Chapter 30 - Nikkithea

672 31 6
                                    

Eight seconds?

Nakatulala lang ang inaantok na binata sa screen ng mobile.

Tapos na yung tawag? Agad?, kunot-noo at natatawang niyang tanong sa isipan.

Pailing-iling na tinabi ni Nathaniel ang cellphone sa higaan saka umayos muli ng higa.

Pinatong niya ang braso sa noo at pumikit.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

‘I love you too, Choc.’

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Thirty █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

 

Nikkithea

 

 

Sigurado ka na ba dyan, Ate?’

‘Oo, Ineng. Tapos na naman sa kolehiyo si Ren ko, at si Martin stable na sa work at malapit na manganak misis niya.’

‘Sabagay... mabuti ka pa. Ako, naku, nagsisimula pa lang. Eto nga si Vlad magko-kolehiyo na next year. Gusto niya dun sa pinasukan ni Ren. Ang mahal kaya dun.’

‘Wala naman kaso dun, matalino naman yung pamangkin ko saka kaya yun ng asawa mo total nasa elementary pa lang naman si Bino. Di ba may naipon ka naman na?’

‘Oo Ate...’

‘Don’t worry, andito naman ako. ‘Pag kelangan mo ng tulong magsabi ka lang saka andyan din si Kuya Inoy, isang tawag mo lang dun, sigurado magpapadala agad yun sa’yo.’

‘naku Ate, wag na. Nakakahiya kay Kuya, simula pagkadalaga ko kayo na gumagastos sa akin, pati ba naman sa mga anak ko kayo pa din? Kayak o na ‘to.’

‘Basta andito lang kami, isa pa wala na naman na akong pinagkakagastusan.’

‘Salamat talaga Ate, hindi ko talaga alam gagawin kapag wala kayo ni Kuya Inoy.’

‘Haaayy pamilya tayo, dapat lang na nagtutulungan tayo sa mga problema, o ano tara na, ayoko masyado gabihin sa daan...’

‘Ok let’s go.’

Ika-isa ng hapon.

September 23, 201*

Nasa sala si Irma at kausap ang kanyang kapatid na si Ingrid dahil may usapan sila na lalakarin sa araw na iyon. Pinag-uuspan pa nila ang tungkol sa plano nitong pagreretiro na sa pinagtatrabahuang bangko habang nag-aayos ng laman ng shoulder bag nito.

‘Ate, sandali—pa-CR muna ako ah.’, wika ni Ingrid sabay lakad patungosa banyo.

‘OK.’, sagot agad ni Irma sa kapatid.

Nakaupo si Irma sa sofa, naghihintay nang maistorbo siya sa dalawang ulit na bagting ng doorbell.

Tumayo si Irma at tinungo ang labas. Tumunog muli ang doorbell sa ikatlong uli na sumakto naman sa pagkalas nito ng tarangkahan upang buksan. Tumambad sa ginang ang postura ng lalaki na nakacap, suot ay bukas na black jacket at jeans, sumisilip ang logo at pangalan ng courier company na pinagtatrabahuan nito sa kulay ng asul at kahel.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Where stories live. Discover now