CHAPTER : 26 (SPG)

17 2 0
                                    


                        ( RATED SPG )

Kentucky's POV

Kasalukuyang akong nagwawalis dito sa likod ng bahay nila Ma'am Stephanie, oo tama kayo nandito kami ngayong araw kila Ma'am kasi nga dadalo kami sa pa-party ng Papa ni Elaine ayaw ko mang sumama kaso gusto ni Lucas kaya wala akong nagawa kundi sundin kagustuhan niya! Nasa labas si Lucas bumibili ng meryenda habang nasa loob ng bahay yung alaga ko kasama lolo niya! Nakasakay na sila Tito at Bugart pauwi sa probinsya gusto ko sana umuwi eh kaso di ako pinapayagan ng isa! Inilagay ko muna sa gilid yung walis tingting dahil may nakita akong duyan sa may puno gusto ko munang magpahinga dahil kanina pa ako naglilinis dito nagsiuwian kasi mga maid nila Ma'am Stephanie tsaka sa pagkakaalam ko next pa daw babalik! Naglakad na ako at tinungo ang daan papunta sa may duyan! Sasakay na sana ako ng bigla akong nawalan ng balanse dahilan para mapaupo ako sa lupa agad akong napahawak sa bewang ko dahil sa sakit
" Aray ko po huhuhu "Mahina kong iyak
" HAHAHAHAHA "Tawa sa likod ko
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Lucas nakatayo habang pinagtatawanan ako!
" Ayan buti nga HAHAHA "Tawa niya
Tumayo ako at lumapit naman siya sakin kaya humarap ako sa kanya
" Pagud na nga yung tao pinagtatawanan mo pa "Taas boses ko
" Sorry naman Mahal natawa ako eh "Wika niya
Kinuha ko yung kahoy tsaka pinalo ko yun sa hita niya agad naman siyang napakuskos sa hita niya kaya naglakad na ako at pumasok na sa loob ng bahay
" Mahal teka lang "Sigaw niya
Nakita ko naman siyang tumakbo kaya di ko siya pinansin at tuluyang pumasok sa loob ng bahay
" Kuya "Sigaw ni Liam
Napatigil ako kakalakad at tumakbo naman siya papunta sakin
" Kuya? Tapos ka na ba maglinis sa likod ng bahay?"Tanong niya sakin
" Oo baby tapos na "Sagot ko
" Kuya pasyal naman tayo sa Park oh "Wika ng alaga ko
" Nako baby pagud ako eh pwede naman bukas diba?"Tanong ko
" May pasok kami bukas Kuya eh "Sagot ng alaga ko
" Nandyan na kasi Papa mo baby eh pwede bang sa susunod nalang? Maglalaro tayo dun promise "Wika ko
" Okay po "Wika niya
" Halika nang makapag-meryenda ka "Wika ko
Sumunod naman sakin alaga ko papuntang kusina habang nasa likod namin si Lucas! Inilagay naman niya yung dala niyang tinapay at napatingin ako sa kanya
" Nak alam mo ba? Kuya mo nahulog dun sa may duyan tas umiyak HAHAHA "Wika ni Lucas
" Totoo Kuya? HAHAHAHA "Tawanan nilang dalawa
" Sige pagtawanan niyo kong dalawa baka gusto niyong makatikim ng Juice na may asin "Inis ko
" Lah si Papa yun Kuya "Wika ng alaga ko
" Pareho lang ulo niyo "Wika ko
" HAHAHAH "Tawa ulit nila
" Sumbong ko pa kayo kay Sir "Wika ko
Agad kong tinarayan si Lucas at nagsimula akong magtimpla ng juice baka kasi nagugutom na din si Sir Leonardo kinuha ko yung tray tsaka inilagay ko dun yung kakainin ni Sir pumunta ako sa sala at inilapag ko sa mesa yung pagkain ni Sir
" Sir meryenda na po kayo "Wika ko
Napatingin naman siya sakin at napatingin din sa dala ko
" Si Liam nakita mo ba?"Tanong ni Sir
" Nasa kusina po pati si Lucas nag memeryenda na rin "Sagot ko
" Itigil mo muna yang paglilinis mo magmeryenda ka na rin dun "Wika ni Sir
" Okay po "Ngiti ko
Tumalikod na ako at pumunta na sa kusina! Ang swerte swerte ko ang babait ng mga amo ko maliban lang sa anak nilang panget ugali
" Oy san ka na naman pupunta?"Tanong ko sa alaga ko
" Tatabi ako kay Lolo Kuya eh dun ako memeryenda "Sagot ni Liam
" Ganun ba? Osige "Wika ko
Pumunta naman siya sa kinaroroonan ng Lolo niya at nanood din na din kaya umupo na ako at tumabi kay Lucas
" Kiss ko "Nguso niya
" Kiss kissin ko yang mukha mo eh "Wika ko
" Damot ah "Wika niya
" Pagud ako Lucas baka gusto mo duraan kita dyan "Inis ko
" Abaaa gusto mo duraan din kita mamayang gabi? Hmm?"Hawak niya sa hita ko
" Sige subukan mo isusumbong kita sa Papa mo "Wika ko
" Mahal kailangan na nating sundan si Liam malaki na anak ko kailangan natin ng bagong baby "Wika niya
" Ano ba nasa harap tayo ng pagkain "Hampas ko sa braso niya
" HAHAHAHA "Tawa niya
Dahil nauuhaw nagugutom na ako kumain na ako! Kumain din naman tong katabi ko at di na nang asar! Maglilinis pa ako mamaya sa kwarto nila Ma'am Stephanie dahil ako lang nakakapasok dun, ewan ko ba kung bakit pero sabi ni Ma'am ako pa lang daw nakapasok sa kwarto nila kasi wala daw siyang tiwala sa mga kasambahay nila kahit medyo matagal na daw dito pero wala na yun sakin dahil isa din naman akong utusan sa bahay na to kaya wala akong karapatan manghusga ng tao sinusunod ko lang utos ng amo ko
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Habang isa isa kong tinutupi mga damit ng mga amo ko biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Ma'am Stephanie dahilan para mapatayo ako
" Magandang hapon po Ma'am "Wika ko
" Magandang hapon din sayo "Wika niya
" Kakadating niyo lang po ba Ma'am?"Tanong ko sa amo ko
" Oo Kentucky kakadating ko lang "Sagot ng amo ko
Maglalakad na sana ako para puntahan yung kotse ni Ma'am kaso pinigilan niya ako
" Ay hindi na, kinuha na ni Lucas mga dala ko pagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo "Wika ng amo ko
" Ganun po ba? Okay po "Wika ko
Umupo ulit ako sa sofa at pinagpatuloy ang pagplaplantsa sa mga damit ng mga amo ko! Napatigil nalang ako dahil umupo si Ma'am sa harap ko habang nakangiti ito
" Kentucky? Siguro may maisasagot ka sa tanong ko tutal palagi mong kasama si Lucas "Wika ni Ma'am
" Po?"Kinakabahan kong sabi
Kinuha naman niya bag niya at kinuha yung mamahaling cellphone niya! Iphone ata tawag dun parehas nung kay Yabang
" This past few weeks kasi may napapansin akong kakaiba sa anak ko "Wika ni Ma'am
Sunod sunod naman na kaba naramdaman ko dahil parang basta di ko maipaliwanag pero kinakabahan talaga ako
" Tanong ako ng tanong sa anak ko kaso parang di sinasabi sakin yung totoo "Wika ng amo ko
" Ba-bakit po? Ano po meron kay Sir Lucas?"Kinakabahan kong tanong
" Ano kasi ahm sinundan ko siya nung gabing may napansin akong kakaiba sa anak ko! I just notice that my son change a lot, di ko alam pero parang ramdam ko na may tinatago siya samin! Kasi nung gabing sinundan ko siya may kasama siyang lalake namasyal sila at kumain ng mga street foods kala ko kaibigan niya lang until I saw na nagyakapan sila "Kwento ng amo ko
Biglang natuyo lalamunan ko dahil sa kwento ng amo ko di ko akalain na sinusundan niya pala kami
" Gusto ko lang itanong sayo kung may karelasyon bang lalake ang anak ko? Di mo naman masasabing di mo alam dahil palagi mong kasama anak ko diba?"Tanong ni Ma'am sakin
" Wa-wala po akong alam dyan Ma'am kasi nasa bahay lang ako ni Sir tas taga alaga ng Apo mo! Di naman po ako sumasama kay Sir sa twing lalabas siya "Kinakabahan kong sabi
" May dinadala bang lalake o bakla si Lucas sa bahay niya? O baka tinakot ka niya na pag may isinumbong ka sakin papaalisin ka niya sa bahay niya?"Tanong ulit ni Ma'am
" Wala po siyang dinadalang ibang tao sa bahay niya at mas lalo pong di niya ako tinatakot "Kinakabahan kong sabi
" Ganun ba? Ewan ko ba kung totoo tong hinala ko pero isa ata yun sa dahilan kung bat nagtataka ako sa pagbabago ng anak ko sana di tama ang hinala ko sadyang ayaw ko lang malaman na may kasintahan yung anak kong kapwa lalake niya o baka bakla pa! Pasensya na ha kung nasabi ko man to pero di ko intensyon na saktan yang damdamin mo nirerespeto ko kayong lahat pero ayaw ko talagang mangyari yun ayokong masira yung mga pangarap ng anak ko "Wika ng amo ko
Napangiti nalang ako at di ko pinahalatang nasaktan ako sa mga sinabi niya pero kinakabahan ako na baka dumating yung araw na malaman niya tong mga lihim namin ni Lucas, ayokong mangyari yun ayokong mawalay kay Lucas di ko kaya yun
" Siya nga pala bumili ako ng susuotin mo mamayang gabi "Wika ni Ma'am
Tumayo naman siya at kinuha yung bag na dala niya kanina
" Halika "Wika ni Ma'am
Tumayo ako at lumapit sa amo ko pero ang totoo niyan nasa isip ko pa din yung mga sinabi niya sakin kanina
" Oh ito isukat mo "Wika ni Ma'am
" Pero Ma'am may damit naman po ako dun sa kwarto ko "Wika ko
" Wag ka na mahiya hindi lang basta party yun mga mayayamang tao ang nandun kaya dapat pag nandun na tayo wag mong ipakita sa kanila na mahiyain ka "Wika ni Ma'am
" Parehas kayo niyan ni Lucas binilhan ko din Apo ko tsaka para masanay ka sa mga enggrandeng event hindi yung nasa bahay ka lang ng anak ko habangbuhay "Wika ni Ma'am
" Ayoko sanang sumama Ma'am kaso nagagalit si Sir Lucas dahil wala daw magbabantay dun kay Liam "Wika ko
" Mas magagalit si Sir Leonardo mo pag di ka sumama "Wika niya
" Pero Ma'am? Pwede ko bang isama yung kaibigan ko? Para meron po akong kasama dun "Wika ko
Di naman nakapagsalita yung amo ko at nanatiling nakatingin lang sakin
" Sige isama mo para kahit papano di ka maboring dun "Wika ni Ma'am
Napangiti nalang ako dahil isasama ko talaga si Kaye para may kausap ako dun
" Thank you Ma'am "Wika ko
" Sabihin mo sa kaibigan mo na dapat mga alas-syete naka ready na siya "Wika ng amo ko
" Opo tsaka salamat po dito "Wika ko sabay taas ng binili niya sakin
" Pag nakikita kong interesado yung tao nagbibigay ako! Dahil sa interesado ka palagi, hayaan mong masuklian ko lahat ng mabubuting ginagawa mo sa mag ama "Ngiti niya
Ngumiti din ako at bumalik na sa sala para ipagpatuloy yung pagtupi ng mga damit ng mga amo ko! Pero kahit anong ngiti ko parang may kakaiba akong nararamdaman na di ko maipaliwanag!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko nakahiga sa kama dahil katatapos lang nga mga gawain ko dito sa bahay nila Lucas! Nasa baba si Lucas may ginagawa sa laptop niya! Natutulog naman alaga ko sa kwarto niya kaya makakapagpahinga ako ngayon! Kaso pumasok sa isip ko si Kaye kailangan ko pala siyang kausapin bumangon ako at kinuha yung cellphone ko sa mesa tinawagan ko siya at agad niyang sinagot tawag ko

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon