. Kumukulo ang dugo niya't namumuo ang likido mula sa noo.

"Carmela?" Halos pumiyok ang tinig sa tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa hawak.

Tumango ang detective. "Inaanak mo," aniya. "Traumatic Brain Injury ang dahilan ng pagkamatay ng bata. Hinihiling ng pamilya niyang dalhin siya sa ospital at baka sakaling magawan pa ng paraan kaso kahit saan tingnang anggulo, kahit ang mga santo hindi na kaya pang buhayin ang bata."

Humigpit ang kapit niya sa litratong hawak. Si Carmela ang nag-iisang inaanak niya na kada uuwi mula sa trabaho ay dadaan siya sa kanilang bahay para bigyan ng pasalubong. Hindi niya nagawang dumaan kahapon dahil marami siyang inaasikaso.

Kung alam niya lang na mangyayari ang bagay na 'to, sana'y binalak niyang dumaan sa kanilang tahanan. Nakakapanghinayang.

Pagkitil sa buhay ang kailanma'y hindi niya dapat pinalalampas dahil gagawin niya ang lahat na mabulok sa bilangguan ang taong may pakana nito, kahit pa ang taong mahalaga sa kaniya.

"Nahuli na ang pumatay sa kaniya?"

"Nakakulong siya sa ngayon kaso ang ipinagtataka ko, lumipas na ang bente oras kaso hindi pa rin siya nagigising mula nang mawalan siya ng malay nang huliin ng mga pulisya."

Umukit ang ngisi sa kaniyang labi sa kabila ng talim ng titig nito sa mga litrato.

"She might be trying to avoid getting interrogated dahil kahit anong gawin ng suspek, mabubulok at mabubulok siya sa bilangguan."

Iniangat niya ang tingin sa detective. "Kung sakaling nag-request ng lawyer ang suspek, aabot ba 'to sa korte? Kahit sapat na ang mga ebidensya at witness?"

Dagling ibinalik na niya ang mga ito sa envelope nang mapansin ang isang pulis na pumasok sa pag-aakalang isa ito sa mga hindi niya nakasusundo sa serbisyo.

"Syempre, dahil gagawin ang lahat ng attorney na depensahan siya para mapatunayang hindi siya guilty o di kaya para mapababa ang sentensya niya."

Tumango-tango si Orion.

"Saan nakakulong ang kriminal?"

Hindi siya sinagot ng detective kahit gusto man niyang sabihin kay Orion dahil magkaibigan sila, tiyak na mapapahamak lang silang pareho.

DEATH Is My NameWhere stories live. Discover now