Chapter 60 - Ama, Anak at Ako

2.3K 49 81
                                    


'Bhe...'

Lumingon ang lalaki sa pagtawag na iyon.

Kita nito ang simpleng ngiti sa labi ng isa ngunit hindi pa rin maikubli ang lungkot.

Nahinto ang lalaki sa sunod niyang narinig mula sa kausap.

'...pwede bang... kahit sa huling pagkakataon na lang?'

----- ----- ----- -----

10:39PM

<-- Aasahan ko usapan natin kanina
Huli na yon Brod, huwag mo ko pilitin
Para pareho tayo walang pagsisihan

~Martin Delos Santos



▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Sixty █ ▆ ▅ ▃ ▂



Ama, Anak at Ako



Si Michael



. . . f l a s h b a c k

'Sir, salamat po sa paghatid kay Senyorito Simeon.'

'Wala pong anuman Bosing. Nasa loob po pala siya, medyo nakainom e.'

Sumagot ako agad kay Manong Guard sabay turo sa passenger seat kahit na heavy tinted pa ang salamin ng pick up.

Tapos nakita kong mabilis na sumampa 'yong isa pang Manong Sekyu sa driver's seat habang 'yong isang guard na kausap ko ay may sinabi sa walkie-talikie niya pero panay ang sulyap niya sa akin habang nagsasalita sa device.

Di ko alam kung all-black or midnight blue ang kulay ng uniform nila basta mukha silang gwardiya dahil na rin sa tindig at bitbit nilang high powered weapon. Pero mas astig lang ng itsura parang militar sa tindig at kilos kumpara sa mga normal na security force tulad ng sa mga malls at bangko. Itong mga kaharap ko ngayon ay tila SWAT na ang level sa porma. Sa bagay kung sa ganitong Class A na village ba naman ang binabantayan mo, symepre dapat hindi 'yong pipitchugin ang dating.

Seryoso kung magsalita. Diretso ang punto.Sobrang yaman ng sineserbisyuhan nila kaya ganito nalang ang kilos at asta nila. Hindi ko alam kung pinapayagan ba ang pagdala ng ganun kasi alam ko shotgun and pistol lang ang usual na gamit ng security force. Ewan ko lang sa private residences tulad nito.

Umusad na ang HiLux papasok ng maluwag na driveway. Naiwan ako at itong isa pang guard dito sa labas then may dumating na cab a few minutes later. Di na ako nagtaka pa.

'Mr. Tordesillas, hanggang dito na lang po kayo. Maraming salamat po uli sa paghatid kay Senyorito Simeon. Sasabihin na lang po namin paggising niya pati kay Don Amadeus na kayo po ang naghatid.'

Diretso ang sabi ng sekyu. So hindi pala ako pwede pumasok kaya pala mahigpit ang pagharang at pagpababa sa akin kanina tapos hinanapan pa ako agad ng ID. For exclusive, elite villages like this one, such protocols are nothing but usual. Sinubukan kong makipag-kamay bilang pamamaalam pero tinanguan lang ako ni manong. Tado 'to ah!

Kaya tumango na lang ako, patay-malisya sa hiya, at humarap ako sa taxi.

'Wag po kayong mag-alala Sir, bayad na po.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Where stories live. Discover now