Chapter 46 - Happy Birthday Michael

667 30 2
                                    



Naalala ko pa nang talikuran niya lang ako sa CR matapos ko siyang tanungin. Alam ko napasigaw na ako at superior ko siya, pero badtrip lang talaga!

Kahit patulog na ako ngayon ay di maalis ang kulo ng dugo ko sa isang yun. Buti't naisip ko pa kanina na anak siya ng pinakaboss namin kundi naka-isang solid na sapak ako sa kanya para magtanda.

Malaking tukmol din naman kasi itong si Pareng Will. Bakit pa niya kasi naisip na ayain yun. Tss. 'Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan. Isa na lang talaga!

Mataba man siya o hindi, wala akong paki. Kahit anak o apo pa siya ng may-ari ng firm, hindi ko siya sasantuhin kapag inulit pa niya ang kabastusan niya sa harap ko.

G@gong yun!




▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-Six █ ▆ ▅ ▃ ▂




Happy Birthday Michael




'Mike hijo, dalian mo na, anong oras na o?'

'Opo Ma. Eto na nga po!'

'Jane, madali ka, pakibuksan mo na yung gate para mailabas na yung motor ng Kuya Mike mo.'

'Opo Ante.'

'Dyos ko naman kasi bata ka, sinabihan na nga na 'wag magpapagabi sa inuman n'yo...'

'Ma naman, syempre nagkayayaan ang barkada saka di na po kami madalas nakakalabas lately.'

'O sya-sya, yung mga gamit mo kumpleto na ba? Nagbaon ka ba ng maraming underwear mo?'

'Tss, Mama naman e!'

'O anong minamaktol mo dyan! Natural magbabaon ka ng briefs di ba sa beach kayo pupunta?'

'Sige na Ma, aalis na po ako. I love you, bye-bye.'

'Teka, 'di ba gagamitin mo motor mo - saan mo iiwan yun?'

'Ma, doon po kami sa building magkikita-kita, at doon ko po sa basement parking iiwan, safe naman doon.'

'Is that so, o sige, lakad na, ingat sa pagmaneho - wag kas-kasero ah.'

'Opo Ma, I'll be careful.'

'Teka, pa-kiss nga ako sa bunso ko...'

'Ma naman ang tanda ko na para sa kiss e.'

'Ah basta! Mommy mo 'ko kaya ako'ng masusunod.'

'Opo...'

'Uhmuah. Happy birthday anak, buti na lang maaga natin na-celebrate birthday mo last Sunday.'

'Oo nga po e, by the way thank you sa gift n'yo ni Dad, Ma ah.'

'You're welcome. O sige na, mag-iingat, I'll see you on Friday?'

'Yes Ma. Bye, I love you.'

'Love you too hijo. Have fun!'



November 4.

Ika-8 ng umaga.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Where stories live. Discover now