CONTINUATION:

41 2 0
                                    

TASH's POV.
Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari iyon, Gabi ngayon at kasama kong muli sina Nica, Xeon at Ivan, hinihintay kase naming dumating ang tatlo para sabay-sabay na kaming kumain ng gabihan.

At sa mga nakalipas na araw, araw-araw kong nararamdaman itong pagkahilo, minsan tinatamad, saka yung mga pagkaing ayaw ko.. ngayon gusto ko na, saka alam nyo yun pag aalis na si Dark syempre kailangang mag trabaho hindi pa nga sya nakakatagal umalis na mimiss ko na agad, lalo na yung amoy nya.

Waahh hindi ko na talaga alam ang nangyayari saakin!

Ilang saglit pa ay narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa noon ang tatlo na sina Dark, Hairoh at Luther.

Agad namang lumapit saakin ang Asawa ko saka ako hinalikan sa labi...

"Good Evening Wife!" Bati nito saakin sabay yakap. Waah namiss ko talaga ng sobra tong lalaking to!

"Good Evening too hubby, sige punta ka muna sa kwarto at magpalit ka muna" nakangiteng sabi ko rito.

"Okay" tipid na sabi nito saka nag madaling umalis. Talaga!

"Hey! Hey! Hey! Ang tamis nyo masyado Ate, pwedeng paki bawas bawasan ang sugar level? HAHAHA" Nang aasar na sabi saakin ni Nica.

"HAHAHA ewan ko sayo!" Natatawa kong sagot dito na syang ikinatawa rin

Andito kami ngayon sa Dinning Area kung saan ay kakain na kami ng gabihan.

Pina-una ko muna silang kumuha ng kanya-kanya nilang pagkain, dahil gusto ko wala ng sagabal pag ako na ang kumuha. HAHAHA

Ngapala masarap ang pagkaing nakahain ngayon kaya naman mukhang mapapasabak ako. HAHAHA

Kita ko namang Akmang hahainan sana ako ng Asawa ko ng agad ko itong pinigilan.

"Wife whats wrong?" Tanong saakin ng Asawa ko.

"Ako na lang" nakangiteng sabi ko, nag kibit-balikat lang ito saka ibinigay saakin ang pagkain.

Niramihan ko ang paglagay ng kanin at ulam sa plato, na syang ikina-tingin nila saakin.

Psh! Problema ng mga to?

"Ah A-ate kaya mo bang ubusin yan?" Nakangiwing tingin saakin ni Nica.

"Oo nga Ate saka, di ka naman ganyan karaming kumain ah?" Nagtataka ring sabi saakin ng Kapatid ko.

Hayss problema ng mga to?

"Wag nyo na nga lang akong pansinin saka kaya kong ubusin to no!" Masungit na sabi ko sa mga ito. Nag kibit balikat na lamang sila saka kumain ng muli.

---
Ilang minuto na ang nakakalipas, nakakailang subo pa lamang sila habang ako ay ubos na. Tsk! Ang hihina naman nilang kumain ngayon?

Inabot ko ulit ang lalagyan saka kumuha muli ng pagkain. Wala eh ang sarap!

"Woh Grabe Mrs. Montefalco, naubos mo agad yung pagkain mo na napakarami?" Manghang sabi saakin ni Hairoh.

"Eh sa ang bagal nyo kasing kumain kaya naunahan ko na kayo" Sagot ko naman dito sabay subo ng pagkain.

"Hey Wife, hinay-hinay lang" Suway sakin ni Dark.

"Ang lakas mo naman atang kumain ngayon Mrs. Montefalco" biglang sabi ni Luther.

"Ang sabihin mo hindi lang ngayon pati nuong nakaraang araw pa!" Sabi naman ni Xeon.

"Di ba pwedeng gutom lang? Kayo talaga!" Masungit na sabi ko.

Ano kayang nangyayari saakin? Waah.

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now