CHAPTER : 13

22 3 0
                                    

Lucas's POV

Nandito ako sa mesa habang may inaayos laptop ko! Katabi ko anak ko habang nagsusulat siya sa mga gawain niya! Di kami bati ng Kentucky niyo dalawang araw na kaming di nagkakasundo dahil sa kaartehan niya! Hinahamon niya ako eh kaya isang linggo akong suplado sa kanya! Kahit anong pagpapansin ko ayaw akong pansinin kahit sinasadya ko siyang mantsahan mga puting damit ko pero nananatili siyang kalmado! Sahod niya ngayong araw pero bago ko ibigay sahod niya dadaan muna siya sa kamay ko! Ang hilig hilig manguna tas pag ginantihan sumisigaw naman!
" Kentucky "Tawag ko sa kanya
Pasalamat to dahil pamangkin siya ni Kuya Henry kasi kung hindi baka nakatikim na yun sakin! Sino ba di magagalit pagseryoso kang nagtanong tas pipilosopihin ka lang? Ganun siya ngayon sakin lalo na't ayaw din magpatalo sa sagutan! Nakita ko naman siyang bumaba at lumapit sakin kaya itatabi ko muna nararamdaman ko sa kanya pinapakulo kasi dugo ko eh
" Bakit?"Tanong niya
Dahil nga sa di nakatingin sa kanya yung anak ko agad niya akong tinaasan ng kilay sabay taray!
" Timplahan mo ko ng kape "Pagsusuplado ko
" Wow sir? Kaharap mo lang yung kusina tas ako pa inutusan mo magtimpla? Naglilinis pa nga ako sa taas tas panibagong utos na naman? Ano kala mo sa katawan ko twin pack?"Tanong niya na may halong pagtataray
Kita niyo? Kita niyo yang Kentucky niyo? Galing makipagsagutan diba? Sarap ikulong sa kwarto ko
" Kape sabi eh daming daldal "Sigaw ko
Napatigil naman kakasulat yung anak ko tsaka napatingin siya samin
" Ito na nga magtitimpla na "Wika ko
Magtitimpla nalang dami pang daldal, manang mana sa Lola niya eh parehong rapper!
" Papa wag mo sigawan si Kuya "Wika ni Liam
" Kakainis kasi eh! Sarap isabit sa labas gawing megaphone "Pagpaparinig ko sa kanya
Nakita ko naman siyang bumubulong bulong sa kusina kaya hinayaan ko na! Kala niya makukuha niya agad sahod niya? Nagkakamali siya
" Ano ba yan ang bagal bagal "Pagpaparinig ko sa kanya
Nakita ko naman sitang natataranta sa kusina Alas tres na kasi ng hapon tsaka nakaramdam ako ng gutom!
" Ito na po Sir "Wika niya
Bigla naman niyang tinusok kamay ko gamit yung kuko niya dahilan para mapatingin ako sa kanya bigla naman siyang ngumiti at inilagay yung kape sa mesa
" Gwapo mo talaga Sir "Ngiti niya
" Nanunusok ah "Wika ko
" Sorry naman Sir "Wika niya
Ginulo niya muna buhok ko bago siya pumunta sa taas para ipagpatuloy yung paglilinis niya! Napatingin nalang ako sa anak ko dahil bigla niya akong siniko
" Gwapo ka daw Pa! Malapit na Valentines Day i-date mo na si Kuya "Wika ng anak ko
" Bahala siya sa buhay niya i-date niya sarili niya "Wika ko
" Nako pag naunahan ka na naman ni Kuya Bugart ewan ko nalang sayo Papa "Wika niya
" Wala akong pake sa kanila "Wika ko
Kala niya ata ibibigay ko agad sahod niya! Bago siya sumaya dadaan muna siya sakin mamaya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Ako nalang nagluto ng ulam dahil alam kong pagud si reklamadora! Pangalawang utos ko pa ngalang kanina dami na sinasabi kaya ako na nagluto! Marunong na din ako magsaing dahil tinuruan niya ako! Nasa sala anak ko nanonood wala kaming pasok ngayon dahil araw ng sabdo! Kumuha na ako ng mga pinggan at dinala ko sa hapag kainan!
" Liam halika na kakain na tayo "Wika ko
Nakita ko namang tumayo na anak ko at lumapit siya sakin
" Papa si Kuya?"Tanong niya sakin
" Hayaan mo siya "Sagot ko
Bigla namang tumakbo anak ko at pumunta sa taas sigurado akong tatawagin na naman Kentucky niyo! Umupo na ako at hinintay ko sila! Nakita ko namang nakangiti yung Kentucky niyo habang kausap anak ko! Umupo naman sila sa harap ko at biglang nag iba timpla ng mukha ng makita niya ako!
" Ganyan talaga mga tao baby! May mga mababait tulad ni Bugart tsaka meron ding mga panget ng ugali tulad ng iba dyan "Wika ni Kentucky
" Bat mo naman nasabing mabait si Kuya Bugart?"Tanong ng anak ko sa kanya
" Nakikita naman sa kanya baby diba? Maalalahanin, masiyahin, gwapo at higit sa lahat wala siyang tupak "Sagot ni bakla
Alam ko naman na ako na naman pinaparinggan ng baklang to! Ano naman kung mabait Bugart niya? Kunting ngiti lang sa kanya mamumula na
" Meron din taong malandi, reklamador, at higit sa lahat bungangero "Singit ko sa usapan nila
Bigla namang napatawa anak ko dahilan para mapatingin sakin tong Kentucky niyo! Totoo naman sinabi ko ah! Hinding hindi yun mawawala sa tao lalo na sa tulad niya!
" Ikaw nga pang - - - "
" Kain na! Lalamig yung ulam "Singit ko
Di naman siya nakapagsalita at bigla niyang inapakan paa ko kaya gumanti din ako na apakan paa niya! Pinagtatanggol pa niya yang lalake niya kahit nakikita naman sa lalakeng yun na di siya interesado sa kanya kaso malandi tong Kentucky niyo kaya ambilis mauto
" Nakikita talaga sa niluto kung ano ugali ng tao! Napaka panget "Wika niya
" Kelan naging panget lasa ng sinigang ko ha? Turo yan sakin ni Mama sarap mong batukan dyan kakain ka na ngalang dami mo pang reklamo "Wika ko
" Nahiya ka pang ubusin yung sampalok eh ang asim sobra napaka panget ng lasa parang nakikita ko sa ugali nung nagluto "Wika niya
Kita niyo? Imbis na nanahimik ako dito puro kuda yang Kentucky niyo! Ang hilig hilig magsimula ng away tas pag ginantihan isusumbong ako kay Mama na ako yung mahilig manguna
" Masarap naman Kuya eh "Wika ng anak ko
" O ano ka ngayon "Wika ko
Bigla naman niya akong tinarayan at kumain na! Turo kaya yan sakin ni Mama! Kapal ng mukha eh! Kaya ayaw ko siyang awayin dahil ang tindi sobra kaso may mga araw talaga na pinapainit niya ulo ko kaya di ko mapigilan sarili ko makipagsagutan sa kanya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nandito ako sa sala habang kaharap ko si Kentucky tinutupi mga damit ko nakahiga ako sa sofa habang nasa mesa anak ko sinasagutan mga gawain niya sa school, syempre dahil gabi na kailangan kalmado tayo para mabawas bawasan naman init ng ulo ko!
" Baby tapos ka na ba dyan?"Tanong niya sa anak ko
" Di pa po "Sagot ko
Napatigil naman siya kakatupi ng mga damit ko at napatingin sakin kaya agad kong binaling tingin ko sa TV
" Titig na titig ah "Wika niya
" Bat naman kita tititigan?"Tanong ko sa kanya
" Sus palusot pa "Wika niya
" Kala mo naman kagandahan "Wika ko
" Gandang ganda sa sarili eh may talong naman "Pang aasar ko
Bigla namang tumama sa mukha ko yung unan na hawak niya dahilan palihim akong mapatawa
" Liam tingnan mo dito Papa mo oh! Nagtutupi ako dito tas nag sisimula na naman ng away! Sumbong mo nga to baby sa Lola mo kanina pa tong Lucas yabang na to eh "Kunot noo niya
Gusto ko sana tumawa eh kaso kailangan suplado pa rin mukha ko
" Bat ka naiinis? Totoo naman "Wika ko
" Nagtutupi nga lang yung tao dito eh "Wika niya
Di nalang ako sumagot dahil nakatingin samin si Liam baka isumbong ako kay Mama! Minsan napapaisip ako kung bat palagi si Kentucky yung kinakampihan ng anak ko kahit ako yung Papa niya! Pag matapos siyang magtupi ng mga damit ko ibibigay ko sa kanya yung sahod niya dahil narinig ko silang nag uusap ng Lola niya kanina na hanggang sa martes nalang yung natitirang gamot ng Lolo niya tsaka malaki din daw utang ni Aleng Welma sa kapitbahay niya! Kaya pala ang lungkot lungkot niya kanina habang nililinisan niya kwarto ni Liam
" Kuya tapos na ako "Wika ng anak ko
" Punta ka na sa kwarto mo matatapos na ako dito tsaka hintayin mo ko dun "Wika niya
" Opo "Wika ng anak ko
Lumapit naman sakin anak ko kaya hinalikan ko noo niya at pumunta na sa taas! Dahil sa tapos na siyang magtupi tumayo ako para kunin yung pera sa ibabaw ng ref, nakita ko naman siyang tumayo na at dinala sa taas yung mga damit ko kaya bumalik ako sa sala dahil alam kong babalik yun dahil may hugasan pa sa kusina! Bumaba naman siya at lumapit sakin kaya agad kong binigay yung pera sa kanya
" Ayan na sahod mo "Wika ko
Binigay ko sa kanya yung perang inilagay ko sa papel at napatingin siya sakin
" Tanggapin mo na panglalake mo yan "Biro ko
Tinanggap naman niya yung sahod niya at napangiti ako dahil nakita kong nanginginig kamay niya halatang di sanay humawak ng makapal na pera
" Ikaw na bahala dyan kung ano gusto mong gawin sa pera mo! Pero unahin mo Lolo mo dahil nakita kita umiiyak kanina sa problema kaya bago mo gawin gusto mo unahin mo muna pamilya mo sa probinsya "Wika ko
Maglalakad na sana ako papunta sa taas ng bigla niya akong yinakap hanggang sa narinig kong umiyak siya! Gusto ko mang pumunta na sa taas kaso pinipigilan ako ng sarili ko! Humarap naman siya sakin habang sunod sunod na pumapatak luha niya
" Wag ka na umiyak "Mahina kong sabi
Ewan ko kung bat nawawala galit ko sa kanya pag nakikita ko siyang umiiyak
" Sir "Iyak niya
" Shhh "Wika ko
Pinunasan ko luha niya tsaka hinalikan ko din noo niya! Yinakap ko din siya habang walang tigil kakaiyak
" Wag ka na umiyak may panggamot si Lolo mo "Wika ko
" Bati na tayo oy "Wika niya
" Pinapainit mo kasi ulo ko "Wika
" Di na promise "Taas kamay niya
" Sige "Ngiti ko
Yinakap naman niya ulit ako kaya yinakap ko na din siya! Pumunta na ako sa taas dahil di ko pa natatapos ginagawa ko sa laptop ko! Iniwan ko muna siya sa baba dahil alam kong maghuhugas yun .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon