Chapter 12 - Ako, Ikaw... Siya at Tayo

1.8K 56 35
                                    

 

 

Naupo siya sa sofa at nag-isip.

Boni, napakatabil talaga ng dila mo. Lagot ka sa’kin mamaya.

Ilang segundo pa’y huminga siya ng malalim saka nagtungo sa kusina.

Sa tono ng pananalita ng kaibigang si Ruby at sa tatakbuhin ng usapan nila pagdating nito dahil sa ibinalita ni Boni dito ay hindi malayong overnight ang magiging resulta ng pagpunta nito.

Napailing na lamang siya.

This will be a very long night.

 

 

 

 

 

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Twelve █ ▆ ▅ ▃ ▂   

 

Ako, Ikaw... Siya at Tayo

 

 

 

Aah, ah, uuumphh, ahh...’

 

‘Ugh.. ah... sh*t, uh...’

 

‘Oohh aaaaahhh f*ck!!’

 

‘Ooohh ayaaan naaaaahhhhh!!!’

Ang patuloy sa palitan ng mga hingal at halinghing ng dalawang taong pinagsasaluhan ang init ng katawan, kapwa pawisan sa kabila ng malamig na buga ng hangin mula sa aircon unit sa maliit na silid.

Ilang sandali pa’y naabot na nilang pareho ang sukdulan. Halos mag-unahan sila sa paglanghap ng hangin dahil sa nakakapasong pagniniig na iyon.

Ang kanina’y nasa ibabaw niya ay pumaling at hingal na humiga sa kama.

Pareho silang pawisan, magkatabi.

Yumakap naman ang katabi nito at marahang hinahaplos ang dibdib ng sinisinta.

‘I love you...’

Walang kibo ang kasama, hingal pa din itong napatingin sa katabi sabay buntong-hininga.

I love you Beh.’

Akmang hahalik ito sa labi subalit umiwas ang isa.

‘I... need to clean up now...’

Napabangon ang kayakap nito at mabilis na tumungo sa banyo.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Where stories live. Discover now