CHAPTER 28

70 2 0
                                    

CHAPTER 28

“YOU’RE DONE?” bungad ni Dominique kay Hiro nang sa wakas ay makita niya na itong pumasok sa loob ng kuwarto nila. Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama at tinitigan ang asawa. As expected, puro mantiya ng dugo ang damit nito. Pati mukha nito ay may mga talsik din ng dugo. Pero sa halip na pansinin iyon ay ngumiti siya sa asawa. Unti-unti ay masasanay rin siya.

Ngumiti rin sa kanya si Hiro at sumagot, “Yes. I disposed them already. You don’t have to worry anything. Hindi na nila tayo magugulo.” Pagkatapos niyon ay naupo ito sa tabi niya at hinaplos ang mukha niya, dahilan para mabahiran din ng dugo ang mukha niya na nanggaling sa mga kamay ng asawa niya.

But she didn’t mind it. It was just a blood. Hindi niya iyon ikamamatay kahit na ipangligo niya pa iyon. Kaya muli ay ngumiti siya sa asawa. “I’m glad,” kapagkuwan ay sambit niya na lamang.

Dahilan din para mas lalong mapangiti si Hiro. “You did a great job there, Kitten. Kapag mayro’n tayong mga unexpected visitors, gano’n dapat parati ang gagawin mo, okay? Just hide, until I tell you to come out.”

Tumango siya. “Okay. Tatandaan ko ’yan.” Mas gusto niya iyon, para hindi niya na kailangan pa’ng humarap sa mga bisita. Mamamatay rin naman ang mga ito. Mas mabuting hindi niya na makita pa ang mga ito.

“Very good.” At saka siya hinalikan sa labi ni Hiro, na mabilis niya namang tinugunan. They kissed torridly. Agad namang yumakap ang mga braso niya sa leeg ng asawa, habang buong pusong tinutugunan ang marubrob nitong paghalik sa kanya.

She thought their wild kiss will lead to something else, pero si Hiro na mismo ang nagparte sa mga labi nila. Kapwa silang humihingal dahil sa makapugtong hiningang halikan nila, pero kapwa nila iyong hindi iniinda.

Gusto niya pa. She loves kissing Hiro, lalo na kapag umaabot iyon sa pag-iisa nilang dalawa. Pero wala na siyang nagawa nang sa halip ay halikan na lamang siya ng asawa sa noo, bago ito tumayo.

“I’ll just take a shower. Wait for me.” Pagkatapos niyon ay nagtungo na ito sa banyo para maglinis ng katawan.

Napabuga na lamang siya ng hangin at muli nang nahiga sa kama. Tumitig siya sa kisame at tahimik na naghintay sa pagbabalik ng asawa niya.

Pero habang nakatulala sa kisame, bumalik sa isipan niya ang pitakang ipinakita sa kanya ni Hiro kanina. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan siya sa kung sino ang lalakeng iyon.

Aries De Leon. Sigurado siyang kilala siya ng lalake. May retrato siya sa pitaka nito. Pero bakit? Bakit ito maglalagay ng retrato niya sa pitaka nito? Isa ba ito sa mga manliligaw niya noon? Parang pamilyar kasi talaga sa kanya ang lalake. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita.

She’s so curious. Pero wala na rin namang magagawa ang curiosity niya, dahil patay na ngayon ang lalakeng iyon. May nalaman kaya si Hiro? Sabi kasi nito ay tatanungin nito ang lalake. Pero nagdadalawang isip siya kung tatanungin niya ba ang asawa. Natatakot kasi siya na magalit ito. Baka kasi hindi nito magustuhan kapag nagtanong siya patungkol sa Aries De Leon na iyon.

Muli na lamang siyang napabuga ng hangin. Ipahahamak lamang talaga siya ng curiosity niya. Kaya naman pilit niya nang inalis sa isipan niya ang patungkol sa lalakeng iyon. Hindi dapat siya nag-iisip ng ibang lalake. Baka magselos pa ang asawa niya at magkaroon pa sila ng problema. Maigi na ring patay na ang Aries De Leon na iyon.

***

KINABUKASAN, pagkaalis ni Hiro upang pumasok sa trabaho, agad siyang kumilos para maglinis ng bahay. Parati namang malinis ang bahay nila dahil araw-araw siya kung maglinis. Kaya naman mabilis lamang siyang natapos.

Marrying A Serial KillerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt