CHAPTER 9:

64 4 0
                                    



TASH's POV.
Gabi na at mag isa lamang ako dito sa napaka-laking mansyon na ito. Andito ako ngayon sa Living Area, tulog na rin kase ang mga katulong dahil anong oras na rin.

Hinihintay ko ngayon sina Mr. Montefalco pati na ang dalawa, kahit naman papaano ay nag aalala ako sakanila dahil, anong oras na hindi pa sila nakaka uwi.

Habang iniisip ko kung asaan na sila, narinig ko ang pag bukas ng pinto at iniluwa noon sina Mr. Montefalco, Xeon at Hairoh na punong puno ng pasa at sugat sa katawan. Mahahalata mo rin ang panghihina nila.

T-teka anong nang yari sa mga to?

"A-anong ng yari s-sainyo?" Sabay lapit ko sakanila at inalalayan ko silang maka-upo, maliban lamang kay Mr. Montefalco hindi ako pinansin at nag tuloy-tuloy sa pag lakad papunta sa silid nito.

Hindi umimik ang mga ito...

"Aishh! Sandali kukuha lang ako ng First Aid kit" paalam ko sa mga ito at iniwan para hanapin sa kusina ang First Aid kit.

Nang mahanap ko na ito, dali-dali akong bumalik at agad na nilinisan at ginamot ang mga sugat nila.

Si Xeon may daplis ng baril sa braso at may konting pasa sa mukha, habang si Hairoh naman ay puro pasa sa mukha at konting hiwa sa braso.

Ano kayang ng yari sa mga to? Akala ko pumunta lang sila sa kompanya? Eh bakit pag uwi nila puro pasa at sugat ang dala nila.

"Hindi ba kayo mag papaliwanag saakin?" Tanong ko sa mga ito.

"Mrs. Montefalco, sundan mo na si Boss" pag iiba ni Xeon

"Eto na ang time mo para suyuin si Boss HAHA" at nakuha pa talagang tumawa ni Hairoh, sa kabila ng mga sugat nito.

"S-sigurado ba kayo? B-baka galit pa yun saakin...nakita nyo naman kung anong trato nya saakin kanina" naka yuko kong sabi.

Eh totoo naman eh, malay mo kung anong gawin non saakin, laluna't tila para sila galing sa away.

"Sige na Mrs. Montefalco puntahan mo na sya, paki gamot narin ng sugat nya" sabi pa ni Xeon.

Nag aalangan akong tumango at dahan-dahang humakbang papunta sa silid ni Mr. Montefalco.

Kaya mo to Tash!

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now