Kabanata 4

20 2 0
                                    

Jamie's P.O.V.

"Alright mate."

Agad kong kinuha 'yung puffer jacket na nakasababit sa may likod ng pinto. It's freezing outside! Hindi na kinakaya ng katawan ko yung dating sanay sa lugar na may yelo. It has been 15 years since the last time I've been to Essex. If it weren't for my dad's wedding, hindi naman ako babalik dito sa England.

"Of course. Careful, eh?" Sabi ng pinsan kong si Nathan. Dumaan ako dito sa kanila bago ako bumalik ng Pilipinas kasi isang lingo nalang akong mag stay dito, aalis na ulit ako.

Pagkalabas ko ng pinto, patakbo akong sumakay ng bus dahil nagsimula na itong umandar ng paunti-unti. Buti nalang nahintay ako ng driver kaya nakasakay ako kaagad. Nagtap naman ako ng card para magbayad ng pamasahe ko tapos dumeretso na ko sa may dulo sa bakanteng upuan.

Lumingon ako sa babaeng nakaupo sa tapat.

"Are you okay?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Mukha syang hindi mapakali dahil kanina ko pa napapansin ang paulit-ulit nyang bukas-sara sa kanyang bag.

"No. I can't find my wallet." Agad nitong sagot pero hindi ito lumilingon sakin.

"Do you need anything?" Pag-aalala na tanong ko sa kanya.

"Yeah.. Not sure if I can make it home now," malungkot na sabi nito.

Hindi na ko nag dalawang isip at agad ko naman syang inabutan ng one hundred pound na dinukot ko lang sa may bulsa ko.

"A-are you sure?" Kunot nuo na tanong nya dahil inaabot ko na yung pera upang ito ay ibigay sa kanya.

"Take it."

"Miss, what's your name?!" tanong nya.

"I'm Jamie."

"T-thank you Jamie." aniya "Take my card. I'll pay you once I come home. Got it?

"Don't worry about it. I'll go now," pangiti kong sabi sabay kindat .





































"JAMIE, you're here!"

"Hi mom." bati ko sa step mom ko. Humalik pa ito sa may noo sabay yakap ng mahipit.

"Not hungry. I had pizza," sabi ko sa kanya. Nandun na yung dad ko sa may dinner table kasama na nakaupo angep sibling ko na si Olivia.

"Why she don't eat with us?" naririnig ko na tanong ni Olivia sa dad ko.

Nakaakyat na ko sa taas pero hindi ko narinig na sumagot yung dad ko. Samantala, tahimik naman yung step mom ko na nakikinig lang sa usapan nila

Sinara ko na yung pinto. Pakatapos ay nilapag ko na yung dala kong gamit sa may kama. Hinubad ko na yung pares ng sapatos ko pero iniwan ko lang na kasuot yung medyas.

Humiga na ko sa kama. Ilang araw nalang makakauwi na rin ako sa Pilipinas. Alam kong hanggang ngayon hindi parin tanggap ng dad ko yung mga nangyayari.

Tumayo ako sandali para uminom ng gamot. I took the vial as well as the syringe. Then, I insert the needle into the rubber top. Next, I push the air into the vial, hold it up for a minute in the air before I finally plunge it into my flesh.

Pinikit ko yung mga mata ko saka huminga ng malalim. Lumapit ako sa salamin saka pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking imahe. Sinapo ng dalawang kamay ko ang magkabilang dibdib saka patagilid, aliwa-kanan sa harap ng salamin.



I don't care whether my family would agree with me as long as I'm happy that's all matter.


Bumalik ako sa may kama para magpahinga ng ilang minuto. Bigla kong naalala ang isang babae sa bus kanina.

Agad kong kinuha sa bulsa ang card na binigay sakin. Britt Cage ang buong pangalan nya. Sa baba nito ay nakalagay ang Real Estate Agent at ang kanyang mobile number. Nagdadalawang isip ako kung okay lang ba na I-message ko sya, pero sinabi nya kasi na tumawag or mag message ako sa kanya para ibalik nya yung pinahiram ko na cash sa kanya kanina. Ang sakin naman, ayoko na isipin nya na kailangan ko na yung pera kaya tumawag ako. Gusto ko lang malaman kung nakauwi ba sya ng maayos kasi kung hindi...



'Hi. It's me'

Pagkatapos ay pinindot ko na agad yung 'send' Siguro naman makakaramdam na yun na ako yung nakilala nya sa bus kahit hindi ko na sabihin yung pangalan ko kanina.

pero..

Wala akong nataggap ng message mula sa kanya.

Naghintay ulit ako ng sampung minuto.

Until-

Nagising ako sa pagtunog ng phone ko malapit sa may unan. Nakatulog ako at hindi ko na namalayan yung mga oras na lumipas.

Dinampot ko yung phone ko na wala pa ring tigil sa pag vibrate nito. Sa screen ng phone ay may unregistered number ang nakalagay.


I think it's her.
Bulong ko sa isip.


"Jamie! It's me," masayang bati nito at hindi ako nagkamali sa hinala.

7 Cups of Tea [On-Going]Where stories live. Discover now