4

19 3 0
                                    

I left the Oliveira household with a sore body. Habang ako'y naglalakad, inuunat ko ang aking mga buto sa sobrang pagod. I was not even aware of my surroundings. Basta'y naglalakad lang ako.

After reaching the big gates of the Crescenciano property, I groaned inwardly. Thinking about the long fifteen-minute walk is making me anxious. Nonetheless, I walked down the familiar road to our house.

Hindi biro ang paglilinis ko sa kuwartong iyon. Maliit man, ang kapal naman ng dumi. Hindi kaya ng walis at mop para matanggal ang dumi. Nag floorwax at nag bunot pa ako para kuminis ang sahig.

Ang mga bintana, lamesa, bed frame, at upuan ay sira na. Parang gusto po akong gawing tagakumpuni ng sirang gamit.


Pagkapasok ko ng bahay, unang bumungad sa akin ay si Papa na abala sa pagtutuhog ng marinated pork sa stick.


"Dito na ko, Pa." I greeted him with a kiss on the cheek.  "Para saan po 'yan?" I asked him while I point the meat with my lips.


"Birthday bukas ni Mayor, ah? Tradisyon 'di ba sa bayan ang kainan sa Calle Arco?"


"August 1 na bukas?" I looked at the calendar to check if the date is correct.


"Oo." sagot ni Papa.


Blind me! It's August and Papa's birthday is around the corner as well! Huling araw pa naman ng Agosto ang birthday ni Papa pero malapit na rin 'yon! Makukuha ko naman ang kalahati ng suweldo ko sa fifteen at ang natitira sa katapusan kaya kahit pa-paano'y may ipanghahanda ako para sa kaniya. Just thinking about it is making me swell in happiness.


"Pupunta ka bang Calle Arco bukas?"


Napaisip ako. May trabaho ako bukas at ang kainan sa Calle Arco ay nagsisimula ng alas-sais ng gabi. Siguro?


"Hindi ko pa alam, Pa. Baka mamaya magovertime ako."


"O sige. Iiwan ko na lang si Mori kay Nanay Lucia."


"Pupunta rin po ba silang Calle Arco?"


"Oo, pero hindi sa matao. Alam mo naman ang kapatid mo, ayaw sa masisikip na lugar." Napatango ako sa sinabi ni Papa.


Dito sa bayan ng Haliya, tradisyon ang ipagdiwang ang kaarawan ng mga importanteng tao sa bayan. Gaudius dela Cuenco, Eduardo Crescenciano, Santana dela Cuenco, Eliseo Crescenciano, Antonius Entella, at iba pang mga tanyag na pangalang madalas na maririnig sa aming bayan.

Kasama na roon si Mayor. Kapag isang opisyal ang may birthday, nagpapakain sila sa may Calle Arco—isang mahabang kalye patungong entrance ng simbahan. That street is famous for celebrating festival and birthday. Ang nagpapaganda sa kalyeng yon ay ang pa uphill niya kaya kapag nasa kabilang dulo ka, animo'y nakalutang ang simbahan. In that same street, there are various stores there that sells authentic Silvana. Kapag sinabing Haliya, sikat ang bayan naman sa moon-shaped silvana.


Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay para makapag simula ng maaga sa mga Oliveira. I want to attend the festivity later. Sabi ni Claire ay dadalo raw sila ni Tita Sally. Marami rin daw libreng pagkain kaya ngayon pa lang ay natatakam na agad ako.

"Good Morning  po!" Bati ko kay Manong Aldrin, ang pangalan ng guard.

"Morning!" Tinaas niya ang mug ng kape niya bilang pagpupugay sa aking bati. Napangiti ako sa ginawa niya bago siya lampasan.


For some reason, I am in the mood to work. Naalala ko ang nangyari kay Helios kahapon. He was startled by what I did. I wonder what will be his mood for today?


As the Sun Burns the SkyWhere stories live. Discover now