Kabanata 3

19 2 0
                                    

[Song lyrics:]

Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama

Ang tamis ng iyong halik ay di na madarama

Pangako sa isat't ay di na mabubuhay pa

Paalam sa ting'pag-ibig na minsa'y pinag isa~






***



Isa lang naman ito sa pambansang awit na madalas kong kantahin dito sa Zirkoh. Sino ba naman kasi ang nag request nito at pang 3 beses ko na ata tong kinanta sa loob ng dalawang oras? Pero mukha namang nag eenjoy ang lahat kahit na umay na umay na ko. Hays.

Okay na rin siguro to kesa' naman sa umupo lang ako dito sa harap at tumunganga. I-fifeel ko nalang yung lyrics sabay sa kinang ng mga pulang ilaw. Nasa baba si Elodie kasama ang mga ibang tropa namin na nasa Senior high. Hindi talaga namin sila ganon ka close, kung baga, sila yung madalas namin na kaladkarin sa mga ganitong gimik. Aba, dagdag customers din sila dahil malakas sila uminom!

Bago pala ang lahat, kumakanta din si Elodie. Sa katunayan, dalawa kaming vocalist dito; sya nag paalam na hindi muna sya papasok. Dahil ako naman si gaga, sa halip na makapag review sya para bukas eh, naaya ko pa! Kung tutuusin, mas magaling talaga syang kumanta, maliban pa don, nagsusulat s'ya ng mga tula saka ito lalapatan ng tunog.




pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana,

puso natin ay hindi,

Sa Isat-isa~




Ibinalik ko na yung yung mike sa may stand. Bumaba ako ng patalon mula sa may bar chair na kinauupuan ko. Sa wakas at last na kanta ko na at makapagpahinga naman ako. Kumakanta ako pero siguro mala-Kathrine Bernardo, chill lang hindi pang birit. Talagang nasasabayan ko lang yung' tugtog. Malaki ang pagkakataon na pumutok yung ugat ko sa leeg kung sakali na gawin ko yung mala birit ni Morisette! Haha.

Agad naman ako sinalubong ng palakpak ng besfriend ko. Parang ang galing-galing ko namang kumanta.

"Madami ka nang nainom!" Pag-aawat ko sa kanya. Umupo ako sa may tabi-

"Akin na yan!

"Waiiit!! di pa ko tapos uminom eh," Paghaharot nya.

"Aayaw-ayaw ka pa kanina eh gusto mo din naman palang sumama."

"Alam mo ba-" sandali s'yang huminto saka nya ipinagpatuloy ang pagsalita nang maubos nya yung beer sa may baso.

"Kanina ka pa tinititigan nung lalaking 'yon," Lumingon sya don' sa lalaking nakaupo mag-isa sa may kabilang table. Nakasuot ito ng maong na pantaloon at black na crew neck shirt. May cap din ito na suot kahit wala namang araw. Pang pa-pogi lang ganon. Nakasandal yung likod n'ya sa may upuan tapos yung kaliwang braso nya ay nakasandal sa may kabilang upuan. Mukhang mag-isa lang ito kasi dalawang piraso lang ng beer yung nakalagay sa may lamesa nya.


"PSST!"

Pagtawag n'ya sakin sabay turo ng nguso n'ya dun sa lalaking hindi pamilyar sakin.

"Huy umayos ka dyan! Mamamaya isipin nya na tayo yung tumitingin sa kanya!" Mukhang nakarami na ng inom 'yung bestfriend ko kasi ang gulo na nya!

"I think you should bring her home," sabat ni Maureen "Kanina ko pa talaga sya sinasaway eh hindi sya nakikinig."

"Halika na best." Inalalayan ko sya tumayo. Kinuha ko na yung mga gamit nya saka sabay sakay sa sasakyan.










Isang babae na nasa edad apatnapu ang bumungad sa may pintuan.

"Hi tita." Pilit na ngiti ko s'yang binati habang hawak ko sa kabilang braso ang mawala-walang malay na si Elodie. Hindi na nya kinaya na buhatin yung sarili nya mag-isa dahil sa dami ng alak na nainom n'ya. Sigurado ako na pareho kaming lagot!

"Hija!" sabay napatigil ito at may patakip ng dalawang kamay sa kanyang bibig.

"OH..My..GOSH.!" Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at pag-aalala sa kanyang anak.

"I'm so sorry po. I asked her to come with me sa my Zirkoh...my shift ako..I was singing. I did not notice she took three bottles of beer. Then she passed out," pautal-utal kong pagpapaliwanag sa kanya lahat ng nangyari. Inamin ko na kasalanan ko ang lahat upang hindi pagalitan ni tita si Elodie.

"Come inside!"
Agad itong nag senyas sakin na pumasok sa kanilang tahanan.

"I knew it. I should have not let her out today. Brielle, please.." nasa tono ng boses n'ya ang galit sa nangyari pero sinusubukan nitong kontrolin yung pananalita nya.

Pinaghalong takot at kaba naman yung naramdaman ko sa mga sandaling yun. Kaya naman..



"I'm so sorry po, Tita," '

'Di ko na nagawang umimik pa. Ayoko na rin kasi madagdagan ang galit n'ya dahil sa kagagahan ko.

"I hope this will be the last," pagsumamo n'ya,"I and her dad send her to school to finish her studies. We do our best for her. I'm sure you will understand."

Tumango nalang ako upang sumang-ayon sa kanya saka umakma naman akong tatayo sa kinauupuan ko para magpaalam.

7 Cups of Tea [On-Going]Where stories live. Discover now