CONTINUATION:

68 3 1
                                    

At sinumulan ko ng mahanap ng pwedeng pag trabahuhan

"Miss may bakante ba rito sa kompanya nyo ngayon?" Tanong ko sa babaeng nasa front desk.

"Nako ma'am pasensya na ho wala po eh" sabi nung babae

"Ah ganun ba miss salamat na lang" nakangite kong sabi sabay alis.

Hindi man ako pinalad, hindi ako susuko saka nag hanap muli.

Nag punta ako sa ibat-ibang kompanya, fastfood, at Mall pero wala, hindi ako pinalad. Siguro hanggang dito na lang talaga ako.

Siguro ay uuwi na lamang ako.
----

Habang nag lalakad ako dito sa gilid ng kalsada, biglang may tumigil na kulay itim na sasakyan sa harapan ko. Tsk! Bakit sa harapan ko pa? Sa dinamirami ng pwedeng pag tigilan, bakit sa harapan ko pa?!

Hindi ko na lang ito pinansin at nag lakad muli.

Nang makakailang hakbang pa lamang ako, naramdaman kong may biglang humablot saakin. Dahan-dahan ko naman nilingon kung sino man ang humablot saakin....

"Te-teka! S-sino kayo?!" May halong pagkatakot na sabi ko sa mga armadong lalaking ito.

A-anong gagawin nila saakin?!

"Ipasok yan sa sasakyan!" utos nung parang leader?

Akmang mag pro-protesta ako ng maslalo nilang hinigpitan ang pagkakahawak saakin.

"Te-teka! San dali naman! S-saanyo ako dadal---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan nila ang ilong at bibig ko gamit ang isang panyo.

Ilang sandali pa nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo. A-anong?!

Hindi nagtagal, dahan dahang bumigat ang talukap ng aking mata at namalayan ko na lang kinain ako ng dilim.

Diyos ko! Tulungan nyo po sana ako! Ikaw na ho ang bahala saakin maging sa kapatid ko.

----
A/N: o ha ano masasabi nyo? Hihi hello sainyo readers! Sana na gusto han nyo! Dont forget to follow me and vote!!

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now