CHAPTER : 14

17 2 0
                                    

Welma's short POV

Bumangon agad ako para magluto ng makakain ni Tonyo! Nakita ko naman siyang gising na kaya lumapit ako sa kanya
" Saglit lang ha magluluto lang ako ng makakain niyo ni Klinton tsaka paliliguan kita habang maaga pa "Wika ko
Lumapit din ako sa Apo ko para gisingin siya may pasok kasi siya sa eskwelahan
" Klinton bangon na dyan maglalakad ka pa papunta sa eskwelahan niyo "Wika ko
Agad naman siyang bumangon at nagluto na ako ng almusal ng dalawa! Di pa ako nakapagbayad kay Rosa dahil gabi na ako nakauwi kagabi mamaya nalang siguro pagkatapos ko pakainin si Tonyo
" Lola? Malapit na fiesta dito satin! Uuwi ba si Kuya?"Tanong ng Apo ko habang nasa hapag kainan siya
" Sabi niya uuwi daw siya sasabay siya sa Tito Henry mo "Sagot ko
" Kasama ba si Melan Lola?"Tanong niya
" Oo naman "Sagot ko
Ilang linggo nalang kasi fiesta na dito samin magkakasiyahan na naman yung mga taong bayan! Dahil sa tapos na ako magluto hinain ko na yung niluto ko at pinasakay ko si Tonyo sa wheel chair niya at dinala ko siya sa hapag kainan! Sinimulan ko siyang pakainin dahil papaliguan ko pa siya! Nagsimula na ding mag almusal Apo ko dahil papasok pa siya sa eskwelahan
" Nakikita mo yang mga prutas na yan? Lahat ng yan bigay ng Apo mo! Kaya pag bumalik ka na sa normal magpasalamat ka sa kanya dahil di niya tayo pinapabayaan "Wika ko
Bigla naman siyang ngumiti at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko!
" Mareeee "Sigaw sa labas
Napatingin ako sa may bintana at nakita kong papasok si Rosa! Kaya pumunta muna ako sa pintuan para pagbuksan siya
" Oh? Anong meron mare?"Tanong ko sa kanya
Pumasok naman siya kaya bumalik ako sa loob sigurado akong makikipag chismisan na naman to palagi tong nandito sa bahay namin eh pag wala siyang magawa tas madala pang pamaypay
" Mare balita ko nagpadala na daw si Puti(Palayaw ni Kentucky) baka meron ka ng pambayad ng utang mare lalo na't malaki babayaran ng mga anak ko sa school nila "Wika niya
" Nako pasensya ka na Mare ha! Gabi na kasi ako nakauwi kagabi kaya di na ako pumunta sa inyo para bayaran ka madilim kasi sa daan baka mapano pa ako "Wika ko
" Okay lang yun Mare "Wika niya
" Saglit lang Mare ha "Wika ko
Pumasok ako sa kwarto namin ni Tonyo at kinuha ko yung sampong libo na ibabayad ko kay Rosa lumabas ako sa kwarto namin at humarap sa kanya
" Mare ito oh nandyan na din yung tubo "Wika ko sabay bigay ng pera sa kanya
Binilang naman niya yun at lumapit na ako kay Tonyo para pakainin siya
" Pasensya ka na Mare kung ngayon lang kami nakabayad, kahapon lang kasi yung sahod ni Kentucky "Wika ko
" Okay lang yun Mare wag mahiyang umutang sakin pag meron ako "Wika niya
" Salamat talaga "Ngiti ko
" Maiba tayo Mare! Totoo ba yung mga naririnig ko sa labas?"Tanong niya sakin
" Ha? Bakit ano naririnig mo?"Tanong ko
" Totoo bang nagtratrabaho si Kentucky sa kilalang pamilya dun sa Manila? Tsaka sabi nila mayaman daw ang pamilyang ito dahil kilala ito pagdating sa negosyo! Totoo ba yun Mare?"Tanong niya sakin
" Hay nako mga taong bayan nga naman "Wika ko
" Nako Mare mukhang maswerte si Puti, aahon na kayo sa hirap "Wika niya
" Alam mo Mare wag ka agad maniwala sa kanila! Oo nagtratrabaho Apo ko sa pamilya na yun pero di naman ibig sabihin nun na aahon agad kami di ganun yun Mare "Wika ko
" Mukhang may pag asa kayo kay Puti Mare! Nakikita kong aahon kayo "Wika niya
" Hay nako ikaw talaga Mare "Wika ko
" Osya aalis na ako Mare ibibigay ko pa tong pera sa mga anak ko "Wika niya
" Osige sige Mare salamat ulit "Wika ko
Agad naman siyang lumabas sa bahay at napatingin ako sa Apo ko
" Pagkatapos mo kumain maligo ka agad ha "Wika ko
" Opo Lola "Wika niya
Dahil sa tapos na kumain si Tonyo! Inihanda ko na yung timba para paliguan siya .

Lucas's POV

Nakaupo ako dito sa may hagdan habang nasa likod ko si Kentucky! Di siya pumasok dahil anong oras na nagising kaya ako nag asikaso sa anak ko kanina! Di rin ako pumasok dahil wala siyang kasama baka kung saan saan na naman pumunta tong Kentucky niyo kung iiwan ko siyang mag isa dito sa bahay
" Sabing wag malikot eh! Puputulin ko tong ulo mo "Sabunot niya sakin
" Wala nga akong kuto diba? Tsaka wag mo kong sasabunutan masakit "Kurot ko sa hita niya
Kanina pa niya ako kinukutuan kahit wala naman akong kuto! Baliw eh ayaw pang bitiwan ulo ko! Tumigil naman siya sa ginagawa niya at narinig kong napahinga siya ng malalim
" Ano? May nakita ka? Wala diba?"Tanong ko
Di naman siya nagsalit at nanatili kaming nakaupo dito sa hagdan
" Sir payagan mo naman ako makauwi ng probinsya! Lahat naman utos tsaka gusto mo sinusunod ko diba? Isang linggo nalang fiesta na samin "Wika niya
" Makakauwi ka lang naman kung di mo kasama yang Warren na yan "Wika ko
" Wala naman kaming gagawing masama ni Warren eh tsaka kasama namin si Tito! Sige na kasi Sir "Pakiusap niya sakin
" Kala mo di ko alam na may nakaraan kayo ng Warren na yan! May nag kwento sakin na araw araw mo daw kasama yang lalakeng yan dun sa probinsya pinagkakamalan kayong may relasyon dahil sa mga kilos niyo! Tapos ngayon gusto mong umuwi dahil wala ako dun sa probinsya? Kala mo makakalusot sakin yang kalandian mo ha "Wika ko
Bigla naman niyan akong binatukan dahilan para mapatawa ako
" Di na nga ako nakakalabas dito sa bahay mo tas ganyan ka pa sakin! Ikulong mo nalang ako dun sa presinto na pinagtratrabahuan mo kakainis na "Reklamo niya
" Talagang di ka makakalabas sa bahay ko hanggat nasa tabi tabi yang lalake mo "Wika ko
" Kala mo ganto yung lalakeng gusto kong makasama? Lahat nalang wala akong kalayaan kahit pagbili lang dyan sa may kanto dapat kasama pa anak niya! Kala mo papayag akong magpaligaw sayo ha?"Tanong niya
" Oy teka ibang usapan na yan "Reklamo ko
" Hihintayin ko nalang si Bugart kasi sabi niya liligawan niya ako! Buti pa siya lahat ng gusto ko sinusupurtahan niya pero yung iba dyan kung makahigit sakin parang ayaw na akong sumaya "Wika ko
" Sasaya ka naman sa piling ko pag nabuo yung salitang TAYO "Wika ko
" Kelan ako sasaya? Ha? Palagi nga init ng ulo binibigay mo sakin eh "Reklamo niya
" Oo na di na kita hihigpitan pero dapat ako lang mag isa yung manliligaw sayo wala ng iba! Sabi mo nga sakin di twin pack yang katawan mo kaya magdesisyon ka na kung sino pipiliin mo samin ng lalake mo! Bibigyan kita ng tatlong araw para kausapin yang Warren na yan! Mag usap kayo tungkol sa balak niyang panliligaw sayo tsaka sa loob ng tatlong araw na yun papayagan kitang makasama ka niya para makita mo kung totoo ba siya! Pero syempre ganun din sakin hanggang sa buo na desisyon mo puso mo naman sinusunod mo diba?"Wika ko
" Isang lalake lang naman hiniling ko eh pero bat dalawa dumating? Sino ba di maguguluhan dun?"Tanong niya
" Baka pagsubok yan sayo kung sino ba talaga karapat dapat humawak sa puso mo "Sagot ko
Di naman siya nagsalita at nanatili akong nakaupo dito sa hagdan!
" Ako sinasabi ko sayo na minsan lang ako magmahal pero bat sayo pa? Madami naman magagandang babae dyan sa labas eh pero bat parang kakaiba ka sa paningin ko "Wika ko
" Gusto ko lang naman sumaya kasama yung lalakeng pinapangarap ko eh pero bat pinapahirapan pa ako "Wika niya
" Pag napasakin ka aasawahin agad kita "Wika ko
" Lah! Baliw ka ba?"Tanong niya dahilan para mapatawa ako
" Totoo yun kasi nga akin ka na! Ako na yung mag mamay ari sayo di ka na pwedeng mahawakan o makasama ng iba "Sagot ko
" Gusto mo bang habulin tayo ng itak ni Lolo? Ha? Nababaliw ka na ata eh "Wika niya
" Tas bubuo tayo ng pamilya kahit limang anak lang okay na ako! Dapat may kambal tayo tas dapat may triplets para dalawang laban lang sa kama may limang anak agad tayo "Wika ko
" HAHAHAHA "Tawa niya
" Tsk yun gusto ko pag napasakin ka "Wika ko
" Nag aaral pa nga ako tas ganyan na iniisip mo wag mo nalang ako ligawan "Wika niya
" Biro lang ikaw naman "Wika ko
" Isa sa mga ayaw ko sa lalake ay yung tatamad tamad pag inuutusan! Yung dami reklamo yung di maitikom yung bibig tas ayoko din sa lalake yung nananakit sa jowa niya sa twing nag aaway sila! Okay na sakin kahit di gwapo pero marunong sumuporta tsaka marunong umintindi sa panahong pareho mainit ulo niyo "Wika ko
" Di naman ako tamad ah! Mas lalong di ako reklamador di ako tulad ng iba dyan! Tsaka hindi ako nananakit kaya asahan mong di kita sasaktan pero sasaktan lang kita sa masarap na paraan "Biro ko
Bigla naman niya akong binatukan sa sinabi ko! Totoo naman yun di ko kayang manakit pero nananakit ako sa masarap na paraan HAHAHAH
" Halika na nga maglilinis pa ako sayang oras kakaupo dito "Wika niya
Tumayo naman siya kaya tumayo na din ako humarap ako sa kanya
" Pag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kwarto "Wika ko
" Sige "Ngiti niya
Hinalikan ko noo niya tsaka pumasok na ako sa kwarto ko! Bumaba naman siya para maglinis na humiga ako sa kama para magpahinga
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Habang may ginagawa ako sa laptop ko pansin kong may tumatakbo papunta dito sa taas kaya tumayo muna ako tsaka lumabas ng kwarto baka kasi kung ano ano na naman ginagawa ng Kentucky niyo! Umaandar pa naman pagiging siraulo nun sa twing walang magawa! Tuluyan akong lumabas sa kwarto ko at nakita ko naman siyang may dalang box tsaka may tsokolate sa ibabaw at may dala din siyang bulaklak! Sumandal ako sa pader at nag cross arm ako habang pinapanood ko mga ginagawa niya!
" Ano kaya nakain neto "Bulong ko
Inilagay naman niya sa pinto yung dala niya tsaka kumatok siya sa sarili niyang kwarto! Di naman niya ako pinansin na para bang hangin lang ako sa kanya kaya pinanood ko nalang siya hanggang sa pumasok siya sa kwarto niya dahilan para mapakunot noo ako
" May sayad talaga eh! Iniwan yung dala niya sa labas ng kwarto niya "Bulong ko
Ilang segundo lang nakalipas lumabas agad siya sa kwarto niya at napatakip bibig naman siya nung makita niya yung iniwan niyang kahon kanina!
" Wow "Mangha niya
Baliw na ata tong Kentucky niyo! Madami na nga iniisip ko dumagdag pa tong isa
" Bango naman "Amoy niya sa bulaklak
" Baliw talaga "Wika ko
Napatingin naman siya sakin at nginitian ako lumapit naman siya sakin habang dala yung kahon na may tsokolate
" Ang sweet mo talaga! Pati ba naman tsokolate binilhan mo ko! Ang bango pa ng bulaklak "Ngiti niya sakin
" Eh kung iuntog ko yang ulo mo sa pader ng maalala mo kung saan mo yan kinuha! Pati mga tsokolate ko sa ref kinuha mo! Kung ano anong kalokohan pumapasok sa isip mo "Wika ko
Bigla namang nagkasalubong kilay niya dahilan para mapangiti ako
" Pinapasaya ko lang naman sarili ko ah "Kunot noo niya
" Kawawang bakla! Walang ka-date mamaya HAHAHA "Tawa ko
" Lakas ng tawa ah! Ikaw meron ba? Damay damay na to lalake ka "Inis niya
Hinawakan ko bewang niya tsaka inilapit ko siya sakin
" Syempre tayo magde-date mamaya "Wika ko
" Ayoko sayo! Kay Bugart lang ako "Wika niya
" Subukan mong tumakas mamaya pag uwi mo nasa labas na mga damit mo "Pananakot ko
" Kay Bugart lang ako "Wika niya
" Ako lang ka-date mo mamaya! Wala ng iba ako lang "Wika ko
" Kay Bugart ako sabi eh "Wika niya
Abaaa nang iinis ata tong Kentucky na to eh! Sabing ako lang ka-date niya mamaya eh tas sa lalake lang daw siya! Ganun pala ha?! Pinasandal ko siya sa pader tsaka kinulong ko siya tinitigan ko siya at di naman siya kumukurap
" Isang Bugart pa hahalikan talaga kita! Nang iinis ka pa ha "Pananakot ko
Di naman siya nagsalita at nanatiling nakatingin sakin
" Sino ulit ka-date mo mamaya?"Tanong ko sa kanya
Tang*na nang iinis talaga eh! Ayaw akong sagutin! Inilapit ko nalang mukha ko sa mukha niya dahilan para mapatingin siya sa labi ko
" Ang sabi ko sino ka-date mo mamaya? Sumagot ka di naman pepe diba?"Tanong ko ulit sa kanya
" I-ikaw "Takot niya
" Yun naman pala eh "Wika ko
Inayos ko na pagkakatayo ko tsaka napatingin siya sakin!
" Magluto ka ng ulam anong oras na "Utos ko sa kanya
" Puro utos di nalang siya kumilos "Bulong niya
" Ano sabi mo?"Tanong ko
" Walaaaa ito na po magluluto na "Sagot niya
" Bubulong bulong ka pa ha kala mo di kita naririnig "Wika ko
Di naman niya ako pinansin at bumaba na! Kala ko di na ako sasaya pa simula nung iwan ako ni Elaine! Di ko naman kilala yang Kentucky niyo eh kaso ayaw talaga mawala isipan ko kung pano siya sumagot sakin nung di pa kami magkakilala! Daldal pa sobra mana sa Lola niya pero di ko talaga papayagan umuwi yun dahil alam kong sasaya yung lalake niya dun lalo nat wala ako sa lugar nila .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon