Prologue

110 7 73
                                    

As the sun burns the sky,
he painted the town's sky red.
Stroke by stroke, Blood drips onto the canvas
like the fire burning a young heart.

***

To the scarred hearts beaten by their first heartache, let the magic of fictional love shower you with the love you deserve.

***

Prologue

For more than a decade, everyone in our town knew that the two of us are inseparable.

I was lost for words. I cannot process what's happening. Wala akong nagawa kundi takpan ang tainga at mata ng aking kapatid para hindi niya marinig o makita ang karumal-dumal na krimen'ng aking nasaksihan.

"Hmmpp!!" Mori, my sister, tried to free herself from my restraints.

Napapikit ako sa takot. Ni hindi ako makahinga nang ayos. I tried to not breathe so that these men won't acknowledge our presence. Nagtatago kami ngayon sa aming bodega. Nang silipin ko muli ang aming sala, nagkalat lahat ng aming gamit.

"Hanapin niyo ang magnanakaw na 'yon! Lahat nang babangga sa pamilya'ng ito ay mamamatay!" The voice of the murderer resonated through my ears.

Mas lalo kong diniin ang pagkakatakip sa bibig at tainga ni Mori.

Dugo.

Pinahiran ng papalubog na araw ang langit ng kanyang kulay dugong liwanag. Papa said that whenever the sun sets with a blood orange color, mainit ang panahon kinabukasan.

Nang makaalis sila para hanapin ang magnanakaw, tinignan ko ang walang buhay na katawan ng aking ama na naliligo na ngayon sa kanyang dugo. As much as I want to mourn and take my revenge, tinakbo ko ang aking kapatid para hindi niya makita si papa.

Patawad, papa. Babalikan kita mamaya. Itatakbo ko muna si Mori.

Para bang walang katapusan ang pagtakbo namin sa malawak na lupain ng mga Crescenciano. Ilang taon ko nang nilalakad ang mahabang lupain nila pero ngayon ko lang natanto na sobrang lawak pala nito. I only realized it now that our time is running out. May humahabol sa aking mangmamatay tao. Hindi puwedeng madamay si Mori.

My sister is already whining. Hindi siya sanay na tumatakbo kami nang ganito kalayo. Isa pa, may asthma siya.

She then cried. All of these are too much for her. Pagod na siya at pawis na pawis. She's overstimulated with the situation. Hindi pa nakakatulong na diagnosed siya ng Autism.

Nagtago kami sa talahiban kung saan kami hindi makikita. It was a perfect moment for us to catch our breaths. Mori, on the other hand, is already hitting me for making her suffer like this.

"Shh... I am sorry, Mori." I hugged her pero hindi siya tumigil na saktan ako. She hit me in the back.

Masakit. Sobra. To witness my father's murder and running away like a fool, hindi ko na rin alam ang gagawin pa. Wala na sa akin ang mga hampas ni Mori kumpara sa bigat at sakit na pasan ko ngayon.

"We'll go somewhere, okay? Just please bare with me." My voice cracked while trying to look brave in front of my sister.

Ilang minuto bago ko mapatahan ang aking kapatid at sumangayon sa aking plano.

I know that the Cresenciano property has a dead spot where we can escape their property. Kakaunti lang ang may nakakaalam no'n. Sa sobrang laki ng lupain nila, maiintindihan ko na hindi naman protektado ang iilang parte ng hacienda nila. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nakapasok ang mga taong iyon dito. Are they somehow associated with the Cresenciano? Gano'n na ba kalala ang pagkalat ng balita tungkol sa akin?

As the Sun Burns the SkyWhere stories live. Discover now