CHAPTER 10:

63 4 0
                                    

TASH's POV.
At tinupad nga ni Mr---este Dark ang sinabi nya na makikita ko na ang kapatid ko.

Mahigit isang linggo ko rin itong hindi nakita, kaya naman grabe ang pagka sabik ko na makita ang kapatid ko.

Ngapala andito kami ngayon ni Dark sa Living Area, nakaupo ako sa sofa habang ang ulo naman ni Dark ay nakapatong sa hita ko, bale ginawa nyang unan ganon.

Ewan ko ba sa lalaking to.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang pag bukas ng pinto at iniluwa noon si Xeon at Hairoh, kasama ang kapatid kong matagal kong hindi nakita. Ang bunso ko!

Agad kong inalis ang ulo ni Zyer sa hita ko at agad na tumakbo mula sa kinaroroonan ng kapatid ko.

"Ate!" Sigaw ni Ivan at agad akong dinambahan ng yakap.

"Namiss kita Ivan, baby bunso!" di ko mapigilang maluha.

"Ate naman..di nako baby, kaya ko na ngang gumawa ng baby eh!" Natatawang sabi nito.

Aba! Anong marunong ng gumawa ng bata?!

"Hoy! HADES IVAN OXFORD! ang bata-bata mo pa para sa ganyan ha! Kinse ka pa lang pero yang mga nalalaman mo! Nako!" Inis na pangangaral ko sakanya.

"Ate naman, syempre Joke lang..dika naman mabiro! Hehe" sabay kamot nito sa ulo.

"Umayos ka!" Sabi ko pa

"Syempre ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko" banat pa nito. Nako!

"Weh?" Kunwaring di na niniwalang sabi ko.

"Totoo nga ate!" Sabay taas pa ng isang kamay nito, tila na nunumpa pa talaga.

"Yun oh!" Sabay sabi ni Xeon at Hairoh.

Mga ewan talaga HAHAHA

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now