Kabanata 2

24 2 2
                                    

"So ayun nga nagkita kami ni ate kanina habang nandun ako sa may coffee shop."

"Anong sinabi nya sayo?" bakas sa mukha nya yung lungkot at pag aalala.

"Mukhang gusto nya na bumalik ako sa bahay para kompleto na kami. Pero syempre idinahilan ko na mapapalayo ako sa gig. Alam mo naman na gustong gusto ko na kumakanta ako kahit maliit lang yung kita," pag pagpaliwanag ko sabay inom ng coke.

"Kung ako sayo pwede ka namang bumalik dun eh. Di mo na kakailanganin mag trabaho kasi hindi naman kayo naghihirap," sabay subo ng spaghetti.

"You know what? Medyo makunat yung fries nila ngayon. Gusto mo papalitan natin?" aakma na akong tatayo pero pinigilan nya ko sa braso.

"Let's finish everything para makauwi na tayo. Basta pumasok ka bukas ha?" nakangiting sabi nito.

Buti nalang nandyan si Elodie, sya lang yung taong nakilala ko na may malawak na pag unawa.
Okay lang kahit forever single (JOKE! Lord wag naman po please. Biro ko lang yun!)

Kahit pa medyo masama yung loob ko kasi feeling ko pangit na nga ko, nagagawa ko pang mag joke. Pero God, Thank you kasi magaling naman akong kumanta. Oh ha?


"Yes.."

"Wag ka mag alala, concern lang talaga ako sayo. Syempre ayoko na bumagsak ka sa klase. Sayang naman yung taon eh umilit ka na nga ng grade 11 haha."

"Daig mo pa yung mommy ko."

"Hindi ka naman mahina eh, madalas tamad ka lang talaga mag aral. Sayang yung ganda at talent mo."



MAGANDA??? Teka, nabinggi ata ako sa sinabi nya.

"Huh?" Kunwari hindi ko narinig.

"Wala. Ang bingi mo naman. Minsan talaga hindi ka rin marunong makinig sakin."




*Message pop out*

Sabay kaming napasulyap sa phone ko nang ito ay umilaw. Kinuha ko ito mula sa ibabaw ng lamesa.

"Bagong textmate?" Sabay tusok ng daliri nya sa may tagiliran ko at may pataas-taas pa ng kilay si bruha.

"Hindi ah. Baka si mommy lang. Kanina pa yan nangungulit makipag usap."

"Suuuus! kuwari pa. Sabihin mo na kung sino yan para titigilan na kita sa pang aasar sayo."

"Wala nga. Ang kulit!" Sinubo ko na yung huling fries.

"May bago ka ng manliligaw no? paguusisa nya.

"Wala nga. Loka-loka ka talaga."



"Brie.."

"Hmmm?" Nakatingin lang akong sa phone habang nag iisip ng irereply sa kanya.

"Binigay ko pala yung number mo sa friend ng pinsan ko. Pumunta si Derik sa school kasama sya tapos nakasalubong ka daw papunta ng cafeteria. Tinanong kung anong name mo. Syempre kilala ka ni pinsan tapos sinabi sakin na gusting kunin yun number mo-"

"To make the story short," dugtong nya "binigay ko naman syempre hindi naman kita ipag dadamot sa kanya. Hahahahahahaha."

"Ewan ko ba minsan mas marami pa yang saltik mo sa utak kaysa sakin."

"Ano ka ba girl! It's your time to shine," biglang may pahawi sa buhok nya "Saka try mo na kaya

kumirengkeng ng konte para hindi ka na nalulungkot dyan."

"Hindi ako natutuwa," sabay bisangot ko.

"Huyy! joke ko lang. Gusto lang naman kitang mapasaya eh.. mahal na mahal kaya kita kahit minsan mataray ka kahit hindi naman ganon kagandahan."

"Ah ganon??? Bakit sabi mo kanina maganda ako, aber?!"

"HAHAHAHA." Lakas pa ng tawa nya.

"Oh bakit?" Tanong ko. nakakairita yung tawa nya. Ang sarap nyang pitikin sa leeg!

"Huh?"

"Huh?"

"Huh?"

Tatlong beses nyang inulit-ulit yun na parang ginagaya nya yung ako kanina.

Di ko sya pinapansin..

"Nagtampo ka na. I just want you to be happy. Sayang yung araw na nabubuhay ka kung hindi mo naman susulitin yung ganda at kaseksihan mo. And besides, Try mo lang ulit na makipag meet up? Malay mo naman magwork na ulit. Gago lang talaga yang ex mo at pinagpalit ka sa may lawit."

"Shhhhh!!! Wag ka nga jan baka may makarinig sayo!"

"Totoo naman ah! Alam mo ba nakita ko sila kahapon!"

Sabi nya habang pinapaikot-ikot yung buhok sa daliri. Mukha na tuloy syang natitimang. Pero infairness, mukhang interesting yung sinasabi nya. Gusto ko rin namang kamustahin si Marko kahit gago yun eh minahan ko din naman sya kahit sandali. Hayy.

"Ok," yung lang para kunwari hindi ako affected.

"Tapos si ex mo edi lahat ng galamay nakapulupot ng mahigpit sa katawan ng lukutoy. Si lukutoy naman eh sobrang lapad ng ngiti. Syempre si ex mo na maraming galamay eh maraming hawak din na mga paper bag. Mukhang ipinag-shopping!"

"Ok."

"OK?" tanong nya "Okay lang masasabi mo?"

Siguro kung nakamamatay lang ang panglalait, matagal ng patay si Marko dahil kay Elodie. Parang sya ata yung mas nasaktan kaysa sakin.

"Let them do what they want. Nakapag-move on na ko," wika ko.

"Alright. Pagbibigyan na kita kahit saan mo gusto. Basta ako happy na happy na ko kay Junior ko."

"Gaga ka talaga!" I-iling-iling na sabi ko. Sinisinop ko na yung mga pinagkainan namin kasi mga ilang minute aalis na kami.

"Magkwento ka naman. So kamusta naman kayong dalawa? Anong sabi ng mama mo nung una mo syang dinala sa bahay nyo?" Sunod-sunod na tanong ko. Maiba naman yung usapan.

"Ako na ang first and last nya," naka finger cross pa to. Natawa ako kasi yung kuntil ng hintuturo nya ay hindi halos magcross sa gitnang daliri kasi maliit ito. May nabanggit sya sya tungkol sa condition na na tinatawag na symbrachydactyly, yun yung pagkakatanda ko. Normal naman yung ibang laki ng mga daliri nya pero yung hinlalaki at hintuturo ay halatang may kaiksian ang sukat kumpara sa iba.

"Hindi yan mangyari."

Abala sya sa pag kain ng burger nang biglang kumunot yung kilay at noo nya.

"Anong hindi mangyayari??"

"Hindi naman nag cross yung mga daliri mo."

Natawa sya sinabi ko. Muntik pa kong batuhin ng patty.

"Abnoy ka. Hoy malaking swerte ang dala nito sakin kahit lagi mong inaasar yan," kinikiss kiss nya pa ito na parang paghalik nya sa tuta nya.

"Ginayuma mo kaya natutuwa sayo ng todo si Junior."

"Hindi ah hahahahahah. Wag mo na ipaalala kasi kumakain pa tayo. Ang bastos ng bunganga mo."

"Ako pa ang bastos eh ikaw yung nauna."

Ang ingay namin. Siguro mag dadalawang oras na kami dito sa Jollibee. Gumagaan pakiramdam ko tuwing kasama ko sya. Mamaya uuwi ako sigurado magisa na naman ako sa condo magmumukmok mag isa.


"Sama ka sa Zirkoh mamaya? sunduin kita," pagaayako sa kanya.

"No thanks. Gagawa ako ng assignments natin. Nakalimutan mo may exam pa tayo bukas."

"Pleaseee? Manuod ka lang. Libre kita?" Panunuhol ko. Baka umipekto.

"Nope."

"K."

Madami s'yang sinabi pero hindi ko sinasagot. Hindi ko rin sya nililingon. Huling drama na to sakanya baka makalusot.






"Tamporuruot ka na naman. Sige na nga nga pareho na tayong ma-zero bukas sa exam. Good girl ka eh."

"Thank youuuu! I love you. Muah! Muah! ang saya ko haha.

"A-amba ka pa ng halik, kadiri ka," pagiiwas nya "Halika na nga."

7 Cups of Tea [On-Going]Where stories live. Discover now