CHAPTER 21

101 1 4
                                    

CHAPTER 21

KINABUKASAN, nagpatuloy ang routine nilang dalawang mag-asawa sa araw-araw: papasok si Hiro sa trabaho, si Dominique naman ay maglilinis ng bahay sa umaga, kapag natapos ay ang drawing materials naman nito ang pagkakaabalahan, o kaya naman ay maghapon itong mananahi.

At ganoon pa rin ang naging routine nila sa mga sumunod pang araw. At mula nang maganap ang pagbisita nina Ruby at Jenny rito, wala nang muling napadayo pang ibang tao rito. Pero minsan sa gabi at nauuna na siya sa kanilang kuwarto, nakaririnig pa rin siya ng mga kalabog at impit na pagsigaw.

Sa mga ganoong klaseng pagkakataon, alam niya na ang nangyayari. Kaya pilit niya na lamang pinagsasawalang bahala at pinipilit ang kanyang sarili na matulog, upang hindi niya na marinig pa ang mga impit na pagsigaw at mga kalabog.

Hanggang sa namalayan niya na lamang ang sarili na nasasanay na lang sa buhay na mayroon siya ngayon. Lubusan niya nang natanggap ang tunay na pagkatao ni Hiro. Hinding-hindi na talaga magbabago ang lalake, dahil para sa asawa, ang pagpatay ay parang pananahi niya, it’s his hobby and creation.

She felt satisfied when she create her clothes; she felt very amaze and happy when she look at her masterpiece. While Hiro, he felt satisfied when he kill people; he felt very amaze and happy when he look at the corpse of his victims; he enjoys disposing them by chopping their body before burying them.

Hindi niya alam kung bakit naging ganito ang lalake. Hindi naman na kasi siya nagtatanong pa. Nag-iingat siya sa mga ikinikilos at mga lumalabas sa bibig niya. Ayaw niya na kasing makita muli ang isang galit na Hiro. Natatakot siya na baka iwan siya nito, na baka magsawa ito sa kanya, na baka mawala ang pagmamahal nito sa kanya.

Kaya naman talagang ginagawa niya ang lahat para parati itong mapasaya. Ayaw niyang ma-disappoint sa kanyang ang lalake; ayaw niyang magsisi ito na siya ang pinakasalan nito. Gusto niya ay maging habambuhay itong masaya sa kanya. Kaya ginagawa niya ang lahat para lagi itong ma-satisfied sa mga bagay na ginagawa niya.

Halos hindi niya na nga makilala ang sarili. Hindi naman siya ganito noon. She never beg someone, she never follow orders from someone aside from her parents, she hate it when someone is bossing her around, she hate it when someone is being superior over her, she hates being under.

But when it comes to Hiro, she can do those things that mentioned above. She can beg him just not to leave her, she follow everything he says, she’s allowing him to boss her around, he’s her superior, and she’s willing to be under him.

Kaya niyang gawin ang lahat ng ayaw niya para kay Hiro. Hindi niya na alam kung dahil ba sa in love na in love na siya kay Hiro? O, dahil natatakot talaga siya na iwan ng lalake at maging mag-isa nanaman sa buhay?

Maybe both?

Hindi na mahalaga iyon sa kanya. Ang mahalaga ay magkasama sila ngayon. Basta parati niya lamang mapasasaya si Hiro, panatag siya na hindi siya iiwanan ng lalake.

Two months had already passed. Tatlong buwan na silang kasal ni Hiro. Tatlong buwan na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay matatag pa rin ang pagsasama nila. Minsan ay nagiging bayolente si Hiro, pero madalas naman ay sweet ito. Minsan kasi, kahit ano’ng iwas niya, may nagagawa pa rin siyang hindi nagugustuhan ng lalake.

At ngayon nga ay nagising nanaman siya na tila’y hinahalukay ang tiyan niya. Mabilis siyang tumakbo patungo sa CR at agad na dumeretso sa toilet bowl at nag-umpisang sumuka. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, pero ilang araw na siyang ganito.

Nahihilo siya, nagsusuka siya, parang naging moody siya, at ayaw na ayaw niya ang amoy ng bawang. Ang daming weird na nangyayari sa kanya. Hindi kaya may nakain siyang hindi maganda? Pero pareho lang naman parati ang kinakain nila ni Hiro. And Hiro was fine. Siya lang ang ganito.

Marrying A Serial KillerWhere stories live. Discover now