CHAPTER : 7

18 2 0
                                    

Lucas's POV

Buti nalang nagising agad ako yung ibang kasamahan ko kasi nauna na! Chinarge ko phone ko dahil walang kuryente dun! Inilagay ko din flashlight sa bag ko at lumabas na ako sa kwarto ko! Pumunta ako sa kwarto ni Kentucky kaso nakalock pa
" Kentucky "Katok ko sa kwarto niya
Sabing gumising ng maaga eh kaso nakipaglakwatsa pa sa kaibigan niya kagabi, bumukas naman yung pinto at nakita ko siyang bagong gising lang kuskos pa ng kuskos sa mga mata niya
" Sabing gumising ng maaga eh "Wika ko
" Gabi pa nga eh! Tingnan mo oh madilim pa "Wika niya
" Yung mga kasamahan ko nandun na, tayo nandito pa "Wika ko
" Tsk kainis naman inaantok pa nga yung tao eh "Wika niya
" So ayaw mo sumama? Edi sige bawasan ko nalang sahod mo "Wika ko
Isasara ko sana pinto ng kwarto niya ng bigla niya akong pigilan
" Oy sasama ako ikaw naman Sir di mabiro "Wika niya sakin
Lumabas naman siya sa kwarto niya at pumasok siya sa kwarto ng anak ko kaya bumaba na ako para dalhin yung mga gamit namin! Binuksan ko kotse ko at pinasok mga gamit namin! Nakita ko namang lumabas na si Kentucky habang karga karga anak ko tulog pa ata naglakad naman siya papalapit sakin
" Ikaw nalang magsara dun sa bahay mo tulog pa kasi tong anak mo "Wika niya
Naglakad ako papunta sa loob ng bahay ko at nilock ko yung pinto! Lumabas na rin ako at nilock ko rin yung gate namin! Sumakay na ako sa kotse ko at napatawa ako dahil hikab ng hikab si bakla
" Tawanan mo lang ako dyan "Wika niya
" Bakit ikaw ba tinatawanan ko?"Tanong ko sa kanya
" Kala mo di ko nakikita repleksyon mo sa salamin "Sagot niya
" Oo na ikaw na pinagtatawanan ko "Wika ko
" Papalusot pa eh "Wika niya
Nagsimula akong magmaneho at nakita ko namang humiga pa anak ko! Inaantok pa ata!
" Chinarge mo ba cellphone mo? Wala kasi ilaw dun tsaka wala ding signal, dinala ko flashlight para may magsilbing ilaw satin dun! Mga kubo lang yung nandun kaya wag ka mag inarte! May tubig dun kaso mag iigib pa sa may ilog, pero dahil sa boss mo ko ikaw mag iigib ikaw din magluluto para samin ng anak ko! Nagkakaintindihan ba tayo Kentucky?"Tanong ko
" Hurrk "Hilik sa likod ko
Agad akong napatingin sa likod ko at tulog na pala yung loko! Baliw to ah! Kinakausap ko pa siya pero tinulugan lang ako! Nagmaneho nalang ako baka kasi pagud pa yan kaya hinayaan ko nalang
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami dito sa daan agad ko silang ginising! Kinuha ko na bag ko at dinala naman ni Kentucky yung iba!
" Iiwan mo lang ba kotse mo dito Sir?"Tanong ni bakla sakin
" Oo naman "Sagot ko
" Lah! Sino magbabantay?"Tanong niya
" Nakikita mo yung bahay na yun? May mag asawang matanda dyan! Sila magbabantay ng kotse namin ng ilang araw binibigyan lang namin ng pera "Sagot ko
" Aaah "Wika niya
Sabay sabay kaming naglakad at nakita ko namang hinintay ako nila Jake at Cyrus pati na rin si Nick! Lumapit ako sa kanila at sumunod naman sakin yung dalawa!
" Tagal niyo pre "Wika ni Jake
" Anong oras na kasi nagising si Liam tsaka si Kentucky "Wika ko
" Tara na! Kami na nagbayad dun sa matanda kaya umakyat na tayo habang wala pang araw sigurado akong mainit mamaya "Wika ni Jake
" Tara "Wika ko
" Papa sakay ako sa likod mo maya nalang ako maglalakad "Wika ng anak ko
" Oo ba "Wika ko
Binigay ko kay Kentucky yung bag ko at sumakay naman tong anak ko sa likod ko! Nakita ko masama na naman tingin sakin ni Kentucky pero di ko siya pinansin dahil mamaya siya sakin!
" Buti nalang di umulan pre "Wika ni Cyrus sakin
" Oo nga eh! Yung iba nauna na ba?"Tanong ko sa kanila
" Oo pre nandun na sila hinintay ka kasi namin eh "Wika ni Nick
" Tsk "Wika ko
Patuloy lang kami sa paglalakad at kinuha ko yung isang bag kay Kentucky naghihirapan kasi maglakad eh!
" Kuya? Okay ka lang ba dyan?"Tanong ng anak ko kay Kentucky
" Oo naman baby "Sagot ni bakla
" Okay lang yang Kuya Kentucky mo dahil nandito Ninong Nick mo crush niya yan "Wika ko
" HAHAHAH "Tawanan nila Jake
Naramdaman ko namang tinusok niya ako ng kahoy sa may hita ko! Mamaya talaga to sakin
" Crush din naman kita Kentucky eh "Wika ni Nick
" Oy pre wag mo icrushback kikiligin itlog niyan HAHAHAHA "Tawa ko
" Ano ba! Nasa kalagitnaan tayo ng paglalakad tas ingay ingay niyo! Ma-engkanto sana kayo mga pare-parehas lang ulo niyo "Wika ni bakla sa likod ko
Napatigil kami kakalakad at nagkatinginan nila Jake, Cyrus at Nick
" Sige magtawanan pa kayo lakihan niyo pa boses niyo! Swerte talaga kayo pag na-engkanto kayong apat "Wika niya
Narinig ko naman yung mahinang tawa ng anak ko kaya naglakad na kami at di na nagtawanan pa!
" Oh ano? Bat napatahamik kayo? Natakot kayo no? Alam naman nilang gabi pa nagsisitawanan pa "Wika niya sa likod ko
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad at di naman nagsalita tong bakla na to! Tang*na natakot ako dun!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Tatlo nalang kami nandito dahil nauna na sila Jake! Napagud kasi ako sa anak ko tsaka hingal na hingal na tong taga alaga sa anak ko! Natawa ako kanina habang naglalakad kaming tatlo daming reklamo eh! Ayaw na niya daw pumunta dito ulit ang layo daw kasi
" Malayo pa ba?"Tanong niya sakin
" Malapit na tayo "Sagot ko
" Haaay "Hingal niya
" O ito "Bigay ko sa kanya ng tubig
Agad naman niyang tinanggap yun at ininom! Dinala ko na bag ko at tumayo na!
" Halika na "Wika ko
" Ito na "Wika niya
Naunang naglakad anak ko at sumunod kaming dalawa! May araw na kasi kaya ambilis namin mapagod pero ilang hakbang nalang makakarating na kami,
" Papa nandito na tayo! Naririnig ko na sila Ninong "Sigaw ng anak ko
Ngumiti ako at tumakbo naman yung anak ko! Patuloy lang kami sa paglalakad at nakarating din kami sa paglalakad
" Haaay salamat "Hinga ko
Nakita ko namang nagkakasiyahan na yung mga kumpare ko!
" Sir pahinga muna ako "Wika ko
" Liam halika muna dito "Tawag ko sa anak ko
Lumapit naman sakin anak ko kaya inutusan ko siyang samahan si Kentucky
" Naalala mo yung bahay dun sa may dulo? Dalhin mo dun Kuya Kentucky mo magpapahinga daw siya pupunta ako dun maya maya "Wika ko
" Opo Papa! Tara Kuya "Wika ng anak ko kay Kentucky
Naglakad naman sila dun at nagbigay galang ako sa mga matatandang kilala ko dito! Di ko sila makakalimutan dahil dito kami nag training ng ilang linggo nung college palamang kami ng mga kaklase ko, pumunta ako sa mga katrabaho ko dahil nakaupo sila habang nag uusap usap! Umupo ako sa tabi ni Pareng Jake habang nagsasalita yung isang pulis na katrabaho din namin
" Asan na si Kentucky pre?"Tanong sakin ni Jake
" Nandun sa may kubo nagpapahinga sila ni Liam "Sagot ko
" Aaah "Wika niya
Nakinig nalang kami dahil sigurado akong mamayang gabi inuman na naman to dahil nagkatipon tipon na ulit kami .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon