DEATH 3

14.9K 461 188
                                    

DEATH 3: Again

HER

"How much?" I asked him who is on the driver's seat at nag-umpisa nang mag-maneho paalis ng presintong yun.

Pinagmasdan ko pa ang mga magulang ni Carmela na pinanuod ang paglisan ng sasakyan namin. Bakas pa rin ang galit sa mga mukha nila kaso mas pinili nilang manahimik kapalit ang malaking halaga na hindi ko alam kung ilan ang ibinigay.

Nakatatawang isipin na nang dahil lang sa pera, naetsapwera ang hustisya para sa sariling kagustuhan.

Tama lang pala 'yung nangyari dahil mas giginhawa ang buhay nila. Sana nag-iwan ako ng calling card para kung kailangan pa nila ng pera, handa akong patayin ang natitira niyang mga anak.

Ako ang nahihiya para kay Carmela. Mga mukhang pera ang mga magulang. Sadyang minalas lang talaga siya sa magulang. Dagdag mo pang nakabwibwiset talaga 'yung nanay niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata at naghihintay ng sagot kaso diretso lang ang tingin sa daan.

I got sued. I was thankful dahil hindi niya ako pinabayaang makulong nang panghabang-buhay. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinababayaan despite of what happened about the past wherein I almost killed him, my brother.

"Hindi ka sasagot, Kuya?"

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "Ang alin ba?" At binigyan ako ng matamis na ngiti.

Umiwas ako ng tingin.

The way he converses at me, parang walang nangyari sa past. Gano'n pa rin siya. His sweetest smile na nagpapagaan ng loob ko. Gano'n na gano'n pa rin. Kaya nga nabubuhay pa ako, e, para sa kaniya.

"Ang binayad mo sa pamilyang 'yun at sa witness para lang maka-alis ako mula sa mabahong lugar na 'yon."

"Just a little. Little enough to sustain her family."

I secretly rolled my eyes because obviously, it's a lie. Kung anong hihingiin nila, ibibigay niya just for my sake. Gano'n ako ka-importante sa kaniya.

"Little? Gaano ka-little? 1 million?" Iritadong tanong ko sa kaniya.

Hindi siya tumitingin sa'kin. Tanging sa daan pa rin. Malamang! Nag-dra-dive siya. Pero malamang din sa malamang, ayaw niyang mahuli ko siyang nagsisinungaling. I know him. He will avoid and avoid hanggang sa ma-off topic na kami.

"No! Of course not. We made a contract. Kailangan kong sustentuhan ang pamilya nila hanggang sa mawalan sila ng hininga."

Napapalo ako sa bintana dahil sa inis, sa gigil, sa galit! He's really uto-uto! Ang bilis niya maloko! Sobra-sobra pa 'yun! Napaka-abuso ng mag-pamilyang 'yan, a?

"Are you stupid? It's more than one million! Let me kill them!"

Inalis ko ang nakasuot na seatbelt sa'kin. Akmang lalabas na ako mula sa kotse kahit umaandar pa ang sasakyan, but he grabbed me gamit ang kanang kamay niya habang nasa manibela naman ang kaliwang kamay niya at diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

"No! Just sit. May pupuntahan tayo."

Argh! Dapat pinatay ko na lang silang lahat! Mauuwi lang 'yung mga pinaghihirapan ni Kuya sa mga taong tulad nila! They're not worth it! Kung hindi lang kasi tatanga-tanga yung anak nila!

Babalikan ko sila. I'll be the one who will talk to them. Kung hindi sila madadala sa pakiusap, then I have no choice but to let them call my evil name.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng hospital na pinagtratrabahuan niya kaya itinigil ko na rin ang pagpupumilit na balikan ang pamilyang 'yon.

Napakunot ako ng noo dahil bakit niya ako dinala rito? Pwede naman na niya akong iuwi sa bahay dahil kailangang-kailangan ko nang magpa-hinga. Pagod na pagod ako. Parang kailangan ko nanamang pumatay para bumalik ang lakas ko.

DEATH Is My NameWhere stories live. Discover now