CHAPTERS 1/2

230 4 5
                                    

CHAPTER 1:
TASH'sPOV.
"Ate! Ate!" Masayang tawag saakin ng bunso kong kapatid, habang papalapit saakin.

"Ano yun bunso?" Tanong ko rito habang nagluluto ng hapunan namin.

"Ate isa ako sa pinaka mahusay sa klase ngayong taon!" Masayang sabi nito.

"Talaga?! Congrats sayo bunso!" Masayang sabi ko rito saka ito dinambahan ng yakap

"Para sayo yun ate!" Sweet na sabi nito. Haha to talagang batang to

"Naku, sabi ko naman sayo na kaya mo ring makipag sabayan sakanila, ikaw pa ba?" Ngiti kong sabi

"O sya ayusin mo na ang lamesa at tayoy kakain na" utos ko rito

"Opo!" Sagot nito saka umalis para gawin ang inuutos ko.

---
Nang matapos kaming kumain, nag paalam ako sa kapatid ko na aalis ako

"Oh bunso, ikaw muna ang bahala sa pinag kainan natin..aalis muna ako saglit, babalik rin ako kaagad" paalam ko rito

"Sige po ate, mag iingat ka!" Bilin nito, nginitian ko lamang sya bilang sagot saka umalis.

Nang makarating ako sa labas ng bahay, agad kong sinilip ang laman ng aking walet. Haysst! 150 pesos na lang pala ang natitirang pera sa walet ko..kinakailangan ko na talagang humanap ng maganda at permanenteng trabaho, hindi yung ganto umaasa lang sa pa extra-extra.

Hindi narin kase sumasapat ang pera ko sa pa extra-extra lang lalunat lumalaki si Ivan, lumalaki na rin ang gastos.

Malakas na lamang akong bumuntong hininga at nag lakad papunta sa pupuntahan ko.

Nang makarating ako sa convenience store, agad kung hinanap ang Ice cream sec. At mag hanap ng flavor. Ang binili ko lamang ay yung tigbebenteng Ice cream na Chocolate ang flavor.

"Ma'am eto na ho!" Sabay abot saakin nung plastic na nag lalaman na bili ko na Ice Cream.

"Salamat po!" Naka ngite kong sabi. Akmang tatalikod na sana ako ng may na alala ako.

"Nga pala ate meron ho ba kayong bakante na pwede ho akong mag trabaho?" Tanong ko kay ateng cashier.

"Naku ma'am pasensya na ho, kahapon po kase Hiring kami saka kahapon rin po kami naka hanap ng bagong cahera dito" paliwanag nito.

"Ah ganun po ba? Sige salamat na lang ho" nakangite kong sabi.

"Walang anuman ma'am" sabi nito saka ako umalis.

Haysst! Ang hirap makahanap ng trabaho! Kainis!
---

Nang makarating ako sa bahay, nakita ko ang bunso kong kapatid na busy sa pag aaral.
Haysst! Napaka swerte ko dahil may kapatid ako na tulad ni Ivan.

"Oh ate andyan ka na pala" masayang sabi nito

Ngapala isang High-school student si Ivan, Señior High student sa susunod na taon

"oh eto para sayo" masayang sabi ko sabay abot sakanya ng plastic na nag lalaman ng binili ko

"Ano to ate?" Nagtataka na sabi nya saakin

"Basta! Bukasan mo na lang ok?" Nakangite kong sabi

Agad naman nyang binuksan ang plastic at dahan dahan tumitig saakin.

"H-hala! Nag abala ka pa ate, kahit hindi na" nahihiyang sabi nito.

"Ano ka ba! Ayos lang yun saka regalo ko na sayo iyan dahil nga napaka galing mo sa klase" masayang sabi ko.

Hindi ito nag dalawang isip na lumapit saakin at dinambahan ako ng yakap

"Salamat ate!" Punong puno ng saya na sabi nito

"Walang anuman...diba sabi ko naman sayo, lahat gagawin ko para sayo" sabay pisil ko sa ilong nito.

"Ate naman..." nakanguso nitong sabi.

"O sya kainin mo nayan, baka matunaw na" natatawa kong sabi.

Nginitian nya lang ako at agad na nilantakan ang Ice Cream. HAHA


CHAPTER 2:

TASH's POV.
"Ate papasok na ko!" Paalam nito saka umalis na. Hayst talagang batang to basta-basta na umaalis.

Agad na nag linis muna ako ng bahay bago umalis. Opo aalis ako dahil maghahanap ako ng trabaho.

Nang makatapos ako, nag pahinga lang ako ng konti saka nag ayos sa sarili. Nag suot lamang ako ng isang Simpleng t-shirt at pantalon. Pinaresan ko rin ito ng isang dollshoes. Nang handa na ako, nag lakad ako palabas ng bahay at nag hanap ng masasakyan.

"Manong para ho!" Tawag ko sa manong tsuper.

"Saan ang punta mo Hija" tanong nito.

"Sa centro lang ho" sabi ko, tumango lang ito bilang sagot saka pinaandar itong sasakyan

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin ako.

"manong ito ho ang bayad" sabay abot ko ng bayad at umalis na.

Nag libot-libot muna ako at naghanap kung may nakapaskil na 'HIRING' etc. pero wala. Hayss.

Nag tungo ako sa isang Fastfood chain at nag babakasakali na may bakante

"Ah Miss pwedeng mag tanong?" Tanong ko sa babae, siguro isang staff nitong fastfood chain

"Ano ho yun?" Sabi naman nito.

"Ah Miss may bakante ba rito na pwedeng pag trabahuhan" tanong ko.

"Ay nako ma'am wala na ho eh" sagot naman nito

"Kahit janetress wala rin ba ho?" Tanong ko pa

"Nako wala ho talaga, kahapon po Hiring kami may nakuha po kami kahapon kaya wala na hong bakante, pasensya na po ma'am" paumanhin nito.

"Nako..ayos lang! Salamat na lang Miss!"sabi ko rito

"Wala pong anuman ma'am" nakangiti nitong sabi.

CONTINUATION:

Haysst! Kailan ba ako makakahanap ng permanenteng trabaho! Bumuntong hininga na lamang ako at saka nag lakad muli.

Habang nag lalakad ako, biglang may narinig akong sigaw na tinatawag ang pangalan ko.

"TASH!" agad akong lumingon at tinignan kung sino man ang tumatawag saakin.

Si Scarlet...

"Ano yun Scarlet?" Tanong ko ng makalapit ito saakin.

"Nag hahanap ka ba uli ng trabaho? Ano may nahanap ka na ba?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Wala pa nga eh" malungkot na sabi ko

"Hayss, okay lang yan! Kung meron sana akong alam na bakanteng pag tatrabahuhan baka ipinasok na kita"

"Ayos lang..saka salamat Scarlet, sige mauna muna ako sayo mag luluto pa ako ng pananghalian baka dumating na si Ivan galing eskwelahan..salamat uli Scarlet!" sabay kaway ko.

Kumaway ito pa balik at saka tuluyan na nga akong naka layo sakanya.
---

Nang makarating ako sa bahay..saktong wala pa naman si Ivam, agad akong nag palit ng damit saka nag handa ng panang halian.

"Ate andito nako!" Rinig kong sabi ni Ivan na kadarating pa lamang.

"Sakto andyan ka na pala, tara kumain na tayo" aya ko rito.

"Ngapala ate wala kaming pasok ngayong hapon may importanteng meeting daw ang mga teachers kaya wala kaming pasok. Sya nga pala kamusta ang pag hahanap ng trabaho ate?" Mahabang sabi nito

"Eto wala parin" malungkot na sabi ko.

"Ayos lang yan ate, basta wag kalang mawalan ng pag-asa, antayin mo lang na makatapos ako, matik na yan ate giginhawa narin tayo HAHAHA" sabay tawa nito.

"Asahan ko yan, basta mag aral ka ng mabuti! Oh eto kain ka pa!" Sabay abot ko ng kanin.

---

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now